Chapter 38

990K 41.2K 16.7K
                                    

Letter full of love

Aries's POV

"Hindi mo ba pwedeng kausapin si Jay-jay?" Ella ask me.

I shook my head. Kahit gustuhin ko, hindi susunod yun.  Feeling ko nga lalu pang tumigas ang ulo nya lately.

"BWISIT!" Mykel shouted.

Kanina pa sya ganyan. I can't blame him. He really like Mica.

"Relax Mykel, mag-uusap pa lang sila pero it doesn't mean na magkakabalikan na." Kiko said.

"Hindi mo ko naiintindihan! Palibhasa kasi wala kang kaagaw kay Freya!" Galit na sagot ni Mykel.

Kiko chuckled. "Sinong may sabi na si Freya ang gusto ko? Hindi ko sya type!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kiko. Is he referring to Jay? Seryoso talaga sya na gusto nya si Jay? I can't believe this!

"Tama na yan!" Awat ko sa kanila.

"Tama si Kiko, Mykel. Mag-uusap pa lang sila. Kung gusto nyo kakausapin ko muna din si Mica." Ella said.

Ayaw nya talaga kay Calix. Sabagay, he makes Mica cry. Kahit sino naman atang kaibigan magagalit kung ganun ang ginawa sa kaibigan mo.

"Wag na Ella. Malinaw naman ang usap nyo na ayaw na nya kay Calix diba?" Mykel ask.

Ella nodded. Hindi ko alam kung ganu katagal maghihintay. Problema lang sana ni Mykel to, ewan ko kung bakit nadamay pa kami.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

"Booogsshhh! Kaboooob! Aarrgghhh! Optimus!"

Si Ci-N yan. Naglalaro ng... Ng... Anu tawag dun sa mga laruan na nakukuha sa loob ng chutchirya?

Transformer?!

Basta yun! Tapos maliit. Namili kasi ako ng dalawang pack ng chutchiryang mamiso. Hindi ko alam na may laruan sa loob. Syempre kanino pa ang bagsak nun? Sa mga ulupong kong kaklase, yung laruan kay Ci-N.

"Ayan na! Kaaablaaaag! Bumble bee!"

"Tigilan mo nga yan Ci! Papakain ko sayo yan!" Sita ni Calix.

"Hayaan mo nga sya!" Kontra ko.

Naglalaro yung bata tapos babawalan nya.

"Ikaw nga dapat yung tumigil! Kanina ka pa lakad ng lakad!" Puna ko sa ginagawa nya.

Buhat kasi ng makabalik kami sa room, wala na syang ibang ginawa kundi maglakad, maupo o ikutin ang room plus awayin kaming mga classmate nya.

"Hindi pa rin kasi sya nagtetext. Sabi nya itetext nya ko kung saan."  Sabi ni Calix habang patuloy sa pag-ikot.

"Malay mo naman walang load." Sagot nung isang classmate naming busy sa pakikipag-laro kay Ci-N.

Oo, may nakikipag-laro sa kanya. Hindi ko nga lang alam pangalan.

"Oo nga naman... Tama si---Anu pangalan mo?"

"Tagal na nating magkasama hindi mo pa rin alam pangalan ko?"

"Tingin mo itatanung ko kung alam ko?" Pagsusungit ko.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon