21: Truth and Awkward Dinner

25.4K 986 56
                                    

Hindi na ako pinababa ni Titus nang muli n'yang pinaandar ang kotse. Nakita ko pa sina Max at Rianah na nakatanaw sa amin.

"S-Saan tayo pupunta?" umayos ako ng upo dahil ang bilis nanaman ng takbo ng kotse n'ya.

Hindi s'ya sumagot. Nakatiim-bagang lang siya at naka-focus sa daan. His hands were holding the steering wheel tightly. I could feel his anger kaya natatakot ako sa kanya ngayon.

Hindi na lang ako nagtanong pa at baka ako ang mapagbuntunan n'ya ng galit.

Natanaw ko ang pamilyar na daan papuntang Bloodworth mansion kaya nakaramdam ako ng mas matinding takot.

Was he planning to confront his mother?

Oh my gosh. I hated the thought of it.

Nang nasa tapat na kami ng malaking gate ay ikinompas niya ang kaliwang kamay kaya 'yung bakal na gate ay lumipad sa kung saan.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Ni hindi na n'ya nagawang maghintay na mabuksan iyun? Sinira n'ya talaga?

Mabilis niyang ipinarada ang kotse sa harap ng mansion kaya agad akong bumaba nang bumaba s'ya. Hindi na ako naghintay na pagbuksan n'ya.

His face was blank when he looked at me. Napalunok naman ako dahil sa takot.

Without any word, he stormed inside the mansion so I nervously followed him.

Bakit ako nandito? Bakit n'ya ako dinala dito?

"T, what's all this?" nakasalubong namin si Magnus sa may bulwagan. He glanced at me for a second before returning his icy cold gaze to his son.

Nakakatakot. Dalawang yelong tao ang nasa harapan ko ngayon at mukhang any moment ay sasabog na sila.

"Where's mother?" seryosong tanong ni Titus.

"Why? What's wrong?" kunut-noong tanong ni Magnus saka muli akong sinulyapan.

"I need to speak with her. Where is she?"

Mag-ama ba talaga ang dalawang 'to? Bakit ang pormal nilang mag-usap?

"She's in the conservatory."

Nilingon ako ni Titus kaya muntik na akong mapatalon. Nakakatakot siya lalo na at naging pula na ang mga mata n'ya.

"Let's go," aniya sa akin kaya wala sa sariling napatango ako.

Magkasabay na nagtungo ang mag-ama sa conservatory nila samantalang tahimik lang akong nakasunod. Nangangatog ang mga tuhod ko dahil sa takot. Paano kung mag-aaway-away sila? Saan ako magtatago?

Tumingin-tingin ako sa paligid upang makahanap ng pagtataguan. Baka sakaling kakailanganin ko 'yun mamaya.

Itinulak ni Titus ang malalaking double doors at sabay silang pumasok sa loob.

"Mother," pormal na sabi ni Titus.

Hindi na ako lumapit pa sa kanila. Nakikita ko lang na nakatayo ang mag-ama sa harapan ni Rosamund na kasalukuyang nakaupo sa isang couch at may hawak na libro.

"Magnus, T, what's the matter?" nagtatakang tumayo si Rosamund. Her voice sounded soft as usual.

"We need to talk," ani Titus saka ako nilingon.

Ayun at muntik uli akong mapatalon. Ano ba'ng meron sa titig n'ya at ginaganito ako?

"He-Hello po," bahagya akong yumuko para bumati.

"Savannah, hija, welcome to our home," ani Rosamund.

"T-Thank you po."

"Now, tell us what's this about," ani Magnus saka naupo sa couch na nasa tabi ng inupuan ni Rosamund kanina.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon