Chapter 10: The Recollection/Realizing Faults

199 13 2
                                    

Hahaha!!! Naalala ko lang yung cooking moment nila! Itlog lang ang kayang lutuin,minsan sunog pa!  In real life pala, ayaw nya talaga ng cooking!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hahaha!!! Naalala ko lang yung cooking moment nila! Itlog lang ang kayang lutuin,minsan sunog pa! In real life pala, ayaw nya talaga ng cooking!..

----wag kang mag alala!!! Kayang kaya kitang ipagluto!.. 😍😄😘

Guys!! Sorry po!.. graveyard shift ako kaya late updates!..







❇❇❇❇❇❇❇❇❇
KALI's POV:





"Ang sabihin mo, sinadya mo talagang hindi ibalik agad kasi gustong gusto mong may pinapaikot ka sa palad mo! Gustong gusto mong pinaglalaruan ang mga tao sa paligid mo! Hindi ka kasi marunong magpahalaga! Siguro tuwang tuwa ka kapag may nasasaktan ka! Kawawa naman yung mga taong nagbibigay ng halaga sayo. Kasi hindi ka deserving!" Putol ko sa sinasabi ni Jammi.

Hindi ko alam kung saan galing ang galit ko para pagsalitaan ko sya ng ganun.


Aaah!!!! Ano bang nangyayari sa akin??? Nagsusumigaw na tanong ng utak ko.

Alam kong masakit yung sinabi ko dahil nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya.





Bumalatay ang sakit sa mga mata nya at nangilid ang mga luha nito. Dahilan para mapaluwag ang pagkakahawak ko sa kamay nya.


Malamang ay naramdaman nito ang pagluwag ng kapit ko kaya bigla nyang binawi ang kamay nya. Ibinato sa akin ang bracelet. Nasalo ko naman ito dahil tumama ito sa may bandang tyan ko.







"Halaga? Hindi ko deserve? Hindi mo alam ang pinagdaanan ko nang dahil sobra akong nagpahalaga sa tao! Hindi mo alam kung anong hirap at sakit ang kailangan kong danasin para lang maibigay at makuha yang pesteng pagpapahalaga na yan! Wala kang alam sa pagkatao ko Kali kaya wala kang karapatang husgahan ako! Hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatang insultohin ako! At wala akong ginagawang masama sayo kaya wala ka ring karapatang saktan ako!" Pagkasabi niyon ay dali dali nang umalis si Jammi. Bahagya pa ako nitong itinulak sa balikat para makadaan sya. Nasa harap kasi nya ako dahil wala naman akong magawa kanina nung hinabol nya ako kundi ang humarap sa kanya dahil nahawakan nya ako sa braso.



Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hahabulin ko ba sya para mag sorry? O hahayaan ko na lang muna sya?


Sinundan ko na lang ito ng tingin. Alam kong tuluyan nang pumatak ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan dahil habang naglalakad palayo ay panay ang pahid nito sa mga mata nya.

Parang may kumurot sa puso ko sa isiping umiiyak sya.

At ako ang may kagagawan.
Nasaktan ko si Jam..

Hindi Kali! SINAKTAN mo sya! Yun ang tamang term dun! Singit ng utak ko.
















A Half More Than A WholeWhere stories live. Discover now