47

44.9K 914 58
                                    


Dalawa ulit UD ko, baka hindi niyo nabasa yung Chapter 46. Thanks! :">



Chapter 47




Lumipas ang araw na yung dating pag iiwasan namin ni Shane nabawasan, naging magkaibigan pa rin kaming dalawa kahit na magkaiba ang section namin.



"Ahhh!! Gagraduate ako!!" Sigaw ng isang kaklase ko, oo malapit na kasi ang graduation namin, nakakatuwa nga dahil kasali ako sa may mga honors, pero mas nakakaproud si Shane, siya kasi ang Valedictorian ng batch namin. Nanalo rin siya bilang President ng Student Council, kaya mas busy siya kesa saakin, pero tinulungan ko naman siya sa pangangampanya noon, naging sentro pa nga kami ng asaran noon ng mga estudyante sa tuwing makikita nilang magkasama kami. Kadalasan nagsusungit pa rin siya pero kapag ako na ang nang aasar sakanya tinatawanan niya lang ako.




"Congratulations!" Masayang bati ko sakanya, katatapos lang ng graduation namin, may ang dami niyang medal, nasa likod niya ngayon si Ate Sabrina na buhat buhat ang anak, ang cute cute nga nung anak ni Ate Sabrina mukhang isang taon na ito ngayon.. Sila Tita Samantha at Tito Mario naman nag uusap yata kung saan sila maglalunch, kasama din nila si Shara.




"Congrats din." Isang matipid na ngiti ang ibinigay niya saakin, "Oh? Bakit parang malungkot ka?" Puna ko sakanya, "Bakit kasi hindi nalang sa isang school tayo nakapasa?" Reklamo niya, napatawa naman ako sakanya, nag exam kasi kami sa isang University para sa college, yun nga lang hindi ako nakapasa dun sa school na sabay naming kinuhanan, pero dun sa isang University na kinuhanan ko nakapasa ako kaya dun ako. "Okay lang yan, magkikita pa rin naman tayong dalawa." Sabi ko sakanya. Umiling iling naman siya at nagulat ako nang ikulong ng dalawang palad niya ang pisngi ko at tinitigan akong mabuti sa mata ko. "Paano nalang kung may umaligid sayo don? Hindi kita mababantayan.." Problemadong sabi niya, namula ang mukha ko nang ilapit niya ang noo niya sa noo ko!




"Araw araw kitang pupuntahan sa school mo. Dapat magtugma yung schedule nating dalawa, mauna kang kumuha ng schedule para maayos ko yung saakin." Bulong niya, nanlaki ang mata ko nang mapansin kong nakatingin saamin ang ngiting ngiting Mama niya! Marahan ko siyang itinulak.



"Shane ano ka ba! Nandiyan ang Mama mo." Nahihiyang sabi ko, "Ano naman." Iritadong sagot niya saakin, napansin kong lumapit saamin ang Mama niya. "Abhie, pumunta ka sa bahay mamaya ha? Hihintayin kita." Sabi ng Mama niya, nanlaki ang mata ko.


"B-bakit po?!" Kinakabahan na tanong ko, hala galit yata siya dahil ang landi ni Shane sa harapan niya! Ehh?! Tumawa ang Mama niya saka marahan na pinisil ang kamay ko.



"Gusto kitang makasama sa dinner mamaya, hihintayin ka namin ni Tito Mario mo ha?" Sabi niya atsaka tumalikod na at sumakay na kotse nila.



"Shane, sumunod ka nalang ha? Nagloloko na kasi si Kyle baka naiinitan dito." Sabi ni Ate Sabrina, tumango naman sakanya si Shane. Mukhang alagang alaga si Ate Sabrina sa anak niya, at nakakatuwa pa dahil ang ganda ganda pa rin niya. Sayang nga lang at wala si Kuya Michael para samahan siya sa pagpapalaki sa anak nila, pero may ikinuwento saakin si Shane tungkol kay Kuya Michael, isang kasunduan daw para makasama ulit si Ate Sabrina at si Kyle. Ang bait lang talaga ni Shane sa mga kapatid niya.




"Abhie hija, tara na? Dadaan pa tayo sa sementeryo." Nakangiting sabi saakin ni Tita, ngumiti naman ako. "Pano Shane? Mamaya nalang.." Bigla siyang ngumiti, "Pupunta ka?" Excited na tanong niya, "Haha, oo nakakahiya naman sa Mama mo." Sabi ko.



"Susunduin kita!" Sabi niya, hinampas ko ang braso niya. "Hindi na, kaya ko naman mag isa.. Sige na Shane mauna na kami ha? Babye.." Paalam ko sakanya, nagpaalam na rin siya sa Tita ko.




Pagdating namin sa sementeryo, ipinakita ko kaagad sa puntod nila Papa ang medal ko! "Pa! Ma! Second honor ako!" Masayang balita ko, inakbayan naman ako ni Tita. "Ang galing galing ng anak mo Shane.." Sabi ni Tita, nag uumapaw ako sa saya ngayon. Dahil natupad ko na rin ang pangako ko kay Papa sa mataas na grades. At mas lalo ko pang pagbubutihin ang pag aaral ko sa college. Ilang sandali pa kaming tumigil tumigil doon ni Tita, umuwi na rin kaming dalawa.




At kahit dalawa lang kami sa bahay naging masaya ang celebration namin, yung ibang kamag anak kasi namin bukas pa daw makakapunta.



"Tita! Pupunta po ako kela Shane." Paalam ko, humarap saakin si Tita at binigyan ako ng isang nakakalokong ngiti. "Mag iingat ka."




"Si Tita kung makangiti naman.." Puna ko, tumawa siya ng marahan. "Wala akong sinasabi ha? Ikaw talaga. Sige na, h'wag kang magpapagabi ha?" Sabi niya, tumango naman ako.



Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ako ng damit.




Binigyan ako ni Tita ng pantaxi papunta kela Shane. Napatingin ako sa phone ko nang magvibrate ito.



From: Shane

San ka na?



Napangiti ako, nagtype ako para magreply.



To: Shane

Malapit na.



"Manong liko po kayo sa kanan." Sabi ko, at napatawa ako nang matanaw kong naghihintay si Shane sa tapat ng bahay nila, nakapamulsa siya habang nakatingin sa taxing sinasakyan ko. "Manong dito nalang po!" Sabi ko atsaka nagbayad na ako.




Nginitian niya kaagad ako pagkababa na pagkababa ko, napapitlag ako nang hilahin niya ang kamay ko papasok sa loob! "Shane!" Hiyaw ko sakanya, pero tinawanan niya lang ako.



"Go-good evening po!" Bati ko sa parents niya, "Upo ka muna dito, may kukuhanin ako sa taas." Paalam saakin ni Shane, kaagad akong umupo sa tabi ni Ate Sabrina.



"Hello Abhie." Bati niya saakin, "Hi po.." Nakangiting sabi ko, abalang abala siya sa pakikipag laro kay Kyle dun sa crib. "Ahhh!!" Nagsusumigaw si Kyle sakanya dahil hindi nito maabot yung laruan. "Ang baby ko nagagalit nanaman, mainitin lang ang ulo?" Natatawang sabi niya sa anak.




"Ang gwapo naman po ng baby niyo." Nakangiting puna ko, nginitian naman ako ni Ate Sabrina. "Anak, gwapo ka daw oh? Anong sasabihin? Thank....you.." Napapangiti talaga ako sakanya, narinig kong humalakhak si Kyle sakanya. "Ate!! Pwede ko bang buhatin si Kyle?" Biglang bumungad si Shara. "Osige, hawakan mong mabuti sa likod ha?" Paalala ni Ate Sab saka maingat na pinabuhat iyon kay Shara.



"Girlfriend ka ba ni Shane?" Nakangiting usisa saakin ni Ate Sabrina, nanlaki ang mata ko sa tanong niya. "Tss, hindi." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Shane, may dala siyang maliit na kahon, umupo siya sa tabi ko at binuksan yung kahon.




Isang bracelet nanaman iyon, kinuha niya ang kamay ko ang isinuot saakin yon. "Graduation gift." Seryosong bulong niya, "Ehem! Hindi raw girlfriend." Natatawang puna ni Ate Sabrina, "Hindi pa." Bulong ni Shane! Hinampas ko ang kamay niya pero nginitian niya lang ako.




"Ang ngiti. Bakit kapag wala si Abhie hindi ka ngumingiti ng ganyan?" Pang aasar sakanya ng Ate niya, nagkadikit naman ang dalawang kilay ni Shane. "Eh kasi Ate! Si Ate Abhie ang happiness niya!" Nakisingit naman sa usapan si Shara na ngayon ay buhat buhat si Kyle. "Shara!!" Sigaw ni Shane sakanya, "Behlat! Yung laptop mo nga puro pictures pa rin niya eh.. Pati cellphone mo, tapos alam mo ba Ate nagpadevelop yan ng picture niyo nung nag JS kayo, nakaframe yun sa kwarto niya." Biglang namula ang mukha ko sa mga sinasabi ni Shara, narinig ko naman ang pag tss ni Shane sa tabi ko, tumawa naman ng malakas si Ate Sabrina.




Sabay sabay kaming nagdinner, panay ang tanong saakin ni Tita Samantha saakin kung ano anong mga pinag gagagawa ni Shane sa school, dahil hindi naman daw nagkukwento sakanila si Shane, hindi rin daw nila alam na Valedictorian pala siya, basta nagulat nalang daw sila kanina sa graduation ng magspeech sa harap si Shane. Halata namang hiyang hiya na si Shane dahil sa dami ng tanong saakin.



Pero ayos lang naman yun, masaya nga ako dahil kahit papaano nasabi kong kilalang kilala ko na siya. Pagkatapos naming kumain niyaya niya akong pumunta sa garden nila, naupo kami doon at nag open ng facebook, tinignan kasi namin kung nag upload na ng pictures sila Syril. Madami kasi kaming kuha sa camera nila. "Mukhang wala pa." Sabi ko sakanya.




Sumandal kaming dalawa, napatingin ako sa bracelet na bigay niya. "Shane, wala akong regalo sayo." Bulong ko, lumingon naman siya saakin. "Regalo mo na saakin ang pagpunta mo dito. Makasama lang kita isang malaking regalo na yon." Seryosong sabi niya, napalunok naman ako at namula ang mukha ko. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na itinaas iyon saka hinalikan. "Sayang hindi tayo parehas ng school." Napatawa ako, hanggang ngayon yun pa rin ang pinoproblema niya! Hahaha! Nilingon niya ako!



"Ano bang problema mo sa pagkakaiba natin ng school?" Natatawang tanong ko sakanya. Kumunot ang noo niya, "Ikaw. Hindi na kita makakasama, paano nalang kung may magustuhan kang iba dun. Paano nalang kung biglang may manghalik sayo dun! Pano yung first kiss nating dalawa." Halos lumuwa ang mata ko sa sunod sunod na pinagsasasabi niya. "Pero hindi naman ako papayag na hindi ako yung first kiss mo, at hindi ikaw yung first kiss ko."



Bigla siyang natahimik, naisip niya siguro ang sinabi niya. Humigpit ang kapit niya sa kamay niya at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko, humilig siya ng kaunti para hindi magtama ang ilong naming dalawa. Napahigpit din ang hawak ko sa kamay niya, napapikit ako dahil halos lamunin ako ng dalawang mata niya.



Halos manghina ang tuhod ko nang maramdaman ko na ang mainit niyang labi sa labi ko! Shet Abhie ito na talaga yung first kiss mo!! Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Mas lalo akong nanghina nang dahan dahang gumalaw ang labi niya, hindi ko malaman kung paano ko siya susundan. Pero nung tumagal ang halik niya saakin dahan dahan ko na siyang tinugon na naging dahilan para mas lalong lumalim ang halik niya! Marahan kong iminulat ang mata ko at nakita kong nakapikit siya! Kaagad ko ulit ipinikit yung mata ko! Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko! Pero napatigil kaming dalawa ng marinig namin ang isang sadiyang pag ubo.



"Ehem!!" Kaagad kong naitulak si Shane at napatakip ako nang mukha ko! Si Ate Sabrina!! Nahuli niya kami ni Shane! Nakakahiya!




Narinig ko ang pagngisi ng Ate niya, "Same place Shane?" May halong pang aasar ng Ate niya, hindi ko nagets ang sinabi niyang same place pero narinig ko ang pag tss ni Shane. "Bakit nandito ka? Diba dapat inaalagaan mo si Kyle." Pagsusungit ni Shane, "Haha, tulog na si Kyle. Hindi mo pala siya girlfriend ha? Same place...." Sht.. Nakakahiya talaga huhuhu!



"Sige na maiwan ko na nga kayo." Nagpipigil pa rin ng tawa ang Ate niya, biglang hinila ni Shane ang dalawang kamay ko na nakatakip sa mukha ko. "Wala na umalis na." Sabi niya saka tumingin na siya sa laptop niya, ang init init talaga ng mukha ko!



Hindi rin siya makatingin saakin at kita kong ang pula rin ng mukha niya. Napatingin ako sa labi niya at napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita kong basa iyon. Aish Abhie!!!



"Na-naupload na ni Syril." Nauutal na sabi niya, "Ah, t-tignan na natin." Sabi ko saka inilapit ko ang mukha ko sa laptop, tahimik kaming tumitingin ng mga pictures, para bang nagkakailangan kaming dalawa ngayon.



Naramdaman kong tumingin siya saakin kaya halos magwala nanaman yung puso ko. Kalma huhuhu, kumalma ka puso! Nakakainis ka! Pero mukhang malabong kumalma dahil bigla niya akong ninakawan ng halik sa pisngi ko! Saka siya nagsalita na naging dahilan para matulala ako.



"Hatid na kita, hirap kasi pakalmahin ng puso ko ngayong katabi kita."


****

Next update po ang FINALE at EPILOGUE. Thank you so much! :">

ATE ABO.

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon