Chapter 56

57.4K 1.4K 165
                                    

Keisha's POV

"Isuot niyo na to."

"Hindi ko susuotin yan." Madiing sagot ko kay Jim.

Hinatak niya ang buhok ko. "Kapag inuutusan ka,matuto kang sumunod. Baka nakakalimutan mo, dito hindi ka reyna."

Binitawan niya ko tsaka ihinagis sa mukha ko ang damit na pinapasuot niya sakin.

Kusa ng tumulo ang mga luha ko. Ang tagal ko na dito. May pagkakataon pa kaya para makasama ko ulit ang pamilya ko? O talagang katapusan ko na.

Ayoko sanang mawalan ng pag-asa pero wala na kong maisip na paraan para makatakas pa dito.

Isa ko panh iniisip ay si Zach. Nasaan na kaya siya? Gumagawa kaya siya ng paraan para mahanap ako o may nangyari na sa kanyang masama?

"Ate." Napatingin ako kay Jl na kalalabas lang ng banyo. Nauna na siyang magpalit sakin at hindi ko ata kayang suotin yung damit. Isa siyang crop top at palda na unting yuko mo lang ay lalabas na ang kaluluwa mo. "Saan ba tayo dadalin ng mga tao dito?"

"Sa isang auction."

"Ano? Ibebenta nila tayo? Ayoko ate! Paano na lang si Jade? Kahit ganun yun, ayoko naman siyang iwan no."

"Shhhh.. Huwag kang maingay." Hinatak ko siya paupo sa kama. "We need to make a move. Hindi ako papayag na ibenta nila tayo kung kanino."

"Anong gagawin natin?" She asked.

"Mamaya kapag nasa sasakyan na tayo at bumabiyahe, aagawin ko ang baril ng makakatabi ko. Ikaw naman ang bahala sa makakatabi mo. Nag-aral ka naman ng martial arts diba? Kaya mo ng diskartehan yan."

"Pero ate paano naman kung mapahamak tayo?"

"Mas mahirap naman kung wala tayong gagawin diba?" Tumayo na ko. "Ihanda mo na yang sarili mo Jl. Makakaya natin to." Dumiretso na ko ng banyo. Kailangan kong magpakatatag para sa pamilya namin.

***

"Ano ba naman kase yan! Bakit kailangang may piring pa ang mga mata namin? Kapag kami nadapa at nasugatan, bahala kayo diyan!"

Itatanong niyo pa ba kung sino ang maingay na yun? Huwag na. Paniguradong kilala niyo na kung sino.

I bet she's starting with our plan.

"Bakit hindi niyo na lang alisin ang mga piring namin?" Ng makita ko naman ang buong lugar.

"Hindi pwede. Dalian niyo na maglakad."

"Paano naman namin mabibilisan kung hindi namin makita ang dinadaanan?"

"Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ko ipapaalis yan. Alalayan niyo na ang mga babae. Baka ma-late na tayo sa auction." Napamura ako ng mahina. Mukhang hindi magiging madali ang plano naming pagtakas ni Jl.

Halos pakaladkad na kaming hinahatak ng mga tauhan nila bago kami pinasakay sa van.

Napangiti ako ng may nag-alis ng tali sa kamay ko. Mukhang umaayon sa akin ang mundo.

"Huwag masyadong masaya Mrs. Dawson. Kung inaakala mong mga tanga kami para bigyan kayo ng pagkakataong tumakas, nagkakamali ka." Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng isang malamig na bakal sa kamay ko. "Kung ano man ang plano niyo ng kapatid mo, goodluck na lang." Kasabay ng pagtawa nila ay ang pagkakasara ng posas na inilagay sa kamay ko.

Fvck. Hindi ko napigilang mapamura sa isip ko. Kung hindi ko magagawa ang plano namin ngayon, sisiguraduhin kong makakatakas kaming dalawa ni Jl.

***

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon