Chapter 45

961K 40.4K 22.3K
                                    

Thief

Jay-jay's POV

Mahirap mapagbintangan. Alam ko dahil naranasan ko na yan. Pero ibang bintang yun at hindi bintang sa pagnanakaw.

Sa lahat yata ng bintang ito ang nakakasira ng buhay ng tao. Kahit kasi lumabas na ang totoo, sira na ang pangalan ng madidikitan ng salitang ito.

Magnanakaw.

"Bata! Ilabas mo na yung pera ng girlfriend ko!" Sabi nung lalaki.

"H-hindi ko alam yung sinasabi mo..." Sagot ni Ci-N sa kanya.

Hinawakan na nung lalaki ang kwelyo ni Ci-N kaya naalarma ako.

"Hoy! Hoy! Bitiwan mo nga si Ci-N!" Sabi ko at agad na tinulak ang lalaki palayo kay Ci.

"Wag ka nga makialam dito Miss! Ninakaw ng lalaki na yan ang pera ko!" Bintang nung babae.

"Sigurado ka?! May pruweba?!" Hamon ko.

"Sya lang humawak sa bag ko! Andun ka nga nung kinuha ko sa kanya diba?!"

"Oo.. pero may nag-abot lang sa kanya ng bag mo!"

"Sinungaling!"

Anu daw? Sinabihan ba nya ko'ng sinungaling? Aba! Lintik na babae'ng to!

"Maka-sinungaling ka! Lamutakin ko kaya bunganga mo!" Banta ko sa babae.

Pinandilatan nya ko ng mata. "Edi lamutakin mo!" Mayabang nya'ng sagot sakin.

Aba talaga'ng!

Lalapit na sana ko sa kanya para gawin yung banta ko pero hinawakan ako ni Ci-N.

"Jay... Wag mo ng patulan!"

"Bitiwan mo ko... Dapat dito, sinasampal! Maldita!" Sabi ko habang pilit inaabot yung babae.

Ayaw naman lumapit nung isa. Natatakot din yata, kunyari pang matapang.

"ANUNG NANGYAYARI DITO?!" sigaw ni Aries mula sa kumpulan ng mga istudyante.

Alam kong sya yun! Boses pa lang.

"Eto kasing lalaki na to.. Ninakaw nya yung pera ko sa bag. Ayaw naman nya'ng----"

"Wala nga sya'ng ninanakaw!" Putol ko sa sinasabi nya.

"Bakit nakita mo ba?!" Mataray na tanung sakin nung babae.

"Ikaw, nakita mo?!" Balik kong pagtataray sa kanya.

Sakin ka pa talaga nagmaldita. Impakta'ng to.

"Oh my... Ci-N, ginawa mo na naman?"

Shit! Bakit ngayon pa lumitaw ang babae'ng to? Mahilig talaga'ng manira ng buhay ang Freya'ng to. Tinignan ko sya ng masama.

"W-wala akong ginawa..." Sagot ni Ci-N sa kanya.

Itinago ko si Ci sa likod ko. Kahit hindi ko sya nakikita alam kong natatakot sya.

"Minsan ka ng nagnakaw sa Section natin dati. Inulit mo naman?" Dagdag pa ni Freya.

Tang'na! Wag kana magsalita! Hindi ka nakakatulong!

"Magnanakaw ka pala talaga eh!" Sigaw nung lalaki'ng humawak kay Ci-N kanina.

Sasagutin ko sana sya pero may kamay na humawak sa kwelyo nya. Kamay ni Eren.

"Isa pang buka ng bibig mo! Bubutasin ko lalamunan mo!" Banta ni Eren sa lalaki.

Naramdaman ko din na may ibang tao sa likod at tabi ko. Hindi ko na sasabihin, ramdam ko awra nila. Sila lang ata ang meron nito.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon