Chapter 11 ♬ Phobia

68.7K 1.1K 62
                                    

CHAPTER 11 - PHOBIA 

SERENE


"Hi good afternoon everyone. I'm Niel Valdez from Princeton Academy. And this is my song, my original composition titled, "Ikaw lang ang mahal". Actually, ito ang na yata ang pinakamabilis na nacompose kong kanta since I started way back in Grade 8."

"Wooh! In-love eh! Ganyan talaga ang nagagawa ng pag-ibig!" sigaw pa ni Rico na ikinatawa ng lahat sa paligid.

Niel chuckled and started to strum his guitar. "I hope you all like it. This is my song for you."

"For you? Para kanino ha? Please say the name!" Napailing ako kay Rico. Hindi ko namalayan na tinuturo-turo ako ni Nathan na nasa likod ko. Napatakip ako ng mukha dahil pakiramdam ko namumula ang mukha ko. Kahit nga sina Jace at Shane ay nakatingin na sa akin. Ayoko talaga sa lahat na nasa center of attention kaya pabiro ko pang hinampas si Nathan at Rico sa may braso.

Niel started fingerpicking his guitar for the intro of his song.

"Go Niel! Go! Kaibigan ko 'yan! Wooh!" proud na proud pang wika ni Nathan sa tabi ko, iwinawagayway ang kamay kasama ko. Hindi ko tuloy mapigilang matawa dahil sa kabaliwan nila. Siguro dapat na akong masanay sa kanilang dalawa ni Rico.

Sinimulan ni Niel ang pagkanta. Ilang linya pa lang ay nagsisitilian na sa kilig ang mga babae sa paligid. Tahimik lamang akong nakinig doon, masaya para sa natapos niyang kanta na ngayon ay naibabahagi na niya sa amin.

Isang pintig ang nadama ng puso ko

Hinahanap ng kay tagal pag-ibig mo

Nabuhay ako sa isang akalang hindi na iibig

Ngunit binuksan mo ang puso kong nanlalamig

Katulad ng palagi kong naririnig sa tuwing nagba-band pracice sila, hanga talaga ako sa ganda ng boses niya.

Dinggin ang sinasabi

Pakinggan mo ang...

Pakinggan mo ang pangako ko

Ipinikit ko ang aking mga mata. Ito na yata ang pinaka chorus ng kanta niya. Hindi ko mapigilang madala sa kanta na inaawit niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Katulad ng sinabi ni Mr. Valdez, magaling nga siya.

Kahit ilang beses na awitan ka

Hindi magsasawa, dinggin mo sinta

Itong paghimig ng pusong ligaw

ay ikaw lang ang mahal

Ikaw...

Ikaw lang ang mahal

Kay dali niyang nalalaro ang boses, halatang alam na alam niya ang gagawin sa mataas at mababa na tono. Even his vibrato and falsetto are flawless. Isama mo pa riyan ang galing niya sa paggigitara. Bukod pa roon, kahit na ngayon ko lang narinig ang kanta niya ay nakakaaliw pakinggan. Madaling masabayan. So soft and gentle like a lullaby. Ramdam mo roon ang emosyon. Ang pagmamahal.

Nabihag mo sa isang tingin

Ngiti na kay lambing

Mga alaala sumasaya sa piling mo

May ilang beses pa nga siyang tumingin sa akin at panay lang ang palakpak at pagtango ko. Suportado ko ang galing at pagmamahal niya sa musika. Bilib na talaga ako sa kanya. Muli niyang inulit ang chorus ng dalawang beses hanggang sa dahan-dahan na bumagal ang tono at tuluyan nang napunta sa huling bahagi ng kanta.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon