S.C [6]

83.9K 1K 14
                                    

Special Chapter 6 <Lindsey and Ruth's Carmen Special Chap>



"Kambal... ang boring, don't you agree?"
matamlay na sabi ni Lindsey sa kakambal nyang naghuhugas ng mga plato.



Kakatapos lang kasi nilang kumain at sila ang in-charge sa paghuhugas. Pero.. mukhang si Ruth lang ang gumagawa.



Inirapan ni Ruth ang kakambal niya. "Eh kung tinulungan mo kaya ako dito kambal! Edi sana may ginagawa ka dyan hindi yung pinapanood mo lang ako!" pangangaral ni Ruth.



Napabuntong-hininga na lamang si Lindsey. "Kambal naman.. sabi ko bored ako! Wala akong balak maghugas dyan noh!" sabi ni Lindsey.



"Ewan ko sayo! Porket mas nauna kang lumabas sa akin, hmp!" mahinang sabi ni Ruth.



"May binubulong ka dyan?" tanong ni Lindsey.



"Wala po madam! Kinakausap ko lang po ang sarili ko!" sagot ni Ruth with fake smile.



Lindsey rolled her eyes. "Ewan ko sayo kambal. By the way, mauna na ako ah? May date pa kami ni Danemylabs!" sabi ni Lindsey habang nagniningning ang mga mata niya.



"Grabe talaga kambal! Iiwan mo ko dito? Sa tingin mo ba kaya kong hugasan ang ganitong karaming pinggan?" pag-iinarte ni Ruth.



Lindsey gave her a sweet smile. "Kaya mo yan kambal! Ikaw pa!" sabi nito sabay ngisi at dinampot ang purse niya sa upuan at lumabas na ng bahay.



Pinanood lang siya ng kambal niyang lumabas bago mapabuntong-hininga. "Grabe talaga yung babaeng yun. Bahala siya, next time bahala na siyang maghugas ng ganito karaming hugasin." bulong ni Ruth sa sarili niya.




Maya-maya pa'y tumunog ang doorbell nila ngunit hindi na pinansin iyon ni Ruth. Nakatuon lang kasi ang isip niya sa pagtapos ng maraming hugasin.



"Hi babe!"



Napatalon si Ruth sa gulat at muntik niya pang mabitawan ang pinggan na hinihugasan niya. Tinignan niya ng masama si Trey.



"Trey naman eh! Wag mo nga akong gulatin ng ganyan!" naka-pout na sabi ni Ruth at binalik ang pansin sa paghuhugas.



"Syempre babe! Sabi mo eh. Oo nga pala, muntik ko ng masira ang pintuan niyo, antagal mo kasi eh! Buti na lang may nakita akong bukas na bintana" sabi ni Trey bago puntahan si Ruth na nasa kusina.



Ruth rolled her eyes. Nasanay na siya sa ganitong ugali ni Trey.



"Tulungan na kita dyan babe. Pagkatapos movie marathon tayo ah?" nakangiting suhestyon ni Trey.



Ruth smiled and nodded. "Sure!" natutuwang sabi niya.



Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin silang maghugas. Hawak-kamay silang napapunta sa sala at binuksan ang tv.



"Horror?" suhestyon ni Trey. Umiling naman si Ruth.



"Romantic comedy please... Takot ako sa horror eh!" pacute na sabi ni Ruth. Ayaw niya talaga ng horror. Na-trauma na siya sa horror movies na yan. Nagkaroon siya ng iba't ibang nightmares.



Wala namang magawa si Trey kundi ang bumigay. "Sige na nga babe. Ang cute mo kasi eh!" sabi niya sabay pisil sa pisngi ng babe niya.



Pagkatapos mailagay ang cd sa dvd ay naupo na sila sa sala.



Nagsimula na ang movie ay maingat na inakbayan ni Trey si Ruth. Napansin naman to ni Ruth at napangiti na lang at sumandal sa balikat ni Trey.



Dumako naman tayo sa naging date nila Lindsey.



"Nasaan ka na babe?" tanong ni Dane from her phone. Nag-usap kasi sila na sa harap ng isang bar sila magkikita.



"Malapit na po, boss. Onting hintay na lang" sabi ni Lindsey with a hint of sarcasm in her voice.



"Sure babe, hintayin lang kita dito, 'kay?" sabi ni Dane bago i-end ang call.



Itinago na ni Lindsey ang phone sa purse at nag-concentrate na lang sa pagda-drive ng motor niya. Although she is wearing a dress, that didn't stop her to use her beloved motorcycle.



Nakarating na rin siya sa bar na pinag-usapan nila. Sigurado na siyang ayan yung bar na yun dahil nakasulat na sa labas ang mga letrang BAR.



Tinanggal na niya ang helmet nya at nagpatuloy-tuloy papunta sa loob ng bar.



Nadatnan niya si Dane na pinapaligiran ng mga babae sa isang sulok ng bar. Napabuntong-hininga siya.



"Bakit ba kasi ang gwapo ng boyfriend ko?" Lindsey muttered under her breath. Wala syang magawa kundi pumunta sa kinaroroonan ng boyfriend niya.



Arms crossed, she huffed while watching the girls trampled all over her boyfriend.



"EXCUSE ME, GIRLFRIEND HERE" malakas na sigaw niya.



Natahimik ang mga babae at napatingin silang lahat sa kanya. Nakapameywang ang limang babae with matching taas-kilay.



A girl scoffs. "Girlfriend? Ikaw? I'm pretty sure I'm prettier than you? Right, Dane?" malanding sabi nito sa Dane niya.



Nkaangiti lang si Dane, halatang nae-entertain sa pangyayari.



Lindsey glared at the girl. "Will you move or should I punch you away?"



Mukhang hindi natinag yung babae. "You thought you could scare me? Lima kami, isa ka lang" taas-noong sabi niya.



Lindsey sighed and inhaled. "I'll say this one more time. Move or punch?"



The girl flinched at her voice ngunit nagmatigas pa rin siya. "I told you biatch, you don't scare m--"



Hindi na natapos pa ng babae ang sasabihin dahil nasuntok na nga sya. Mukhang malakas ang pagkakasuntok sa kanya dahil napahiga pa ito sa sahig.



Napatili ang natirang apat na babae. "Move? Or punch?" galit na na sabi ni Lindsey dahilan para mag-sialisan na yung mga takto na babae.



"You're amazing babe. Now c'mon, you don't want us to miss our dinner, don't you?"




Napawi lahat ng galit ni Lindsey nang bigla siyang hawakan sa kamay ng boyfriend niya.



Maya-maya pa'y kumakain na sila sa isang mamahaling restaurant sa labas ng bar. Masaya silang nagkwekwentuhan dahilan para makalimutan nila maggagabi na.



"Hala! Baka mag-alala si kambal sa akin! Sige boss, alis na ako ha?" sabi ni Lindsey habang nagmamadaling ayusin ang sarili at tsaka tumayo.



"Hatid na kita, babe" suhestyon ni Dane.



Ngumiti si Lindsey sa kanya. "Don't worry boss, dala ko kasi motor ko eh. Sige ingat" sabi ni Lindsey bago nagmamadaling umalis ng restaurant.



***



Every night, those 2 couples would always meet up, doing the same thing over and over again...



"Ikaw na naman ang pinaghugas ng pinggan? Akin na nga, tulungan na kita" nakangiting sabi ni Trey.



Napangiti rin si Ruth. "Thank you talaga Trey!"



"Sa susunod, wag ka ng lumapit sa boyfriend ko!"
sigaw ni Lindsey.



Takot na tumakbo naman papaalis yung mga babae.



...But they wouldn't mind, as long as they are together.



Pero, isang araw..



"Ruth! Tulungan mo nga ako dito babae ka! Aish!" sigaw ni Lindsey. Maaga kasing umakyat si Ruth para mapagpalit ng damit. Damit na sinusuot ni Lindsey tuwing gabi.



Nagtataka rin kasi si Ruth kung saan naglalakwatsa ang kambal niya tuwing gabi, tapos iiwanan lang siya para makapaghugas ng pinggan mag-isa. Kaya gusto lang niyang makaganti.



Walang magawa si Lindsey kundi bilisang maghugas ng pinggan dahil nagmamadali na siya. First time niya kasing ma-late sa dinner date nila ng boyfriend niya.



"Ruth!! Peste kang babae ka!!" pikon na na sabi ni Lindsey.



Nakangiti namang bumaba si Ruth sa hagdan habang nakasuot ng isang short dress. Umupo ito malapit sa nanggagalaiti na si Lindsey at pinagmasdan.



Nainis naman si Lindsey dahil doon. "Argh! Kambal naman! Seryoso kasi! May date kami ni boss ko! Male-late na ako!"



Tinaasan siya ng kilay ni Ruth. "And so?"



Napabuntong-hininga si Lindsey at nasapo ang ulo. Ngunit may biglang pumasok sa isipan niya.



"Alam mo Ruth.. may mas maganda akong ideya" nakangiting sabi ni Lindsey. Nagtaka naman si Ruth sa sinabi ng kambal niya.



"Ikaw na lang ang umattend ng date ko ngayon. Bilis! Wala na akong time para magbihis! At kasalanan mo rin naman kung bakit late ako! Parusa mo to! Bilisan mo!" sabi ni Lindsey habang tinutulak na papuntang pintuan ang kambal niya.



"T-teka lang kambal! May date rin kami ng Trey ko noh! Ano ka, sinuswerte? Ayos ka ah!"



"Oo na! Bilisan mo na! Switch places na muna tayo ngayon, okay? Don't worry, we can trust each other. Tama naman diba?"



Napatigil si Ruth. "Seryoso ka talaga dyan sa sinasabi mo kambal? Paano kung..."



Nginitian siya ni Lindsey. "I told you! I trust you nga diba?? You can trust me too! Basta ikwento mo lahat ng nangyari ah? Now, pumunta ka na sa BAR! Hinihintay ka na niya doon!" sabi ni Lindsey bago itulak na ng tuluyan si Ruth palabas ng bahay.



Walang magawa si Ruth kundi sundin ang sinasabi ng kambal niya. Medyo nababagot na rin naman siya dahil pare-parehas lang ang ginagawa niya gabi-gabi.



Maybe.. it's time to go crazy and experience each other's dates.



***



<Lindsey's Date!>



Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang kambal ko na humarurot na paalis.



Omygoodness! Ano ba tong iniisip ko?? I facepalmed. Shucks! I don't even know why I said that!



Oh well, wala na rin naman akong magagawa. Babalik na nga ako sa paghuhugas ng pinggan!



Patapos na akong maghugas nang narinig ko si dingdong dantes.



Hay! Kung kailan patapos na ako!



Hindi ko pinansin ang doorbell. Bahala siya dyan. Ang sabi ko sa kanya puntahan niya si Dane ko eh.



"Boo" Napatalon ako nang may bumulong malapit sa tenga ko. Fudge! Sino yun?!



Pagkalingon ko sa likod ay nakita ko si Dane k-- Ay wait.. Si Trey pala to! Magkamukha nga sila. Bat ba kasi kailangang maging identical twins sila?



He chuckled which was very annoying. Tatawanan niya lang ako? Ganun-ganun lang?



Dahil sa pikon ako ay kinuha ko ang water hose na malapit sa lababo at itinapat sa kanya. He didn't seem to noticed it.



"Oh F-cking Gahd!!" gulat na sabi nito pagkabukas na pagkabukas ko ng water hose.



Pumaywang ako and smirked at him. "That's what you get for scaring me, petty boy" maangas na sabi ko.



Basang-basa na siya from head to toe but he didn't seem to mind it because he smiled creepily at me.



"Hi babes!" What?! Parehas pa sila ng tawagan namin ni Dane ko! "Give me a hug!" sabi niya bago ako sugudin.



I yelped. Fudgecakes! "Da--Trey naman ehh! What do you think you're doing?! Basa na rin tuloy ako!" I groaned.



Narinig ko na naman ang tawa niya. "That's what you get for wetting me, silly girl"



I glared which only made him grin even wider. Argh! Hindi ako sanay sa personality nitong si Trey! I know magkamukha sila ni Dane ko, but they are so different!



Dane is.. kind of mysterious and sweet.. while Trey? He's crazy and so carefree!



"Anong papanoorin natin ngayon, babes?" tanong ni Trey. I rolled my eyes. This is what they do? Manonood lang ng movie?



"How about horror?" suhestyon ko. Right, I love horror movies! Especially gore and bloody. I don't know why.. they just interests me so much!



Nanlaki ang mata ni Trey. What's his problem? Ayaw niya sa horror?



"What? Afraid?" I teased. "No. Ngayon ka lang kasi nag-suggest na manood ng horror eh" sabi ni Trey.



Oo nga pala! Ayaw nga pala ni kambal ng horror. Oh well. Gusto ko ng horror eh! Bahala na siya dyan. Nyahahaha!



"I changed my mind! Hindi na ako takot sa ganyan-ganyan noh! Psh." sabi ko. Napangiti naman si Trey.



He popped in a cd in the dvd and we waited. Tumabi siya sa akin sa couch at inakbayan ako. Slowly, I removed his hand. I swear, I told Ruth she could trust me right? This is not right.



"Sorry, off limits ang balikat ko ngayon" sabi ko. Trey just chuckled. "Sure babe. Enjoy the movie" pahabol pa niya bago magsimula ang movie.



***



<Ruth's Date!>



Fudge! Saan yung BAR na sinasabi ni kambal? Hindi ko mahanap!



Lagot ako kay Lindsey mamaya! Super late na ako sa date niya! Naku, sapulin pa ako nun mamaya eh.



Nakakunot-noo ako habang nagda-drive. Nasaan na ba ang pesteng BAR na yun?!



At isa pa! Bakit ba ako pumayag dito? Paano na si Trey ko? Naiwan kasama ang kambal ko! Siguradong nanonood na sila ng movie ngayon.



Hmp! Kung nanonood sila ngayon, dapat nagdi-dinner date na kami ng Dane niya diba? Aba!



Napatigil ako nung makita ko ang malalaking letra na BAR. Mabilis kong ipinark ang motor ko at bumaba na.



Tumatakbong pumasok ako sa loob para makasalubong lang ang maraming taong nagsasayawan, mga taong naninigarilyo at mga taong nag-iinuman.



Dito nagkikita si kambal at ang boyfriend niya? EWW.



Nagpalinga-linga ako ng tingin. Nasaan na yun?



Hanggang sa mamataan ko si Trey sa isang sulok. Fudge! Nasa bahay nga pala si Trey.. baka si Dane yun.



Lumapit ako sa kanya at nakita ang maraming babaeng nagkukumpulan sa kanya.



Kunot-noo ko naman siyang pinanood. Bakit hindi niya pinapaalis yung mga babae? O di kaya, bakit hindi na lang siya umalis?



Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Mukhang inip na inip na siya. Parang.. may hinihintay.



Biglang nagtama ang tingin namin kaya napalaki ang mata ko.



"I'm sorry girls. Andyan na ang girlfriend ko" sabi niya sabay ngiti. Bigla akong napayuko dahil sa hiya.



Naramdaman ko naman ang mga titig nila sa akin. As in, feeling ko gusto na nila akong patayin sa mga titig nila.



"Bakit ka nakayuko? Are you afraid of us?" rinig kong sabi ng isang babae kaya't tinignan ko siya sa mata with a fake smile.



"Not really. I'm sorry, I'm not used to this kind of stuff" sagot ko. She scoffs. "Not used? Eh binugbog mo nga ang kaibigan ko kahapon eh! Don't you remember idiot?" galit na sabi niya.



Bigla niya akong sinugod sabay sinabunutan. Narinig ko ang pagkukumpulan ng mga tao sa paligid namin.



Ouch. Ang sakit niyang manghila ng buhok pramis.



"Look, p-pwede ka ng tumigil. Or else, you'll get beaten like your friend" sabi ko habang tinitiis ang sakit ng sabunot niya.



She huffed. "Dafuq idiot. I'd rather do this than stop hurting you, biatch" she spat at pinagpatuloy ang pagsasabunot sa akin.



Out of the corner of my eye, nakita ko si Dane na nag-aalalang nakatingin sa akin.



I closed my eyes. Lindsey isn't this weak. I should've punch her the moment na nakita ko pa lang siya.



I kicked the girl's stomach and she yelped out in pain. Napabitaw siya kaya't tumayo na ako.



I grabbed her hair and glared. "Look, everything would've been fine if you weren't such a b-tch!" sabi ko bago siya bigyan ng isang suntok sa mukha.



I pushed her out of my way, inayos ang buhok ko, hinila si Dane at taas-noong naglakad palabas ng BAR.



"Woah babe. First time kang masabunutan ha?" sabi agad ni Dane pagkalabas. I only glared at him.



"Tapos late ka rin sa date naten. And.. hinintay mo pang sumugod yung babae bago mo labanan" dagdag niya pa.



"Dane, wala pang ginagawa sa akin yung tao sa una. Gumanti lang ako nang sinabunutan na niya ako"



Tumahimik siya kaya't napalingon ako sa kanya. He's frowning. "What?" tanong ko.



He shrugged. "First time mo akong tawagin sa pangalan ko. You would usually call me boss or babe" baliwalang sabi niya.



I stopped then smiled at him. "Sorry po boss! Medyo kalog pa rin ang utak ko ngayon eh" nakangiting sabi ko.



Dinala niya ako sa isang parke. Madilim na, pero maganda pa rin ang parkeng ito dahil nakabukas lahat ng ilaw.



"Gusto mo ng fishball?" tanong ko kay Dane nang makita ko si manong fishball.



Biglang kumunot ang noo niya. "Akala ko ba ayaw mo ng street foods?" nagtatakang sabi niya.



"Ganun ba? Gusto ko lang i-try ngayon! Halika bilis! Libre mo ah?" sabi ko at sumimangot naman siya.



"Manong dalawang fishball, tig-10!" sabi ko habang nagbaad naman si Dane. Maya-maya pa'y naglalakad na kami habang kumakain ng fishball na nalagay sa isang mahabang stick.



"Hindi na tuloy tayo natuloy sa dinner date naten" sabi ni Dane habang ngumunguya.



"Kailangan pa ba nun? Asus! Eto na nga't kumakain na tayo oh!" sabi ko at nagpatuloy pa sa pagkain. I heard him chuckle.



Bigla akong natapilok nang may natapakan akong isang maliit na bato.



I braced for the impact pero.. after a few seconds walang nangyari. Pagkabukas ko ng mata ko, tumambad agad sa akin ang mukha ni Dane.



I pushed him away accidentally pero nakahawak pa rin siya sa akin kaya natumba rin ako.



I was on top of him and we we're both staring at each other. "S-sorry boss!" nagpapanic na sabi ko bago tumayo at inayos ang damit ko.



Pagkatapos ay tinulungan ko rin siyang tumayo. "Aww.. nahulog fishball ko!" pag-iinarte niya. I facepalmed. Wow. Sa fishball pa talaga siya nag-alala.



"Nahulog rin naman yung akin, boss eh" I said in a flat tone.



Nagtaka ako ng tumingin siya sa akin ng seryoso. "I never knew you we're clumsy. Even if you could punch, you should be careful though.."



***

A/N:

Stop na muna ditey! Nyahahaha ;) Magpapatuloy po ang istorya sa 2ND BOOK!

For the third time, and 2nd book po ay mapopost sa holidays na. Busy po akong estudyante, kailangan ko ring makahabol sa studies ko! >.<

And sadly, wala pa rin akong maisip na title para sa 2nd book.

Stay patient my lovelies! :*

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon