Chapter 15: Moon Academy

4.5K 167 6
                                    






~*~










(Cashmere's POV)







Ano na nga bang itsura ko? Naman, pati mukha ko nakalimutan ko na kung anong itsura. Magaling magaling magaling.

"Allen." Tawag ko sa guardian fairy ko.

"Uhm?" Ungol nya.

"Ano kase, p-paano ipalabas y-yung p-power ko?" Nakakahiya talaga magtanong sa mas maliit pa sayo.

"Kahit mas maliit ako sayo, magkaedaran pa rin tayo. Ganito kase yan, isipin mo lang na kaya mong ipalabas yung power mo tapos itama mo lang sa may gate. Tapos tada! Basta concentrate lang okay? At one more thing, wag kang magagalit ng sobra-sobra, dun mo kase maipapalabas ang dark magic eh, so ayun." Bilin nya sa akin.

Napalunok naman ako sa sinabi nya kaya tumango na ako at nagsimula nang magconcentrate.
Nakaramdam naman ako ng kaunting malamig na enerhiya na dumadaloy sa mga ugat ko na unti-unting lumalabas sa mga kamay ko.

Y-Yelo? Eto na naman tayo, mabuti naman at hindi kulay itim. Kulay puti ito na kakulay ng snow. Wow *Q*

Ano kayang sasabihin ko para maipatama ko to sa gate?
hame hame wave?

Luh? Nag-imbento na naman ako. Ihagis ko na lang kaya? Woooooh!

Bumwelo na ako para ihagis na sana nang------!

"TABI!" sigaw ng isang baritong boses.

Saan ako tatabi?! Left or right? Gega! Yuko na lang Cash! Eh paano pag sa ilalim pala? Wah!

"Master sa kaliwa!" Sigaw ni Allen sa isip ko. Saan ang kaliwa?

Aish! Left yun boba mo Cash! Agad-agaran akong pumunta sa may left side at....

Isang pagsabog ang aking narinig.

A-Apoy?!

Nagbukas na yung gate pagkatapos nung pagsabog.
Natulala na lang ako. Apoy yun! Fire! Muntikan na mukha ko dun! Grabe!

"Master okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Allen.

Pinagpawisan naman ako ng ubod ng lamig. Feeling ko sisipunin pa ako sa kaba.

"Tss. Stupid." Sabi nung baritong boses saka naglakad na papasok sa gate.

Gwapo sya. Omega! Tuna! Maling! Corned beef! Yummy! Ligo! Maputi na kakulay ng gatas ang balat, basta maputi! Kulay pula ang mga mata, kulay pula ang buhok, matangos ang ilong, mapupulang labi at matangkad. Mga Pilipina talaga, basta gwapo napapatulala na lang. Pero sheyte! This is awesome! Perfect! Astonishing! OMG!

"Pumasok na tayo Master." Sabi ni Allen na nakaentrada sa maganda kong mukha. Chos~~

Natauhan naman ako kaagad. Cash! Grabe ka! Sinabihan ka na ngang Stupid naging crush mo pa rin? Unbelievable. Eh sa pogi si fafa eh. Erase erase erase!

"Master! Magsasara na yung gate! Mamaya na ang pakikipagtalo sa sarili okay?" Natatarantang sabi sa akin ni Allen.

Nataranta na rin ako at nagsimula ng tumakbo papunta sa gate na unti-unti nang nagsasara.

Halos madapa-dapa na ako kakatakbo makapunta lang sa gate.

Bago pa magsara nakasingit na agad kami sa maliit na lang na butas. Ay grabe! Buti pala at sexy ako!

Pero kala ko hanggang dun na lang yung pasakit na yun.

"Aray!" Daing ko. Nauntog ako sa metal! Huhuhuhuhu.

Napaangat ako ng tingin ng may bumuntong hininga, yung naghagis ng apoy! Tao pala, este Alien? Ay grabe ka na talaga Cash, sa gwapo nyang yan?

"Stupid." Sabi na naman nya. Wala na ba syang ibang word na alam?

"I'm not!" Singhal ko. Ayan tuloy, napaenglish na ako. Sa talino kong to ishtufid? Nyeknyek nya.

"K." Walanf emosyon nyang sabi at naglakad na sya paalis.

Kumulo naman ang dugo ko. Nakakainis! Gwapo sya pero pangit naman ugali. Ay grabe ka na talaga ulit Cash, kilala mo kilala mo? Hinde. Edi tumahimik ka na dyan.

"Talking to yourself Master? That's nice." Sabi ni Allen habang nakaupo sa balikat ko.

Nakalimutan ko, nakakabasa pala to ng isip. Este nakalimutan ko na sya.

Nilanghap ko na lang ang malamig at sariwang hangin na tumatama sa mukha ko. Nakakarelax.

Nakarinig ako ng huni ng mga ibon, pagaspas ng mga puno na animoy sumasayaw.

Dinilat ko ang mga mata ko.

"Wow!" Sabi ko ng nakanganga sa pagkamangha.

"Tara na Master. Lumakad na tayo, malayo pa ang Moon Academy dito." Sabi ni Allen na hinihila ako palakad.

Paano ko nga ba idedescribe?
Actually, garden to na ubod ng laki. So ito pala ang bubungad sayo pagkapasok mo sa gate?
Ang danda! Ang daming mga Green na fairies, hindi yung fairy mismo ang green huh, yung damit nito. Parang si Tinkerbell lang pero iba-iba naman ang kulay ng mga buhok nila.
Nakakita rin ako ng mga iba't ibang klase ng hayop. Grabe! Ibang-iba ang lugar na to sa Earth! Iba rin kase ang mga hayop dito, katulad ng Squirrel, na ang buntot eh iba-iba ang kulay na kala mo rainbow, yung tenga medyo may pagkamahaba, yung mga mata nag-iiba-iba ang kulay. Ang astig talaga! May lake din sa malapit, may mga swan pa nga akong nakita na di biro ang laki.

Hindi na ako masyadong nagugulat pa, nasasanay na rin ako. Tutal, dito ako nababagay, dito galing ang parents ko, edi dito na talaga ako.

Sumunod na ako kay Allen.
Damang-dama ko ang hangin, damang-dama ko ang kapaligiran.

Hindi pa nagtagal, nakakita na ako ng isang malapalasyong eskwelahan. Ay ang taray, ang layo neto sa gate huh. Hindi ko nga maintindihan kung school ba to o palace eh. Palace kase ang itsura at design, pasensyahan naman, walang ganito sa Philippines! Di ko kenekeri ah.

"Master, ano, tatayo ka na lang ba dyan?" Nakapameywang at nakataas na kilay na sabi sa akin ni Allen.

Nahiya naman daw ako eh no, tinalbugan pa ako sa pagtataray! Bakla ba to? Epal lang talaga, wag ka.

"Maling husgahan ang isang fairy Master." Kunot noong sabi nya na ikinairap ko.

PRIVACY PLEASE!

Napazip naman ako ng bunganga ko. Eh kase naman, di ko namalayan na napahinto na ako dahil sa ganda ng mga nakikita ko diba? May point naman ako wag kayo.

Habang naglalakad. Unti-unti kong nakikita ang kalawakan nitong Academy na papasukan ko. Ilang ektarya kaya ng pwedeng taniman ng palay ang meron dito sa loob? Tumigil-tigil ka nga Cash! Baliw ka na naman sa kahibangan mo!

Nung makarating na kami sa mismong sementadong lugar nitong Academy, nakaramdam ako ng malakas na enerhiya.
So this is it? Dito na nagtatapos ang buhay ko bilang Yaya nila Lola, at ate Gael? Malaya na talaga ako sa mga kamay nila? Napangiti ako sa naisip.

"Malaya ka na Master." Sagot ni Allen sa isip ko ng nakangiti. Wala alam ko lang na nakangiti sya. "Ready?" Tanong nya pa.

"As always." Sagot ko sa kanya.

Tumango na sya at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.
May fountain pa nga sa gitna nitong Academy, kulay green ang tubig pero malinaw, may tiny creatures din ang lumalangoy doon. May bleachers din sa gilid-gilid nitong daanan.

Ang ikinatataka ko, walang katao-tao dito. Maliban sa mga iba't-ibang creatures na nakakalat sa paligid. Weird.

Nakita ko namang dirediretso lang si Allen papunta sa malaking pinto. Napalunok naman ako sa laki pero sinundan ko pa rin ang guardian fairy ko. Pumasok na kami sa loob.

Napasinghap na lang ako sa nakita, so nandito pala.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon