Project: Yngrid

363K 11.7K 1.5K
                                    

My name is Yngrid. 

Galing sa isang masayang pamilya; unica hija. 

Parehong scientist ang mga magulang ko. Normal lang naman ang buhay namin, tahimik. 

Isang linggo bago sumapit ang kaarawan ko, may kakaiba akong naramdaman. 

Someone's been following me. 

Kahit saan ako magpunta, nararamdaman ko na may nakatingin, may nakasunod.

Sinabi ko ito sa mga magulang ko at pinagbawalan nila akong magpagabi sa daan. Kaya naman palagi akong umuuwi nang maaga simula non.

Pero isang araw bago ang kaarawan ko, niyaya ako ng mga kaibigan ko na sumama sa kanila. Katulad ng isang normal na teenager nakalimutan ko ang oras. 

Naging malaki ang kapalit ng kapabayaan ko.

Namatay ako nang araw na 'yon. 

Makalipas ang maraming taon, nagising akong muli sa panibagong katawan.

My name is Yngrid, I never turned eighteen. 

May isang misyon lang ako na gustong gawin bago tuluyang mawala.. 

....ang hanapin kung sino ang pumatay sa akin at ang pagbayarin sya..

..sa kahit na anumang paraan na gusto ko.


Project: YngridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon