Chapter 18: Trespassing

4.2K 160 3
                                    










~*~








(Cashmere's POV)












Habang palala ng palala yung palitan nila ng atake. Naisipan ko ng awatin silang dalawa. Kahit na hirap akong kontrolin ang kapangyarihan ko, nagawa naman sila nitong pigilan.
Napahinga naman ako ng maluwag ng mapatingin sila sa akin.

"Grr. Ang lamig talaga ng power mo, damang dama ko ang yelo." Sabi ni Mich na umakto pang nilalamig habang nakayakap sa sarili.

Doon ko lang napagtanto na nabalutan pala ng yelo ang mga paa nila hanggang bewang. Nagulat ako syempre, agad kong winasiwas ang kamay ko at unti-unting nawala ang yelong nakapalibot sa kanila.

"Uhum." Pagtikhim ni Van para makuha ang aming atensyon pagkatapos nyang pagpagin ang kanyang damit. "Si Matthew ba ang tinutukoy mo? Sikat sya dito sa school. Kakagraduate lang nya nung nakalipas na pitong taon pero agad syang pinadala sa mortal world together with Sir Felipe na isang Class S wizard para sa isang mission, ang mahanap ang prinsesa, samantalang si Sir Felipe ay ang paghanap pa ng ibang naligaw na magic users." Sabi ni Vanessa using her cold and serious aura. Nakakatakot tuloy. "Teka, kung tungkol sa mortal world, wag mong sasabihin sa iba na galing ka roon. Sigurado akong pag-iinitan ka nila, lalo na ang fan girls ni Matthew dito!" Pagbabanta sa akin ni Vanessa.

Napa-woah na lang ako. Yung mokong na yun nay fans dito? Weh?

Pero parang ang gulo?

"Sinong prinsesa?" Tanong ko.

Natigilan naman sila at nagkatinginan na dalawa. Walang sumagot sa kanila, nanatiling nakatikom ang kanilang mga bibig.

Nag-alangan tuloy akong magtanong.

"Ah eh Cash, ano kase, limitado lang ang nakakaalam---ugh. Hehe. Just forget it." Sabi ni Mich na halatang kinakabahan.

Kung ayaw nilang sabihin, Edi wag. Pinatay ko na ang curiosity ko at nagkibit balikat na lang. Walang kakahantungan na mabuti kung magpupumilit pa ako. Sa dami ng puzzles na bubuoin ko eh, ayoko nang idagdag pa yun.

"Hey Cash!" Pagtawag sa akin ni Mich. Agad naman akong lumingon sa kanya at tinaasan sya ng kilay. "Hehehehe, nabuksan mo na ba yung kwarto mo?" Alanganin nyang tanong sa akin.

Umiling ako. Eh kung sana di sya nagtititili kanina, nabuksan ko na dapat diba?

"Kyah! Talaga talaga talaga?" Tili nito na nagparindi lalo sa utak ko.

Tumango na lang ako.

"Tara na! Dali excited na akong makita kung anong magiging itsura kung ice magic ang gamit!" Sabi ulit nya ng may malawak na ngiti sa labi.

Napapailing na sumunod sa amin si Vanessa. Doon ko lang naalala ang sinabi ng headmaster.

"Si Matthew talaga. Iha, hindi mo na kailangan pa ang mga nasa heavy bag mo na yan." Sabi ng headmaster.

"H-Huh? Bakit po?" Takang tanong ko.

"Napagtripan ka lang ni Matthew, malokong bata. Kapag kase iyo nang nahawakan ang seradula ng iyong magiging silid, kikilalanin nun ang iyong mahika kaya kung ano ang iyong mahika, yun ang magiging itsura ng iyong silid, natural na kompleto na lahat doon ang iyong kakailanganin." Natatawang sabi nya.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon