Chapter 46

997K 42.5K 22K
                                    

Suspect

Jay-jay's POV

Naiingit ako. Gusto ko din ng kwarto kagaya kay Ci-N. Puro laruan at meron syang Snorlax na malaki. Parang kwarto ng bata yung kwarto nya.

Dapat dun na ko maghahapunan sa kanila. Kayalang baka daw mag-away kami ng mga kapatid nya kaya pinauwi na ko ni Ci.

Bakit pakiramdam ko hindi naasikaso ng maayos si Ci-N sa bahay nila? Sabi nga pala nya dati na busy yung mga tao sa kanila kaya gusto nyang ipagbaon ko sya.

Tsk! Kawawang bata!

Pagpasok sa room. Ang lungkot nila. Ang lungkot din ng awra. Lumabas na yung result, dapat nakaginhawa na sila pero wala akong madamang kaligayahan sa kanila.

Siguro dahil kay Ci-N kaya sila ganyan. Ang lungkot kasi nya habang nakatingin sa bintana.

"Hi Ci!" Bati ko sa kanya habang nakangiti.

Pilit na ngiti nga lang ang sinagot nya sakin at binalik ang tingin sa bintana.

Hindi pa naman ako sanay na makita syang ganito. Nakakapanibago.

"Gusto mo ng pancakes? Meron ako dito... Luto natin?" Alok ko sa kanya.

Umiling lang ang Ci-N.

Bakit nakakahawa yung kalungkutan nya?

Kaya siguro ang lungkot din ng mga classmate namin. Nahawa din sila dito sa kaharap ko.

May kumalabit sakin, kaya bahagya akong lumayo kay Ci at tinignan kung sino yun. Si Keifer kumag, sinenyasan nya kong lumabas.

Binaba ko sandali yung bag ko at sinundan sya sa labas. Ng medyo makalayo na kami dun pa lang nya ko kinausap.

"Hayaan mo muna si Ci-N. Babalik din sya sa dati, hindi ko nga lang alam kung kailan." Sabi ni Keifer habang nakapamulsa.

"Panu mo naman nasabi?"

"Ganyan din sya dati nung dumating sya sa Section namin."

Huminga ako ng malalim at napayuko. Ayoko sana'ng humingi ng tulong sa ulupong na to. Kayalang kailangan eh.

"Meron ka bang 25,000 dyan?"

Makahulugan ang naging tingin sakin ni Keifer. Alam kong alam nya ang gagawin ko.

"Sigurado ka dyan sa balak mo?" Tanung nya sakin. Nag-nod naman ako bilang sagot. "You don't wan't to know who is the person behind this shit?"

Behind? Sinasabi nya bang set up yung nangyari kay Ci-N? Kung set up nga yun, sino nga ang may gawa?

"Sinasabi mo ba na----"

"Yeah! It was a frame up. Masyado'ng obvious para sakin. At ang lakas din ng loob ng babae, kahit wala naman sya'ng prove." Explain nya.

Tama nga! Parang ang tapang nga nung babae, kahit hindi naman talaga nya kayang patunayan.

"A-anung balak mo? Meron ka na bang suspect?" Tanung ko.

"If I tell you... Are you willing to help me?"

Walang patumangga akong tumango sa kanya. Kahit anu gagawin ko matulungan lang si Ci-N. Uhmmm.. Hindi pala lahat, yung kaya ko lang.

"Alright... Kunin mo yung bag mo. We're leaving now." Sabi nya at lumakad paalis.

Hindi ko natanung kung bakit. Nakalayo na ang walang hiya. Bumalik ako sa room at kinuha yung bag ko. Ibinilin ko din si Ci-N kay David at Calix pati na rin kay Eren.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon