CHAPTER 235

3.1M 65.1K 297K
                                    

CHAPTER 235

DEIB'S POV

"GOOD EVENING, Engineer Enrile!" masayang bungad ni Kimeniah nang sagutin ko ang tawag niya.

Napangiti ako. "Napatawag ka?"

"Are you busy?"

"Nope. Nanonood ako ng TV. Kaso ay wala nang magandang palabas."

"I see. Wala lang, hehehe. Naisip ko lang bigla na tawagan ka."

"Mangungulit ka lang, eh," nakangisi kong sabi 'tsaka iniitsa ang remote control. Nakakabagot nang magpalipat-lipat ng channels.

"I think kailangan ko ng makakausap."

"I'm listening."

"Eh, naisip ko kasi ang studies ko. Parang gusto kong mag-focus na lang muna sa studies bago ang career ko."

Bahagya akong dumapa at niyakap ang unan. "That's a good idea, Kim. Then, what's the problem?"

"Worried ako kasi baka wala na akong balikang career," mahihimigan ang lungkot niya sa kabilang linya. "Ang sabi kasi ng manager ko ay sayang naman 'yong status ng kasikatan ko. Hindi raw lahat ay naabot agad-agad 'yon."

"Pero sayang din 'yong taon na pinalilipas mo."

"Kaya nga, eh," nasisiguro kong nakanguso siya nang sabihin 'yon.

"Besides, 'yong kasikatang meron ka, pinaghirapan mo rin 'yon at hindi nakuha nang basta-basta. Kung babalikan mo 'yan matapos mag-aral, pwede mo ulit 'yang paghirapan."

Napabuntong-hininga siya. "You know what? You're right. Nainggit kasi ako no'ng makita ko kayong grumaduate."

Kasalukuyan kasing hinto sa pag-aaral si Kim. Dahil sa sunod-sunod na proyektong naibigay sa kaniya ay naapektuhan ang oras niya sa pag-aaral. Masiyado siyang na-excite sa takbo ng career niya, tuloy ay naisaalang-alang ang mas magandang kinabukasan.

"You know naman na mahal na mahal ko ang pag-aaral," dagdag pa niya.

"Hey, cheer up. Hindi pa naman huli ang lahat para magpatuloy ka."

"Paano 'yong career ko?"

"Tch," natawa ako. "Paano ang pag-aaral mo? 'Yan dapat ang tanong, Kim. Ang kasikatan ay lumilipas at napapalitan. Ang mga sikat ay nalalaos. Ang talento ay mananatili sa puso't isip mo, pero ang lakas ay nauubos. Edukasyon lang ang mananatili sa 'yo, at nadadagdagan 'yon habang humihina ka."

Napabuntong-hininga siya. "I'm so depressed. I don't know what to do."

"Ano ba kasing pumipigil sa 'yo na mag-aral ulit? Napagsasabay mo naman, 'di ba?"

"'Yong schedule nga. Maling-mali talaga na huminto pa ako."

"You have to think about it. Alin ba sa dalawa ang matimbang sa 'yo? Pag-aaral o pag-aartista? Bilang kaibigan mo ay 'yong pag-aaral ang gusto kong piliin mo. Iba 'yong may natapos ka."

"Ugh!" puno ng iritasyon ang pagbuntong-hininga niya. "I'm so stressed out right now. Lalo na at pinagagalitan din ako dito sa bahay. Si Ate Keziah ay panay ang bulyaw sa 'kin. Nakakainis na."

Sandaling natahimik ang pareho naming linya. "You wanna go out?"

"Huh?"

Gusto kong matawa, parang gulat na gulat siya. "I go out when I'm feeling stressed. Pumupunta ako kung saan-saan. Maybe you might want to try."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon