Chapter 51

1M 41.6K 29.9K
                                    

Author's Note: Sorry po sa late update... Ginabi na po kasi ako sa trabaho-----taray!

Baka po friday na yung next update. Busy na po kasi sa work. Pero itutuloy ko po itong story na to, don't cha worry!

Nakita nyo na si Ci-N Peralta sa Chapter 48? Nasa dulo yung picture nya. Comment naman jan!

Boyfriend

Jay-jay's POV

Hala! Nakakabigla magtanung tong si Lola. Boyfriend talaga?!

"Hindi nya po boyfriend yan." Sagot ni Kuya Angelo sa sinabi ni Lola.

"Manliligaw?" Tanung ulit ni Lola.

"H-hindi po La. Classmate ko po sya." Sagot ko.

"Ahh.. sya ba kasama mo sa pag-gawa ng report? Sabi kasi ni Tita mo sakin gagawa daw kayong report." Tanung ni Lola.

Tinignan ako ni Yuri na parang nagsasabi na 'anu ibig sabihin nun?'. Gusto kong tumanggi kayalang magtataka sila kung bakit kami magkasama.

Tipid na tango nalang ang sinagot ko. Napansin kong kakaiba yung tingin sakin ni Tita Jenny. Para bang meron syang gustong sabihin.

Tumayo si Yuri at niligpit yung first iad kit.

"Okay na..." Sabi nya at binalik kay Tita Gema yun. "...Salamat po."

Bigla nalang pumasok si Aries kasama nung kambal at agad na tinignan ng masama si Yuri.

"What are you doing here?!" Galit na tanung ni Aries.

"None of your business." Bored na sagot ni Yuri. Muli syang humarap sakin. "..I'll go ahead. Ako nalang bahalang mag-print sa report na 'tin."

Report na 'tin?

Ang galing! Sinakyan nya yung kasinungalingan ko kahit hindi naman nya naiintindihan yun. Life saver ka Yuri!

"Iho! Wag ka munang umalis!" Pigil ni Lola.

Lola naman ih! Aalis na nga ih!

"La! Yaan nyo po sya. Hindi sya welcome dito." Sabi ni Aries.

Malakas na palatok ang nakuha nya galing kay Lola. Kahit kami nila Tita nabigla. Napaatras naman yung kambal.

"Wag kang bastos! Bisita yan ni Jay!" Sigaw ni Lola sa kanya. Humarap sya ulit kay Yuri. "..Dito kana maghapunan."

"S-sige po."

Mukang napilitan. Pwede ring natakot dahil sa lakas ng palatok ni Lola kay Aries.

Pumunta ako sa kwarto ko para magbihis. Madumi na din kasi ang damit ko. Pagkatapos magbihis, inayos ko na yung mga gamit ko sa bag at bigla nalang pumasok si Tita Jenny.

Sinara nya yung pinto at tinignan ako ng masama. "Buntis kana? O mabubuntis pa lang?"

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. "Ha?"

"Alam kong mauuwi ka lang sa pag-aasawa ng maaga! Kaya aminin mo na kung buntis ka o magpapabuntis pa lang sa lalaki na yun!"

"Naka-droga ba kayo?"

"Wag mo ngang ibahin yung usapan!"

"Hindi ho! Hindi ako magpapabuntis!" Iritang sagot ko sa kanya.

Naluto na ata ang utak ni Tita Jenny. O kaya kinain ng sistema. Porke wala akong nagawang matino mag-aasawa nalang?

"Siguraduhin mo lang! Mahiya ka kila Gema! Pinapakain ka at pinag-aaral tapos papabuntis ka lang." Sabi nya at lumabas na ng kwarto.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon