Chapter 18

276K 3K 43
                                    

CHAPTER 18

 

It was annoying how I spent my whole free time this morning with Dylan. It was supposed to be a time for some real deep relaxation para sa sarili ko lang. Tapos hinatid pa nya ako dito sa hospital! Kaya wala akong sasakyan ngayon dahil nga susunduin nya ako mamaya.

And that kiss. Nakakainis! Ilang beses na nyang nahalikan ang lips ko! I hate it! Hindi ko na mabilang kung nakailang sapak nga ako kanina sakanya dahil doon. And he didn’t stop teasing me! Kahit noong nasa parking lot na kami nitong hospital, asar lang sya ng asar! He wanTed a good bye kiss. Ayun, sapak ang naibigay ko. Dapat lang sakanya iyon.

I thought my Monday, Tuesday and Wednesday will be normal.. but then, 4 am pa lang nasa bahay na si Dylan! And he really did annoy me big time. Hindi nga lang iyon tumigil don. Ang mas nakakainis ay iyong kasing bilis ng kidlat ang chismis.

Tessa’s eyes were on me again. Wala naman syang ginagawa pa sakin.. sa ngayon. But I know she’ll get me one of these days and I have to talk to Dylan again and tell him again that he is really ruining my life. OA naman pero I’m just really trying to make extra precautions this time, ayaw ko lang maulit yung nangyari sakin noon.

“Huy, ano ka ba, Maxie? Kanina ka pa aligaga dyan!” Pagpuna sakin ni Roxy habang  lumilingon lingon ako sa paligid.

“Just making sure na walang asungot.” I answered.

“Asungot?” Faith asked.

“Oh shit. Speaking.” I said habang pinapanood ang grupo nila Dylan na papasok sa cafeteria. I looked at Tessa’s group too. Halatang nagpreprepare si Tessa. Magpapapansin nanaman sya kay Dylan, obviously. She’s irritating.

“What?” Sabay na tanong ng dalawa.

“Wala, let’s go!” Sabi ko sakanilang dalawa sabay hila patungo sa pila like as if hindi ko nakita si Dylan. Both of them kept on asking me pero hindi ko sila binibigyan ng matinong sagot.

“Maxine.” Nakailang mura rin ako sa loob loob ko nang narinig ko ang boses ng asungot na iyon sa likod ko.

“Ah, ate, ito na bayad ko po. Keep the change! Sige, bye!” Nagmamadali kong sabi sa cashier. Pagkatalikod ko naman, mukha ni Dylan ang bumungad sakin! It was so close. Hindi naman sobra, edi sana natapon na yung tray na hawak ko diba kung sobra? Ah basta! It was close at nakakaini! Nakakainis! Dapat pala ay hinila ko na lang sila palabas.

“Hey, lacey.” Mapangasar nanaman nitong sabi.

Pinanlakihan ko na lang ito ng mata tapos ay tumungo na ako sa isang bakanteng mesa. I just have to eat fast para makaalis din ako dito.

"Ano yun?" Pagtatakang tanong ni Roxy at Faith noong umupo sila sa harap ko.

"Kelangan talaga sabay kayo magsabi?"

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon