22: Blood Moon

26.5K 953 61
                                    

Pinag-aralan ko ang librong ibinigay ni Titus sa akin. Ilang linggo na ang lumipas mula n'ong nagpunta ako sa kanila at hindi na kami nagkita uli. Hindi naman kasi siya pumapasok sa mga klase namin. Maging sina Nadine at Matteo ay walang alam kung nasaan s'ya. Kaya naman in-assume na lang ng lahat na nagluluksa nanaman siya kay Ambrosia Horton.

Si Ambrosia nga ba ang dahilan? Baka naman ang Mama n'ya at ang past nito at ni Alistair Bishop.

Wala akong pinagsabihan sa bagay na 'yun dahil wala naman ako sa lugar para ipagkalat 'yun. Tsaka sekreto iyun ng pamilya nila. Kailangan ko na ring itago.

I shook my head para tigilan na ang pag-iisip kay Titus. Itinuon ko uli sa libro ang atensyon ko.

Channeling was one hell of a ritual. It required a lot of herbs and crystals plus witches who would chant some incantations.

I didn't expect it to be so laborious. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang harapin at gawin ito para ma-channel ko na ang witch powers ko mula sa nature.

This still sounded absurd. I mean, hindi ko pa rin ma-absorb ang lahat ng mga pagbabago sa buhay naming magkakapatid.

But everything seemed real. This wasn't a dream.

"Why are you still awake?"

Nag-angat ako ng tingin kay Lorenzo na kakalabas lang mula sa kwarto nila. Nakasuot lang siya ng pajama at t-shirt.

"Binabasa ko lang 'tong libro tungkol sa Channeling," sagot ko na nakasalampak dito sa sofa.

Tumango siya saka dumeretso sa refrigerator at kumuha ng cold water mula sa isang pitsel.

"Hindi na tayo masyadong nag-uusap ah," aniya nang matapos uminom. Umupo siya sa harap ko at matiim na tumitig sa akin.

Nakaramdam naman ako ng pagkaasiwa kaya tumikhim ako.

"Busy ka kasi sa garden tsaka sa pag-aaral mo," sagot ko kaya napangiti s'ya.

"Ikaw rin kaya. Lage ka na lang subsob sa libro na 'yan."

"Kailangan ko kasing maghanda sa Channeling ko next month 'di ba?"

"Yes. Tama ka. Don't worry. Tutulungan kitang kompletohin ang mga kakailanganin mo."

Genuine akong ngumiti sa kanya. "Salamat Lorenzo ha. Lageng nasa likod naming magkakapatid ang pamilya n'yo. Lage n'yo kaming tinutulungan."

"It's my pleasure to help you, Savannah."

Ngumiti nanaman siya sa akin showing his dimple. Gwapo rin talaga itong si Lorenzo eh. Ang lakas pa ng hatak ng biloy n'ya. Nakailang girlfriend na kaya 'to?

"But, Savannah," aniya kaya gulat akong napabalik mula sa paglalakbay ng utak ko.

"A-Ano 'yun, Lorenzo?"

"You have to prepare for the Blood Moon first," seryoso niyang sagot.

Oo nga pala. This week na 'yun. In three days specifically. Hindi ko naman nakakalimutan pero hindi ako masyadong concerned dahil ilang beses na naman naming na-experience ang Moonless Week. Medyo nasanay na ako sa mga ganitong pangyayari.

"Ano ba ang dapat kong ihanda?"

"Well, unang-una ay ang amulets ninyo. It won't be enough since the vampire's sense of smell is more heightened."

"Really?" gulat kong tanong.

Tumango s'ya. "Mas agresibo sila during Blood Moon, remember?"

Wala akong masabi.

"We will double the protection here sa bahay. Tatlo kayong may dugo ng mortal kaya mukhang marami-rami tayong aasahang mga bampira that night."

"Talaga? Baka naman nananakot ka nanaman, Lorenzo ha."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon