CHAPTER 12 - HIDDEN MUSIC
SERENE
Pagkatapos ng Music Camp na iyon ay masasabi kong mas naging malapit ang loob naming magbabanda sa isa't isa. Lalo na si Rico at Nathan, kung mapagtripan ako wagas. Si Shane ay tahimik pa rin pero kapag kinakausap ko naman siya ay kinakausap niya na rin ako. Pero higit sa lahat siguro, kay Niel ako pinaka naging malapit. Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Parehas kasi kami ng mga gusto at hindi gusto. Minsan napaka-weird na. Binibiro nga niya ako minsan na gaya-gaya raw ako.
Pagkatapos ng mga tagpo roon sa music storage ay hindi ko na muling nakausap si Jace. Para kasing iniiwasan niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero ilang linggo na rin ang nakakalipas. Wala naman akong pinagsabihan tungkol sa kung ano ang nangyari sa kanya roon. Basta pagkalabas namin doon ay sinabi ko kanila Mr. Valdez na ihatid siya sa clinic para mapatingin dahil mukhang hilo pa rin siya noong mga oras na iyon. Ang sabi naman ni Jace okay lang siya tapos umalis na siya at bumalik doon sa kwarto niya.
Pumupunta pa rin ako roon sa Private room ko. Hanggang ngayon ay pinagkakaabalahan ko pa rin ang tono na ilalapat ko roon sa sinulat na kanta. Pero kapag naiinis na ako sa sarili dahil wala na akong matinong maisip, bumabalik ako roon sa piano at tumutugtog ng mga classical piece pampatanggal ng inis. Pagkatapos noon, masaya na ako ulit. Ang galing lang manggamot ng musika.
Minsan din tumutugtog pa rin ako ng mga malulungkot na kanta kapag naroon ako sa mood na napapa-emotera ako. Sinasabayan ko rin ng pagkanta kapag feel ko. Minsan naluluha pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang pamilya ko. Kumusta na kaya sina mama at papa? Naiisip din kaya nila ako?
Lunch time na noong maisipan kong dumaan muli sa Private room ko, baka kasi magkaroon na ng improvement doon sa ginagawa kong kanta. Sayang din.
"Ilang beses ko bang kailangang sabihin dad? I don't want to have anything to do with the company! Ang pagbabanda ang gusto ko. Bakit ba hindi niyo magawang suportahan ako?"
May ingay akong naririnig sa may pinto papunta roon sa rooftop. Wala sa sarili akong napapunta roon.
"Yeah, right. Kung ako ayoko, what makes you think he will agree with you? Nathan has his own plans in life. At wala rin doon ang pagpapatakbo ng isang kumpanya. Stop forcing us to something we don't even want. This is our life. Deal with it." Padabog niyang ibinagsak ang hawak na cellphone. Nakita ko si Jace na nakatayo malapit doon sa may railings, ang likod niya ay nasa akin. Halata naman sa kilos niya na mainit ang kanyang ulo, so I retreat back.
Bago pa tuluyang makababa sa hagdan na maghahatid sa pangalawang pintuan ay narinig ko ang pagtugtog niya ng gitara. Natigilan ako at pinakinggan lamang iyon.
It was just a simple strumming but it captures the melody of the song I have been searching for my song. Bukod pa roon, aminado naman ako na pagdating sa pagtugtog ng gitara ay 'di hamak na mas magaling siya sa akin kaya hindi na ako magtataka.
Dahan-dahan akong bumalik sa taas. Paano ko ba ito sasabihin? Huminto ako, nagdadalawang isip. Huwag na lang kaya? Magpaturo na lang kaya ako kay Niel? Pero nandito na ako. Sayang din ang pagkakataon. Nakuha na niya ang tono na matagal ko nang hinahanap na sasakto sa kanta ko. Pakakawalan ko pa ba?
"A-Ano, Jace..." gusto kong sampalin ang sarili dahil sa pagkakautal. Natigilan siya sa ginagawa at mabilis na lumingon sa kung sino man ang naglakas loob na istorbohin siya. Kabado akong nag-peace sign sa kanya. "May itatanong lang sana ako. Naistorbo ba kita?"
"Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba riyan?" nariyan na naman ang pamilyar na salubong niyang mga kilay.
"Hindi naman. Actually—"
BINABASA MO ANG
Listen To My Song
Action(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalang puno ng sakit. Kailan ka nga ba makakatakas sa nakalipas kung ito mismo ang humahabol sayo sa kasalukuyan? Sa musika nagsimula ang lahat...