Chapter 14: Bye

4.4K 160 2
                                    










~*~














(Cashmere's POV)







"Bulag na ang pinuno simula nung mangyari ang digmaan." Malungkot na sabi ni Allen sa isip ko.

"Digmaan?" Tanong ko sa kanya. Anong digmaan yun? Nakucurious ako. Tsk

"Pili lang ang mga nakakaalam ng totoong nangyare nun eh. Kaya di ko alam. Teka nga master, so si Pinuno pala ang gusto nyong makasama at hindi ako?" Malungkot na naman na sabi nya.

This time, lumingon na ako sa kanya at saktong lumingon din sya sa akin. Nagpout sya. Hahahaha. Ang cute~~

"Hahahaha. Allen, wala akong sinasabing iba huh. Sadyang nacurious lang ako. Saka sino may sabing ayaw kitang kapartner huh?" Sabi ko. Saka wala naman akong choice eh.

"Sorry ka master, tadhana ang nagpareha sa atin. Kaya tama ka, wala ka ngang choice." Saka sya lumipad paalis para makasabay si Divine at Matthew sa unahan.

Partner ko na talaga sya. Kadugtong ko sya. Yun nga lang di hamak na mas magandang nilalang ako sa kanya.

Ang hangin ko na tuloy.

"CASH! Bilisan mo!" Tawag sa akin ni Matthew, sabay wagayway pa ng kamay nya. Nakarating na pala sila sa pwesto nung Pegasus.

Tumakbo na ako palapit sa kanila. Tulad ng inaasahan. Hindi na naman ako makaakyat ng mag isa dito sa paro-parong kabayo na to. Kaya tinulungan na naman ako ni Matthew.

"Master, excited na ako!" Wika ni Allen sa isip ko.

"Ako rin!" Masayang sabi ko sa kanya sa isip ko. Napangiti na lang ako. Sana maging maayos ang lahat.

Lumipad na yung Pegasus na to ng saksakan na naman ng bilis kaya napayakap ako kay Matthew.

"May abs ba?" Nang-aasar na sabi ni Allen sa isip ko.

At ako naman itong si uto uto, hinipo ko. The fudge----meron.

"Alam kong meron akong abs pero wag mo naman sanang hipuin at sakupin. Chansing ka na eh." He laughed then chuckled.

Oh gowd! Automatic namang napabitaw ang kamay ko sa kanya pero binalik nya ulit ito.

"Wag kang bibitaw kung ayaw mong mahulog at mawasiwas pa pababa. Siguradong durog ka."

Nangilabot naman ako sa sinabi ni Matthew, tumingin ako sa baba, aish. Nakakalula, mataas nga. Pero naaalala ko ulit yung kanina, namula na lang ang mukha ko nung makapa ulit iyon.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon