CHAPTER 45: PERFIDY

251K 10.4K 4.2K
                                    

Chapter 45: Perfidy

My hands are shaking as I pull my cellphone out from my clutch. I can't believe what I'm about to do but I have no other choice but do it.

Nakaabang sa harapan ko ang pulis na pumulot sa amin sa madilim na eskinita. Zywon keeps on explaining about the misunderstanding ngunit nais pa rin nila ng parent o guardian para sumundo sa amin. I already texted Je about my situation now ngunit hindi pa ito nagre-reply. Marahil ay abala pa ito sa kakasayaw ng YMCA sa mga bago at sikat na tugtog.

I gave the police Ryu's number. Sa ngayon ay siya na lamang ang maaasahan ko. I cannot tell Mom about this dahil mag-aalala iyon, even Bernard, my make-believe Dad and Rionessi, my real Dad.

Nakakunot ang noo ng pulis nang matapos nitong ibaba ang tawag. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Ryu sa kanya ngunit base sa ekspresyon ng pulis ay hindi iyon maganda.

"Sigurado ka bang kapatid mo iyon? Puro ingles ang sinabi", wika ng pulis. Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Zywon ang pulis. I don't know where they brought the two other ladies na nauna nilang nahuli kanina. Tatlong pulis ang naiwan doon para sa gabi.

It was past midnight and I wasn't feeling sleepy at all. Panay ang hampas ko sa binti ko dahil sa dami ng lamok dito sa pulis station. I also erased the thick lipstick that I was wearing using my handkerchief at ibinalik sa dating ayos ang magulo kong buhok.

Ngayon ko lamang naramdaman ang pananakit ng mga paa ko dahil sa kakatakbo ng nakayapak. As of my wedge, God knows where I threw it. Manaka-nakang sumusulyap si Zywon sa akin habang nakakunot ang noo nito.

Wait.

Don't tell me he's angry and he thinks that I dragged him into this mess because I didn't! Hindi sinasadya ang pagbundol namin! Isa pa ay siya naman ang basta-basta na lamang sumusulpot out of nowhere!

Ngayon ko lamang napansin na may pasa ito sa gilid ng labi. Did he fight with someone?

Ilang saglit lamang ay hinubad niya ang suot na jacket at itinapon iyon sa mukha ko.

"Aray! What the hell?!", I said at tinanggal ang jacket sa mukha ko. Mabuti na lamang at mabango iyon. It smells so manly at naaalala ko si Gray sa amoy na iyon.

Uh, bakit ko ba inaalala si Gray?! He must be enjoying the night with Math samantalang nilalamok ako dito sa police station and mistaken as a callgirl!

"Wear that. Bakit ganyan yang damit mo? It looks like it's ripped", wika niya at ibinaling sa iba ang kanyang tingin.

Yes Zywon! Math ripped my dress!

Hindi na ako nagpakipot pa. I immediately wear his jacket. Kanina pa kasi ako naiilang sa paraan ng tingin ng isang pulis na mataba. Panay ang pagdila nito sa labi. Ew.

I happened to glance at his body. Natatabingan lamang iyon ng kulay abo na Tshirt, making his large bruises visible to me. Malalaki ang pasa nito na tila binugbog.

I couldn't stop myself from grabbing his arm which made him flinched. It must still hurt.

"Anong nangyari sa iyo?", tanong ko sa kanya. Iniiwas niya ang kamay mula sa akin at nagtangkang tumalikod so I grabbed him by his shoulders at napangiwi ito sa sakit.

"F*ck!"

"What happened?", mahina ngunit buo ang boses ko na tanong. An officer is busy writing in his notebook samantalang nagkakape naman ang iba. Hindi nila kami maririnig but I need to be cautious.

"None of your business Just Amber", sagot niya. Mahina niyang hinawakan ang nasaktang balikat. I'm positive that he has a wound there.

"Zywon! Tell me!"

DETECTIVE FILES. File 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon