tertii siks

109 9 4
                                    

Bern Point of View

Nandito ako ngayon sa Mall. Kagagaling ko lang sa Jollibee, Bookstore, sa saan-saan pang sulok nitong mall. Dahil sa dami ko ng naikot dito, hindi ko na matandaan yung mga lugar. Haha! Pero yung paa ko talaga yun eh. Sobrang sakit na. Huhu. Ilang oras ba namang lakaran?

Pagkalabas ko ng mall, di kalayuan ay may nakita akong bench. Umupo muna ako doon saka minasahe ang binti ko.

Nagrerelax ako ng ilang sandali ay may narinig akong mga sigawan.

"Magsilabas na kayo! Dalian nyo! May nahostage na sa loob! Takbo na!"

Nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko kaya napatingin ako sa paligid ko. Bigla akong kinabahan sa mga taong nagkakagulo.

Aish. Paano ba 'to? Sobrang sakit pa ng paa at katawan ko. Kaya ko pa ba tumakbo? Huhu.

Pinilit kong tumayo at tumakbo pero hindi ko na talaga kaya. "Huhu. Help, please!"

Maya-maya ay may humawak na sa kamay ko. Napatingin naman ako sa taong iyon. "I-Ice?" nagulat ako nang nakita ko siya. Dumoble na yata ang kaba ko.

Hinila niya ako papalayo sa lugar. "Ouch! Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ko!" pag-iwas ko sa kaniya. Ayoko na kasing ma-involve sa pa-fall na style ng best fr-no. Hindi na kami mag-best friend. We're just an acquaintance. Sobra naman yata kung strangers. Pero mas okay na yung strangers 'no? Para di complicated.

Huminto siya sandali saka nilingon ako. "At bakit kita iiwan at bibitawan ha?"

Okay, stop what you thinking, Bern. Isa lang ang meaning nun. Yung literal. Wag ka papaapekto dyan sa pa-fall na yan!

Hinigit ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Kasi ayaw ko sayo! Hayaan mo na lang kasi ako!"

Nagulat naman siya at natigilan sa ginawa ko. Parang may halong inis na akong nakikitang bakas sa mukha niya dahil napahilamos siya ng mukha. Inis na nga. "Paano kung magpaputok yun?! Ano na lang mangyayari kung matamaan ka, ha?!"

"Edi iligtas mo na lang yung sarili mo?! Masakit nga talaga ang paa ko. Hindi na nga ako makatayo eh! Bakit mo pa ba ako iniintindi?! Intindihin mo na lang yung sarili mo?!"

"Mahal kita. Ayos na bang sagot yun?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Nag-loading muna sa utak ko yung sinabi niya. Pinag-iisipan kung tatanggapin ba niya yung sinabi ni Ice o hindi pero nirereject eh.

"Sus. Dami mong alam." bulong ko.

"Mamaya na natin yan pag-usapan." sabi niya saka tumalikod sa akin at umupo. "Sakay na, bilis."

"Hmp! Ayoko!" sabi ko saka umirap at nag-cross arm.

"Isa." sabi niya pa.

Naisip ko bigla yung sitwasyon namin. Napatingin ako sa paligid kong sobrang nagkakagulo na.

Napatingin ako kay Ice saka napalunok.

"Dalawa." bilang niya pa.

"Ano ba?! Wag ka magbilang! Natataranta na ko eh!"

Natawa naman siya. "Leche ka? Bakit ka tumatawa? Natataranta na nga ako eh!" bulyaw ko pa sa kaniya.

Maya-maya nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Napatakip naman ako ng tainga ko saka kusa ng tumulo ang luha ko. Hindi na rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Natatakot ako ng sobra.

"Dali na!"

Agad ko namang sinunod si Ice. Hindi panahon ngayon ng pag-iinarte. Kailangan ko iligtas ang sarili ko at si Ice ang tutulong sa akin. Dapat ay pasalamatan ko na lang siya at dumating siya para iligtas ako.

Tumakbo si Ice para makalayo agad kami sa mall habang ako naman ay nakasandal lang ang ulo sa bandang balikat ni Ice.

Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta. Pero sige, pagkakatiwalaan ko muna si Ice. Hahayaan ko na lang muna siya. Alam ko namang hindi niya ako ipapahamak eh.

Ipinikit ko na lang ang mata ko at hinayaan ang sarili kong makapagpahinga.

Cold Melts (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon