Omen

2K 57 11
                                    

Makikita natin si Angel, naglalakad-lakad. Palinga-linga. Hindi siya mapakali.

"Andrea? Andrea? Andrea nasaan ka ba? Magpakita ka na kay Mommy!"

Madilim ang kapaligiran, halos wala nang makitang detalye. Para siyang nasa isang limbo.

Nasa 30s na si Angel pero hindi ganoon kahalata ang edad niya. Para pa rin siyang nasa 20 something. Maputi at kaakit-akit pa rin ang itsura niya.

Habang naghahanap-hanap, biglang lalabas at lalapit ang isang batang babae na nasa edad 10. 

"Mommy I'm here," bungad ng bata. Ito si Anna. Maganda, at halos kapareho ng kutis ni Angel.

"Ikaw talaga pinakaba mo ang mommy. Kanina pa kita hinahanap," sagot ni Angel.

Hahaplusin niya ang mukha ng batang babaeng ito at sasabihin, "Anak, kamukhang kamukha kita nung bata pa lang ako." Mapapangiti si Angel.

Ngingiti din si Andrea at sasabihin, "siyempre ma, anak mo ko eh." Yayakapin ni Angel si Andrea. Yayakap din ng mahigipit si Ana kay Angel.

Maya-maya ay didiin ang yakap ni Ana kay Angel.

"Okay ka lang ba anak?" tanong ni Angel. Hindi sasagot si Andrea. 

Mararamdaman ni Angel ang mga kuko ni Andrea na unti-unting bumabaon sa likod niya.

"Teka, anak, ano bang ginagawa mo?"

Nakabaon na ang halos buong mga daliri ni Andrea sa likod ni Angel. Mapapasigaw si Angel sa sakit.

Magigising si Angel, humahangos. Panaginip lang pala ito. Nasa kaniyang tabi si Andrea. Kinalabutan siya.

Ano kaya ang ibig sabihin ng kaniyang mga panaginip?

The TwinWhere stories live. Discover now