Chapter 16: Again

4.1K 163 15
                                    







~*~









(Cashmere's POV)









So nandito pala sila. Napatigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa nung makita nila kami ni Allen na pumasok.

Walang nagsasalita, walang nangangahas na huminga.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang magsimula ang mga bulong-bulungan kung sino kami.

"Transferee?"

"Bisita?"

"Turista?"

"Kalokohan."

Aba matinde. Hahahaha. Napafacepalm na lang si Allen saka sya nagsign sa akin na magpatuloy sa paglalakad dito sa napakahabang hallway. Ang lalaki ng mga pintuan na madadaanan namin, napakalayo ng agwat sa bawat isa. Siguro, malaki ang mga silid dito.

As usual, napapatingin sa gawi namin ang mga students na madadaanan namin. Mayroong ngumingiti sa akin pagmapapatingin ako sa kanila at mayroon ring mga umiirap at nagbubulungan pa rin. Hindi ko na lamang pinansin ang ganung mga bagay.

Pagkatapos pa ng ilang minutong paglalakad, umakyat naman kami sa hagdang sobrang taas. Napansin kong kaunti lang ang tao na narito sa parte na ito.

"Headmaster's Office"

Mga letrang nakaukit sa pintuang kaharap namin ngayon.

"Andito na tayo Master. Aalis muna ako, bawal kase pumasok sa loob ang mga katulad kong guardian fairy at nirerespeto ko iyon." Sabi ni Allen.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

Nako wag nya ko iwanan dito ng mag-isa, di ko kabisado dito.

"Haha. Hindi ko maaaring iwanan mag-isa ang aking Master. Dyan lang ako sa tabi-tabi no!" Madaldal na sabi ni Allen.

Napa-ah na lang ako kaya pinagtulakan na nya ako papasok dun sa Headmaster Office, ang pagkakaalala ko, eto yung namumuno dito sa Academy, isa sa mga matataas na pinuno. Kinakabahan tuloy ako.

Bago ko pa mabuksan ang pintuan mayroon nang naunang nagbukas nito galing sa loob. Literally, gulat na gulat ang mukha ko sa nakita. Sya yun! Sya yung nagpapalutang ng mga bagay-bagay kahit na di nya hawakan! Sya ang dahilan kung bakit hindi ako natuluyan sa tulay, sya rin ang dahilan kung bakit ako nandito sa Moon Academy, sya ang nagbigay ng way para malaman ko ang sikreto na tinatago ng sarili ko, at sya rin ang nagbigay ng daan para maging favorite ko ang Milky Chikey (anong konek nun Cash? Porket pinilit ka lang pakainin nun eh) tss. Basta yun na yun, nandito sya sa harap ko ngayon, at galing sya sa loob ng Office nung headmaster. Sya si Tamix Jayden, ang lalaki sa mortal world na may kapangyarihang Telekinesis.

Tinitigan lang nya ako na waring pinag-aaralan ang bawat sulok ng aking mukha. Bahagyang napakunot ang kanyang noo. Magsasalita pa lang sana sya ng may tumawag sa akin sa loob ng silid.

"Pumasok ka na iha." Sabi ng lalaking boses, sa palagay ko sya na ang headmaster.

Nakakapanindig balahibo ang boses na iyon. Alam nya kung mayroon ibang tao. Malakas ba presensya ko ganun? Teka nga, nasisiraan na ako ng bait. Napakalalim ng mga sinasabi ko huh.

Tumungo na lang ako at nilagpasan si Jayden. Hindi naman na sya umimik at naramdaman kong umalis na rin sya. Pumasok na ako ng tuluyan sa silid. Makaluma ang bawat disenyo na nakaukit sa mga sulok ng kwartong ito. May nakita rin akong kwago na nakamasid sa aking pagpasok. Kulay gold at puti lamang ang makikitang kulay ng paligid, napaka-eleganteng pagmasdan ika nga. Nahagip ng mata ko ang isang lalaki na medyo may katandaan na, nakaupo sya sa kanyang silya na mataman akong tinititigan, kinilabutan naman ako dun.

"Ikaw nga. Tama nga ang sinabi nila Felipe, isa ka ngang magandang binibini. Halika dito, maupo ka." Sabi nung headmaster, saka nya tinuro yung upuan sa harap ng table nya.

Ngayon ko lang napansin na mayroon syang balbas na kulay puti. Kung tititigang mabuti, kamukha nya si Professor Dumbledore sa Harry Potter na palabas.

Bigla na lang tumawa yung headmaster sa harapan ko.

"Kala ko hindi mahahalata. Pero dahil sikat nga sya, nahalata mo rin na kami'y magkahawig. Tama ang pagmamasid mo Cashmere, kapatid ko si Dumbledore ang headmaster ng Hogwarts." Sabi nung headmaster sa aking harapan.

Nagulat naman ako. Yung totoo?

"Oo, totoo iyon iha." Nakangiti nyang sabi sa akin.

Napanganga naman ako. Edi totoo talagang nag-eexist ang magic? Luh si Cash oh, patunay na nga yung mga nangyare sayo eh. Edi wow.

Pero teka nga..

"Mind reader po kayo?" Gulat na gulat kong tanong sa headmaster.

Umiling naman sya sa akin.

"Ang silid na ito ay napapaligiran ng mahika kaya nababasa ko kahit paano ang iyong isipan."

Nakaramdam naman ako ng kaunting hiya.

"Wag kang mahiya. Ako nga ang headmaster dito, I'm Russel Dumbledore. Gold Chains is my ability." Pagpapakilala nya sa akin habang nakaabot ang kanyang kamay.

Inabot ko naman iyon at magpapakilala rin sana ng putulin na nya agad ako.

"Kilala na kita Cashmere." Sabi nya ng may kakaibang ngiti sa kanyang mga labi. "Welcome to the Moon Academy the school for arts and wizardy!" Masayang sabi pa nya.

"Salamat po headmaster." Sabi ko ng may ngiti rin sa aking mga labi.

Tinanong din nya sa akin si Allen, sinabi ko namang iniwanan ako dito. Tinanong rin nya kung napalabas ko na ba ang aking kapangyarihan, napailing sya nung malamang nakapagpalabas ako ng black magic. Binigyan nya ako ng moral lessons at mga karagdagang gamit para sa pag-aaral ko. Bahagya pa nga syang napasimangot nung malaman din nyang hindi sumunod sa akin papasok dito si Matthew eh, pero maswerte daw ako at nakilala ko sina Sir Felipe na madalas na mailap sa mga tao.

Kasalukuyan kong hinahanap ang magiging dorm ko na binigay ni Headmaster Russel.

Aish! Kung nandito lang sana si Allen edi sana nahanap ko na agad at hindi na ako naliligaw pa ngayon, oo, naliligaw nga ako ngayon. Tsk tsk.

Habang frustrated akong naglalakad at hinahanap ang dorm na nakatalaga sa akin hindi ko maiwasang mainis. Asan na ba kase ang guradian fairy ko na yon eh.

Dirediretso lang ako ng lakad at di alintaya ang binibigay na tingin sa akin ng mga estudyante, ngayon lang ba sila nakakita ng transferee? Mga abnoy din eh.

"Aray." Daing ko at napahawak sa noo ko na nauntog.

"Tss. Stupid." Sabi nung pamilyar na tinig.

Agad kong iniangat ang paningin ko. Sya na naman?! Bat ba pagnagkikita kami lagi na lang epic? Napansin ko namang nakatingin na talaga sa gawi namin ang mga students ng may matatalim na tingin.

"Binunggo nya si Prince Jayden."

"Uh-oh"

"Madudurog na sya pagkatapos nya ibalibag!"

"Ayokong makita to."

"Patay na sya!"

"Condolence."

Abey. Ginawa na kong patay? Ang astig! No it's not.

Tumigil tigil ka nga Cashmere Villacrusis! Ikaw na nga lang ang paglalamayan nila dyan ng tingin at bulong eh. Di ka pa nalungkot o natakot para sa buhay mo.

"Master!" Sigaw ng dalawang boses sa likuran ko.

Humarap naman ako dito at napakunot ang noo. Si Allen yun ha. Sino yung kasama nyang fairy na lalaki at kulay gray ata ang buhok?

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon