Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling

65.9K 1.2K 92
                                    

CHAPTER 14 - THOUGHTLESSLY FALLING 

SERENE


Tama pa ba itong ginagawa ko? Ang sabi kasi sa akin ni Niel ang pinakamabisang gawin upang pumayag si Jace na turuan akong tumugtog ng gitara ay walang iba kundi iwasan siya. Hindi ba ang gulo? Kapag iniwasan ko siya eh 'di mas lalo lang lalayo ang loob niya sa akin tapos mauuwi sa wala ang lahat ng nasimulan ko. May pagtataka man sa isipan ko ay sinunod ko pa rin ang payo ni Niel. Sabi ko sa sarili ko kahit isang araw lang. Kaya nga pagkatapos ng school nagpasundo agad ako kay Manong Raul, isang bagay na ikinagulat niya dahil madalas nitong mga nagdaang linggo ay ginagabi na ako ng uwi.

"Wala kang band practice ngayon Serene?" Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad na pinayungan noong makita niya na wala akong dalang payong. Nandito kami sa likod ng isang restaurant madalas na nagkikita sa tuwing nagpapasundo ako. Malapit lang ito sa school pero walang gaanong estudyante ang dumadaan dito kaya ligtas ako.

"Thank you po," isinara na niya ang pinto at saka mabilis na pumasok at umupo sa may driving seat. Huminga ako ng malalim. "Meron po kaming band practice ngayon pero hindi po ako pumunta."

Inilabas niya ang isang puting panyo at ipinunas ito sa basang buhok at noo. "Naku bakit naman hija? Nagpaalam ka ba sa teacher mo?"

"Opo. Sabi ko po hindi maganda ang pakiramdam ko kaya ako pinayagang umalis."

"Ano?" agad niyang napahinto sa ginagawa. "May sakit ka?"

Natawa ako sa reaksyon niya. "Naku manong wala po. Excuse ko lang 'yun para makauwi ako agad."

"Ikaw talaga bata ka. Pinakaba mo ako roon ah. Mahirap nang magkasakit ngayon. Mayaman ka man o mahirap, kapag tinamaan ka na ng sakit kahit pa pera walang maitutulong sa'yo."

Tahimik lamang na pinapaandar ni manong ang sasakyan. Ayos lang sa akin ito nang sa gano'n ay makapag-isip ako ng maayos. Nakadungaw lamang ako sa labas, tahimik na pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan. Hanggang ngayon ay parang hindi ako masaya sa ginawa kong desisyon. Nanghihinayang kasi ako sa araw na mawawala kung hindi ko kukulitin si Jace. Malay mo 'di ba, mapapayag ko na siya? Kahit pa sinabi ni Niel na ito ang dapat, pakiramdam ko hindi na ito mauulit bukas. Para kasing may mali. Parang may bumubulong sa akin na bumalik at ipagpatuloy lang ang ginagawa ko. Ang weird ba? Kahit ako rin nawiwirduhan na sa mga iniisip ko.

May sirena ng mga pulis kaming narinig mula sa likod. May aksidente yata na nangyari 'di kalayuan dahil biglang nagkaroon ng traffic. Imbes na huminto at pumagilid ay tila ba ninenerbyos si Manong Raul na nagpatuloy sa pagtakbo ng mabilis.

"Manong..." napakunot-noo ako lalo na noong makita ko na tila hindi siya mapakali sa kinauupuan at pabalik-balik ang tingin sa rearview mirror kung naroon pa nga ba ang mga pulis o wala na. "Manong Raul!"

"H-ha?" wala sa sarili siyang napatingin sa akin.

"Bagalan n'yo po at saka pumagilid, may dadaan po na pulis."

"A-ah, oo nga eh. S-sige, sige." Nakahinga ako ng maluwag noong ginawa niya ang sinasabi ko at sa wakas nakadaan na rin ang mga pulis. Bumalik na ulit sa dati ang takbo ng mga sasakyan sa gitna ng daan. Ngunit hindi pa rin nakatakas sa akin ang nangyari kanina.

"Ayos lang po ba kayo?"

Kabado siyang napangiti sa akin. "O-oo naman."

"Ano pong nangyari roon? Bakit po para kayong kinakabahan kanina? First time lang po 'yun na nangyari ah."

Huminga siya ng malalim. "Hindi pa ba nasasabi ng mama mo sa'yo?"

"Ang tungkol saan po?"

"Kung saan niya ako nakuha. Kung paano ako napunta sa trabahong ito."

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon