Chapter 59

58.9K 2.2K 1.1K
                                    

Ces' POV

"Are you bored?"

"Hindi naman Homme. Ikaw ba?" I asked back.

"I am."

"Pero nag-eenjoy pa sila." Nakaharap kami sa isang bonfire habang pinapainitan yung mga marshmallow namin. Naglalaro din kami ng pasahan ng ball, at kung sino ang mahintuan ng music, may dare.

"Let's go." He smiled at me as he offered his hand.

"Saan naman?"

"Basta." Inalalayan niya ko patayo. "Dad we'll just walk around." Paalam niya.

"Wag na dahil madilim-"

"Go on son." Sinamaan ng tingin ni mommy si daddy.

"Bakit mo pinayagan yang dalawa-"

"Malalaki na sila wifey. Alam na nila ang tama at mali. Right?" Tumango kaming dalawa.

"Ah basta! Maglakad lang ha! Wag pupunta sa mga sulok-sulok. Lalo na sa mga madidilim na parte nitong beach resort dahil bata pa kayo at ayoko pa ng apo-"

"Oo nga! Wag niyong uunahan yang si ate. Magkakaanak pa sila ni Kuya Zach." Naging maingay naman ang lahat dahil sa sinabi ni tita Jl.

"Hoy anong magkakaanak? Alam mo ba kung gaano kahirap ang magbuntis ha? May mga morning sickness pa tapos maglilihi ka pa-"

"Handa naman akong damayan ka sa lahat ng hirap wifey." Biglang singit ni daddy Zach.

"Damayan? Jusko! Kahit naman damayan mo ko, ako pa din ang makakaramdan ng sakit at hirap e!"

"Sige na wifey. Gusto ko talaga ng walong anak."

"WALO? JUSKO ZACHARY! ALAM MO BA ANG ENGLISH NG WALO? EIGHT yun hubby! EIGHT! Anong akala mo sakin baboy?"

"Oo." Nakangising sabi ni daddy Zach kaya nakatikim siya ng katakot-takot na hampas. "Baboy na sexy kase."

"Naku ewan ko sa iyo!" Humarap si mommy kay Homme. "At ikaw naman lalaki. Hindi porket little Zachary ka namin ay kukunin mo na ang pagu-ugali ng tatay mo ha. Nako sige na nga. Umalis na nga kayong dalawa at umiinit ulo ko."

Nagkatinginan kaming parehas ni Homme na akala mo ba iisa lang ang nasa isip namin. Hindi kaya buntis ulit si mommy Keisha? Kaso ngayon pa lang ulit sila nagkita ni daddy. Baka naman SOON. ❤

***

"You're family is wonderful Homme." Panimula ko ng naglalakad na kami.

"OUR family is wonderful Ces." He smiled at me. How can be I so lucky to have him in my life.

"At siyempre salamat sayo. Thank you for making me a part of your family."

"No. I should be the one thanking you. Thank you for coming in to my life." He held my hands. "One day we'll also make and live our own family."

"Paano ka naman nakasigurado na tayong dalawa na hanggang sa huli?" I want to believe pero bata pa kami. Marami pa ang pwedeng mangyare.

"I'm sure Ces. Dahil kahit gumawa man ang mundo ng isang dahilan para magkahiwalay tayo, gagawa at gagawa naman ako ng dalawang paraan para pigilan yun. This kind of love I'm feeling for you is like a rollercoaster. Marami mang pagsubok ang pagdaanan natin, I will still hold your hand tight and never let you go. Sabay nating haharapin ang buong mundo." Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko. Ngumiti naman siya at biglang lumuhod.

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon