Chapter 6

65.7K 2.2K 43
                                    

Venice


The next day halata sa mga classmates namin ang pag iinda ng sakit nila sa katawan miski ako eh ang sakit padin. We're here inside the room trying to focus sa lecture kahit masakit ang mga katawan. 


"For this whole semester hindi natin pag aaralan ang academics nyo, mag fofocus tayo sa pag control at paggamit ng mga kapangyarihan nyo, dahil hindi natin alam kung kailan kikilos ang mga kalaban na taga underworld. The King and Queen command this so you should do your best and focus." Our new Teacher just came.



Paano kami makakapag focus kung yung katawan namin eh puro sakit. Kakaasar ayoko pa naman ng ganito wala ba ditong may kapangyarihan na taga gamot yung tipong isang cast lang ng spell magaling ka na agad? Wala ba nun? 



"I want you all to stand up." Maam, agad kaming nag ngiwian dahil miski pag tayo mahirap na saamin para ang bigat ng katawan namin to even stand! Sobra naman kasi yung takbo namin kahapon!


"Close your eyes and wait for the pain reliever." 


Ako na nauna ipikit mga mata ko, bahala sila willing ako matanggal ang sakit sa katawan ko. Dumilat pa ako saglit para tingnan mga classmates ko. 

Pinikit ko na lang rin mga mata ko, maya maya eh feeling ko nakalutang ako at relax na relax akong nakahiga sa isang higaan. Panaginip ba toh? Sana totoo na lang kung ganun. 


Unti unti nawala ang sakit ng katawan ko dahil may mga faires na nanghihilot sa buo mong katawan. Ang sarap sa feeling!



"Ok now open your eyes." Maam


At yun nawala sakit ng katawan ko maging ang mga classmates ko! Ang galing! Wow! This is so amazing.



"Class listen up eto ang first project nyo, you will be making a potion. The library is open 24/7 you may do your research in there, you may also ask people who makes one. Group yourself into 5, you are free to choose whome you want to be with. This will due on friday, you have time to go and see. Dismissed." Maam left the room 



Sakto kaming lima! We end up into brain storming. "Ako bahala sa mga ingredients nagagamitin natin dont worry. Alam ko kung saan kukuha." Aria sabay kindat



Ive heard sa mga classmates namin na gusto nila kunin sina Gissele, Lissana at Aria swap daw kami, they know how to make some potions and Aria is a Potion Princess. Unfair daw. 



"Ngayon nyo kami pag agawan, my gosh! Feeling ko sikat ako!" Lissana 



Hindi ko sya pinansin kasi hinatak na sya ng mga classmates namin para pagtanungan. 



"Pwede maitanong paano paano naging prinsesa si Aria?" Balasubas din tong bibig ko eh pero wala na nasabi ko na.

The Long Lost Powerful Princess (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon