Chapter 26

60.6K 1.8K 93
                                    

Jansen


Hanggang ngayon hindi parin gising si Venice, we're here inside their dorm. Kaming mga boys ang nagbabantay sakanya yung girls ayun nageensayo tapos na kami eh baka masobrahan ako bawal ako masyado maarawan.


Masyadong gold ang balat ko unlike sa mga kasama ko balat kalabaw mukha hanggang talampakan.


kakatitig ko kay Venice hindi ko mapigilan ang magandahan talaga, sabi din nila eh bantayan daw namin kung magigising kaya nakatingin ako sa mukha andun mata nya eh.


"Ganda ni Venice no" hindi ko namalayan na nasabi ko pala yun ng malakas





"Bakit type mo?" Xander habang kumakain ng tinapay





"Oo, tsaka maganda naman sya." Ako, she isnt that hard na magustuhan ng lahat, "patay ka Kay Ash" Sila na kasama ko magbantay





Sinamaan ako ng tingin ni Ash yung tipong mapapaiwas ka talaga, tangina naman nito hindi ko naman aasawahin edi sakanya na! I bet Ash would harshly break the arrangement of him with the princess, speaking of her unti unti nalang tatanggapin ko na patay na yun!





"Wala ka ng pagasa na magkaroon ng jowa tol may sumpa ka eh" Miko





"Tang'nang to kala mo sya meron!" Sarap ihampas sa semento ulo nito, sya din naman wala!





"Haha! Tatanda kang binata tol, baka makita ko kayo ni Mang Isko nag sasabong ng manok ah!" Drake





"Eh bakit ikaw meron ka? Asa ka wala ngang nagkakagusto sayo" Ako sabay ang labas ng dila ko sakanya para asarin sya





"Ang ingay nyo, pag nagising si Venice" Avery,


"Yun nga ang point ang magising sya!" Sigaw namin sakanya





"Shh!" Ash





"Eto kasi" Drake, sinisi pa ako ng mukang unggoy na to tadyakan ko to eh.





Kumuha nalang ako ng saging sa table, may mga dala kaming fruits for her isa lang naman kakainin ko tsaka ako naman pumitas ni sa puno reward ko na to isa lang naman eh nag mala unggoy ako kanina tapos hindi ako makakakain hustisya sa poging katulad ko oi!


Binabalatan ko na yung saging ng wala namang pake sakin mga kasama ko, maya maya pa eh nakita namin na dumilat na yung isang mata ni Venice.


Hindi ko nakain yung saging dahil nakita ko kung paano sya dumilat! Gagi, gising na asawa ko teka lang! Nung una hindi pa kami gumalaw kasi baka nananaginip lang kami, pucha mamaya kami yung na engkanto dito!





"I want water," bungad nya saamin, nataranta naman kaming kumuha ng tubig. I offered the banana sa sobrang tarantda.


"you want? Eto muna." pag lahad ko ng saging





"Jansen mukha bang tubig yan? Sige pag nauhaw ka saging ang inumin mo! Tabi nga harang harang kang gago ka," Marco na may dala ng glass tsaka pitcher of water, yung isa malamig yung warm lang.





"warm water sabi ni Sam, huwag daw cold!" suway ko kay Miko na magsasalin na ng cold water





Nataranta si Marco na nagsalin ng warm water, "eto eto!" Marco





Hindi sya makabangon kasi tinitingnan lang namin sya, "Ash tulungan mo kaya." turo ko kay Venice na nahihirapan bumangon





Kung ako tutulungan ko yan kaya lang ayaw ko muna maging abo dito hindi ko pa nga ubos yung saging ko eh.





The Long Lost Powerful Princess (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon