Special Update #3

240K 3.1K 99
                                    



Special Update Chapter 3

"Ackkk!Mommy! Mommy!!" Nagsusumigaw nanaman ang dalawang bunso ko hinaharot nanaman siguro sila ni Kyle.

Kaagad akong pumunta sa sala para tignan sila pero wala pa si Kyle, nasaan na kayo yon, akala mo naman ang layo layo ng opisina niya eh sa baba lang naman, napatawa ako nang makita kong nakasampa sa mahabang sofa ang dalawang bunso ko! Si Monique sigaw ng sigaw at parang may tinuturo siya sa sahig.

"Kroach!Kroach!!" Sigaw ni Monique! Napatawa ako dahil unti unti na silang nagsasalita ni Troy, magtatatlong taon na sila ngayong buwan.

"Hahahahaha!!" Kasunod naman non ang malakas na halakhak ni Marcus, tinignan ko siya at nakahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa.

"Cockroach! Not kroach!!" Sigaw ni Marcus sa kapatid, nanlaki ang mata ko nang makita kong may hawak siyang bote ng mayonaise at may laman pa yun na isang ipis!

"Marcus Liam!!" Sigaw ko, nagulat siya at mabilis na itinago sa likod niya ang bote ng mayonaise! "Mom!!" Gulat na gulat na sigaw niya! Lumapit ako sakanya at inilahad ko ang kamay ko! "Give me that thing." Mariin na sabi ko sakanya.

"W-what Mom? W-wala naman po." Nauutal na sabi niya, "Marcus Liam, anong sabi ko? Masamang magsinungaling. Sige ka lalaki yang nose mo kagaya ni Honesto." Pananakot ko sakanya, tinignan niya ang ilong niya at gusto kong matawa dahil halos maduling na siya sa pagtingin sa ilong niya!

"Kroachhh!!!" Sigaw ni Monique! At nakita kong gumagapang na paakyat ng sofa yung isang ipis! Hinubad ko ang tsinelas ko at hinampas ko iyon!

Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Marcus Liam. "Come on, baby." Suway ko sakanya, dahan dahan niyang ibinigay sa akin ang bote ng mayonaise. Hindi ko alam kung bakit hindi takot sa ipis itong si Marcus, paano ba naman ang hilig niyang manghuli ng ipis! Hinahawakan niya ang antena nung ipis saka ilalagay niya iyon sa bote ng mayonaise at ibinabato niya kela Monique!

"Napaka bad mo Marcus, I told you not to play with those cockroach! Dirty sila anak!" Suway ko sakanya saka hinila ko siya papunta sa kusina para hugasan ng kamay!

"Kung saan saan sila gumagapang anak! Hindi ka ba nandidiri?" Suway ko sakanya habang hinuhugasan kong mabuti ang kamay niya, sakanilang apat siya ang pinaka malikot at makulit. Ah no, nahahawa na si Ethan Luke sakanya!

"Mom, Daddy told me na hindi daw dapat ako matakot sa cockroach dahil big boy na ako." Pangangatuwiran niya, ayan na nga ba ang sinasabi ko. Si Kyle kasi napaka! "Alam ko yun anak, pero hindi ibig sabihin non pwede mo silang paglaruan! Hindi ka ba nababahuan sakanila?!"

"Mabaho sila Mommy! Kaya nga nilalagyan ko ng pabango mo yung bote ng mayonaise para bumango sila!" Pilyong sagot niya, hindi ko alam kung matatawa o magagalit ba ako dito sa anak ko. Ibinaba ko na siya at kumuha ako ng tissue at alcohol para punasan ang kamay niya.

"H'wag mo nang uulitin yon." Sabi ko sakanya, tumango lang siya. Ibig sabihin uulitin nanaman niya!

"Marcus Liam!" Sigaw ko, "Yes Mommy!Hindi na po!!" Diretsong sagot niya. "Good, where's Ethan?" Tanong ko sakanya, tumuro naman siya sa labas ng bahay.

"Yaya! Pakibantay sandali sila Monique!" Sigaw ko at lumabas ako para hanapin si Ethan.

"Woah." Narinig ko ang manghang manghang sigaw ni Ethan habang nakadungaw sa ibaba! "Ethan baka mahulog ka diyan!" Suway ko, kaagad siyang humarap sa akin.

"Mommy! Parating na si Daddy may dala siyang bike! Dalawa!" Sigaw niya, hinila naman niya ako papunta sa elevator.

Ilang sandali pa bumukas na iyon at bumungad si Kyle doon na may dala ngang dalawang bike. Pinagtaasan ko siya ng kilay pero nginitian niya lang ako at hinalikan sa labi.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon