Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover

35.9K 390 79
                                    

Chapter 28

Serene's POV

Panibagong araw na naman ang nakalipas. Sa wakas, magsisimula na rin ang misyon namin ni Clarisse sa Maeda Mora.

"Sa pagkakaalala ko hindi rito ang dinaanan natin papunta sa school. May dadaanan pa ba tayo?" tanong ko kay Souta. Kanina sinundo nya kami ni Clarisse sa school. Kasama ko si Jace noong dumating si Souta. Gusto pa nga nya sanang sumama para hinatid kami kaso pinatawag sya Mr. Valdez sa band room. 

"Yep." Maikli nitong sagot. Napansin ko lang, kanina pa kami magkasama pero sa tuwing nag-uusap kami hindi nya ako matingnan sa mata. Lagi syang nakayuko o di kaya iniiwas ang tingin sa akin. May itinatago kaya sya?

"Saan?"

"We both need you," lumingon sya sa amin mula sa tabi ng driver's seat. Gayunpaman, nakataas ang isa nyang kamay sa mukha na animoy  may itinatago. Nandito kaming dalawa ni Clarisse sa likod and I tell you, sobrang layo ng agwat ng upo namin sa isa't-isa, magkabilang dulo talaga. "to have a make-over."

Sa pagkakarinig ng make-over ay tila ba lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Seryoso? Makeover?! 

"Bakit kailangan pang magmake-over? Souta!" 

"Chill Serene, relax." 

Relax?! Akala ko ba kailangan lang pumunta sa school? Bakit kailangan pa ng make-over?!

"Yung ibang mga tao kasi jan, walang fashion sense." Narinig kong bulong ni Clarisse sa tabi. Ang laki ng ngisi sa mukha nya habang tinitingnan ang mga kuko na akala mo ginto. 

"This makeover is different than the normal one though." 

Napakunot noo ako. Ano naman kaya ang ibig sabihin nya roon? Naintindihan siguro ni Souta ang blanko kong mukha dahil sinagot nya ang mga tanong sa utak ko. "this makeover... ay kabaligtaran sa actual makeover. Papapangitin namin kayo."

"Basta ako labas jan." Bored na sabi ni Clarisse na abala pa rin sa paghihipan hipan at pagtingin tingin sa kuko nya. Seryoso? Ano bang meron doon? Magbuhat ng sumukay kami ng kotse nanjan na ang tingin nya. Sa tuwing nagkakatinginan sila ni Souta ang talim ng mata nya samantalang ito namang si Souta ay panay lang ang ngisi. 

"Of course. You're included too." sagot ni Souta

Kulang na lang ay tumalbog ako sa upuan ko dahil sa biglaang pagtayo ni Clarisse dahil sa narinig. Nanlalaki ang mga mata nyang tinuran si Souta.

"What? Me? You've got to be kidding me!" 

"Yes you are. Pumayag ka rito remember?"

Tinaasan ng kilay ni Souta si Clarisse. May ngisi sa mga labi nya na akala mo tuwang tuwa sa naging reaksyon nya. 

"Yes! But that's not part of the deal! Kung gusto mong may papangitin, ayan!" turo ni Clarisse sa akin "Sya ang papangitin mo. Pero kung ako sayo wag mo ng sayangin ang oras na papangitin sya. Natural naman na syang pangit kaya hindi ka na mahihirapan."

Aba. Sumusobra na 'tong Clarisse na 'to ah. Hindi ko na pinansin ang badtrip na badtrip nyang pigura at muling hinarap si Souta. Hindi naman kasi matinong kausap ang isa rito eh. 

"Pero bakit may ganun pa?" Naguguluhan kong tanong. "Hindi ba kami pwedeng pumunta roon ng ganito na lang?" tukoy ko sa itsura namin. Umiling si Souta. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon