Sulyap Full Script

3.7K 115 39
                                    



I. INT. BAHAY. SALA. DAY

Naglilinis ng sala si Josie (40s). Maya-maya ay may iinumin siyang gamot. May kakatok sa pinto. Bubuksan niya ito. Si ANNA (17) at si Lea (10).

JOSIE

O, Anna

ANNA

Tita Josie. Hinatid ko na po si Lea. Eh kasi nakita ko sya na lang ang natitira sa classroom nya. Mukhang wala na naman si Jerome eh.

JOSIE

Naku, ito talagang si Jerome oh. Maraming salamat Anna ha. Halika pasok ka muna.

Papasok si Anna at Lea. Uupo sa sala. Si Lea ay maglalaro sa lapag ng kaniyang doll. Mag-uusap si Anna at Josie.

JOSIE

Thank you talaga Anna sa paghatid kay Lea ha? Naku ito talagang si Jerome nasaan na naman kaya nagpunta ito?

ANNA

Madalas nga pong absent 'yang si Jerome eh.

Makikitang si Lea nagsasalita mag-isa.

ANNA

Tita Josie, meron po sana kong gustong sabihin. Kasi marami na pong nakakahalata. Si Lea po kasi, madalas may kinakausap na siya lang po ang nakakakita.

Titingnan ni Aling Josie si Lea, may kinakalaro ito.

ANNA

Huwag niyo po sanang mamasamain Tita ha, pero nasubukan niyo na po bang ipatingin sa doctor si Lea? Baka lang po kasi may problema siya?

Tatawagin ni Josie si Lea.

JOSIE

Lea, anak, halika.

Lalapit si Lea.

LEA

Bakit po?

JOSIE

Sino 'yung kinakausap mo anak?

Titingin si Lea sa kawalan, para bang may tao siyang hinihintay na magasalita. Maya-maya ay titingin na ulit siya kay Josie.

LEA

Ayaw po niyang ipasabi eh.

JOSIE

Magagalit si mommy sa'yo kapag hindi mo sinabi.

Iiling lang si Lea.

JOSIE

Ganito na lang ha. Simula ngayon hindi mo na siya pwedeng kausapin ha? Maliwanag ba?

Hindi sasagot si Lea, titingnan lang si Josie.

JOSIE

Maliwanag ba?

Hindi pa din sasagot si Lea.

JOSIE

Lea, sagutin mo ko. Maliwanag ba?

Biglang may maingay sa taas, na parang nagbagsakan na gamit. Magugulat si Josie at Anna.

JOSIE

Sandali lang Anna, sisilipin ko lang kung anong nagkakalampagan sa taas ha?

Aakyat si Aling Josie. Titingnan ni Lea si Anna.

LEA

Nagagalit siya.

Hindi alam ni Anna kung anong sasabihin, natulala siya. Tatayo na siya sa pagkakaupo.

ANNA

(sisigaw sa taas) Tita Josie mauuna na po ako. May kailangan po akong gawin. (to Lea) Sige Lea, mauna na ko ha?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon