~24~ First Day, LQ Agad?!

213K 5.3K 509
                                    

~24~ FIRST DAY, LQ AGAD?!

CHLOE’S POV

Sinadya kong gumising ng maaga para magluto ng breakfast. Ako pa nga mismo ang bumili ng pandesal sa bakery para effort kung effort. Wala akong ibang maisip na masarap na breakfast kundi ang Pizza Pandesal nalang ulit. Kanya-kanyang trip lang yan! =))

“Oh, bakit ang aga mo yatang nagising ngayon?”

Sa boses pa lang, alam kong si Momsie ang nagsalita. Habang nagge-grate ng cheese para sa pandesal ay tinignan ko siya na may malaking ngiti sa labi ko.

“Good morning, Momsie. Gusto ko lang na ako ang magluto ng breakfast ngayong araw.” ^______^

Lumapit siya sa akin at siya na ang naglagay sa oven ng ilang pandesal na natapos ko nang lagyan ng sauce and toppings. “Palusot mo ah. Hindi porque approve na sa akin si Dustin, okay lang na maging clingy ka sa kanya. Konting hinhin naman, anak.” -_-

“Eh?” O_o

Tinignan niya ako habang nakataas ang isang kilay niya. “Akala mo, hindi ko nakikita yung hawakan niyo ng kamay habang nag-uusap tayo kagabi?”

Ay, nakita pala ni Momsie yun. >.<

“Wala yun, Momsie. Kinakabahan naman po kasi kami sayo.”

Iniling nalang nito ang ulo niya. “Okay, yan ang sabi mo eh. Pero payo ko lang, Cha-Cha, ikaw ang niligawan niya. Huwag mong ipakita na mas inlove ka sa kanya kesa sa pagka-inlove niya sayo.” Hindi pa nakuntento si Momsie. She also did the quote signs with her fingers. “In other words, huwag mong ipakita na patay na patay ka sa kanya.”

Napangiwi ako. “Momsie naman~ Syempre hindi po!”

“Sinasabi ko lang naman. Ang mga lalaki kasi, kapag pinakita mong sobrang inlove na inlove ka sa kanila, may tendency na isumbat nila sayo yan pagdating ng panahon kapag nasa verge kayo ng break-up. Na kesyo; ikaw itong inlove na inlove sa kanya tapos siya, hindi naman pala gaano napamahal sayo. Ganun din naman ang mga babae sa lalaki. Gets mo?”

Tumango nalang ako ng alanganin kay Momsie. Oohh, gets ko yung point niya. Yung tipong sasabihan ako ni Dustin ng; I didn’t love you as much as you love me… Ooohhh… Masakit yun. Teka, ba’t napunta kami sa usapang inlove? Like ko pa lang naman si Dustin. Hindi ko pa siya mahal. I’m getting there anyway. :P

“Gets ko po, Momsie.”

Ngumiti siya ng tipid. “Try to hold your feelings a little. Yung tipong 50% lang ang iinvest mo sa kanya. Para kapag nagka-crisis kayong dalawa, hindi ka masyadong malulugi.”

Napangiti na ako tapos ay niyakap ko si Momsie. Kahit na minsan, may pagkamasungit itong Momsie ko, mahal na mahal ko ‘to.

“Thanks, Momsie.”

“Ehem! Good morning, Tita. Good morning, Chloe.”

Napabitaw nalang kami ni Momsie sa yakap nang marinig namin ang boses ni Warren. Kasama niya sina Sheen at syempre si Dustin. :”>

Lumapit ako kay Dustin. “Good morning, Dustin. How was your sleep?” ^u^

“It was good,” sagot niya tapos ay nilagpasan na ako at pumwesto na sa dining table kagaya nila Warren at Sheen. Ganyan ba siya sa umaga? Triple sungit? -,-

“Good morning, boys,” nakangiting bati ni Momsie sa kanila tapos sabay-sabay naman nilang binati si Momsie pabalik. Tumingin siya sa akin pagkatapos. “Umupo ka na rin, Cha. Ako na ang maghahanda ng pagkain.”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon