Chapter 19: Cyrokinesis

4.1K 148 2
                                    






~*~












(Cashmere's POV)











Kasalukuyan pa rin akong nagdadasal na sana wag nyang ituloy ang pagputol sa leeg ko. Hindi naman sya nakatingin sa akin, nakatingin sya sa libro nya na nasa kanyang mga palad taimtim na nagbabasa.

Yung totoo? Eh?

"Carlos!" Tawag ni Vanessa.

"Hey! Stop! Kaibigan namin yan!" Pagpipigil ni Michelle sa hangin na yun.

Bigla namang nawala ang espada nya at ngumiti ng malapad saka sinara ang libro.

"Kaibigan nyo? Kaya pala maganda. Hahaha. Let me guess, ikaw yung transferee diba?" Moodswings? Grabe ang bilis nya mag-iba ng ugali.

Tumango ako bilang sagot sa kanya. Tumili naman sya bigla. Bakla ba to?

"I knew it! I'm Carlos Winchester, It's nice meeting you Ms. Cashmere!" Saka nya kinuha ang kamay ko at nakipagshake hands.

Hindi man lang nang-inform eh no? Sikat pala ako.

"Kilala mo na agad?" Tanong ni Vanessa.

"Yeah. Ako ang may hawak ng wind element. Naghahatid ng mga messages ang hangin sa akin." Sabi ni Carlos.

Napa-tss naman si Mich at Vanessa.

"Napaaga ata ang bwisita natin ngayon Carlos." Natatawang banggit ng isang lalaki sa may bandang likuran ko.

"Ano pa bang aasahan mo sa dalawang babaeng yan Pre?" Sabi pa ng isa.

Agad-agaran naman akong humarap sa kanila. Ganun na lang ang pagkalaki ng mga mata ko sa nakita.

Omeged! Ang gagwapo! Kyah!

"Woah. May bago ata, I guess, ikaw ang transferee?" Tanong nung guy one.

Napatango naman ako.

"Yes! After seven years, ngayon lang ako ulit nakakita ng transferee" Sabi ni guy two.

Huh? seven years? Seriously?

Kaya pala ganun na lamang sila makatingin sa akin.

"Hey guys. Kindly introduce yourselves now? You know." Sabat ni Vanessa sabay nguso sa akin.

"Ahehehehe, sorry for that. By the way, I'm Andrei Fernando, I'm the almighty controller of white magic." Paliwanag ni kuyang gwapo na may kulay brown na buhok.

"Patrick Rudolf here! I can manipulate the time." Maikling pagpapakilala nung guy na gwapo rin naman pero more like, maappeal?

Pero wait what?

"Time? You mean, you can control it?" Tanong ko ng hindi makapaniwala.

"Umupo muna kaya tayo bago kayo magchit-chat dyan. Teene nemen oh sakit sa balakang!" Sabat ni Vanessa na nakaupo na sa usapan.

Napailing naman ang tatlong lalaki at tumawa ng mahina.

"Kahit kelan talaga, pambasag." Sabi ni Carlos habang ginagaya kami papunta sa sala nila.

Magkakatabi kami nila Mich at Van sa isang sofa, samantalang yung mga lalaki naman nasa kabilang sofa sa harap namin.

"Drinks?" Tanong ni Andrei sa amin.

Magsasalita pa lang sana ako ng maunahan na ako ni Vanessa habang kumukinang pa ang mga mata.

"Oo naman no! Gusto ko ng Milk tea, Coffee, Green Tea, Chocolate drink and water, don't forget the cake or cupcake." Sabi ni Vanessa habang kumikinang ang mga mata.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon