Chapter 67

593K 15.7K 5.5K
                                    

Thanks @benzie1992 :)


Chapter 67


Kasalukuyan na kaming naghihintay ni Sapphire sa pagdating ni Nero para sunduin ako sa mansion ng mga lolo ko. Hindi ko mapigilang hindi paulit ulit tingnan ang napakagandang singsing na suot ko. Sa kabilang linggo na ang kasal namin.



"Sigurado ba kayong okay lang kahit hindi ako tumulong?" tanong ko sa kapatid ko.



Pagkatapos ng napakalaking kaguluhan dahil sa ginawa ng baliw na mag ama, tuluyan nang sinigurado ng pamilya ko na nabubulok na sila sa dapat nilang kalagyan. Nabuklat din ang lahat ng anumalyang ginawa ng senador sa gobyerno, maging ang mga illegal na transaksyon niya sa ibang bansa, mga droga at mga illegal na armas na matagal na niyang itinatago sa napakahabang panahon.

Hanggang ngayon ay tanong pa din sa kapulisan ang mga taong tumulong sa akin at sa mga kaibigan ko. Para mapangalagaan ang taong ilang beses akong iniligtas, pinili ko at ng mga kaibigan ko, maging ni Sapphire na mag maang maangan sa mga taong tumulong sa amin dahil alam kong ito lang ang maaari kong gawin para sa kanila.



"Okay lang Florence, kailangan mo munang magbakasyon man lang kahit apat na araw, bawal ka namang mastress hindi ba? Ako na ang bahalang maging punong abala sa magiging kasal nyo ni Nero. Hayaan mo muna akong magpaka ate sa'yo" may nalalaman pa siyang pagkindat sa akin.



Muli na naman akong napatingin sa singsing na suot ko. Hindi ko akalaing sa oras na 'yon magpoprose si Nero. I know he's not fond of romantic thing, minsan lang kami nagdate, minsan lang kami naglakad na magkahawak ang mga kamay at lalong nabibilang ko sa daliri ko na binigyan niya ako ng mga regalo. Though, mahilig talaga siyang gumawa ng supresa. Ano nga ang lagi kong naririnig kay Troy? Paraang Ferell? Yes, Ferells have their own ways.



Kaya nang ipakita ni Nero ang singsing na suot suot ko ngayon, agad ko na siyang sinagot ang napakalaking YES. Sayang naman ang effort ng mga Shokoy dahil pinagplanuhan na naman pala nila habang totoong natutulog pa ako. At talagang ibinida pa nila sa akin ang ambagan nila sa nangyaring proposal, si Owen daw ang bumili ng mga roses, si Aldus sa singsing, si Tristan daw ang nagpagasolina sa pagpapauli uli ng dalawa at si Troy daw ang gumawa sa script ng proposal. Napapailing na lang ako sa kanilang lima, dahil sa harapan ko pa mismo sila nagsisingilan sa takot na hindi na mabayaran ni Nero pag natanggal na nang tuluyan ang mamanahin nito. Mga Shokoy talaga.



Pero kahit ako ay namumroblema sa mamanahin ni Nero Sebastian Ferell sayang naman ata kung wala siyang kahati? Sino ang suswertehin ang apat lang na 'yon? Bakit parang unfair naman yata? parepareho naman silang Shokoy, I mean pareparehong apo.



"Sapphire paano kaya ang mamanahin ni Nero?" bigla na lang lumabas sa bibig ko.



"Ganyang ganyan din ang naiisip ko noon kay Aldus nang pilit niyang ipinagdidiinan na buntis ako. Ang alam ko seryoso talaga si Don Ferell sa bagay na 'yon. Unless, wala pang nagsasabi sa kanya na buntis ka. Sa tingin mo ba ay alam na ng matanda?" hindi ako nakasagot kay Sapphire, wala pa naman akong nababalitaan na may nalalaman na si LG.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon