Chapter 56

1M 41.4K 26.7K
                                    

Help

Jay-jay's POV

Honestly? Kaya lang ata nagsi-sama tong mga to kasi akala nila makakalibre sila ng pagkain.

Sa kotse ni Yuri ako sumabay. Ganun din si Ci-N at Eren. Si David may dalang sariling kotse kagaya ni Keifer. Hindi ko nga lang sigurado kung sino-sino yung sinabay nila.

Nakarating kami sa restaurant nila Eman. Malaki at maganda yung theme----Comics/Superhero. Si Superman ang nakabungad sa pinto. May nakadikit kasing sticker ng superman na malaki sa glass door.

"Bukas naba?" Tanung ko.

Wala kasing nakalagay na Open or Close sign.

Pilit kong sinilip yung loob. Kayalang sa laki nitong superman sticker hindi ko makita.

Hinawakan ni Yuri yung pinto at tinulak.

Bukas!!

"Bukas na pala eh!" Sabi ni Ci-N.

Dahan dahan kaming pumasok at tatlong crew ang bumungad samin.

"Welcome po!" Bati nila.

Mukang kakabukas lang at hindi pa sila naka-ready. Nagpupunas pa nga lang ng lamesa yung isa.

"Bukas naba kayo?" Tanung ni David sa isa sa mga crew.

"Opo... Table for----ilan po kayong lahat?"

"Ilan ba tayo?" Tanung naman ni Eren at nagbilang.

Baka po hindi tayo kakain dito.

"Uhmmm... Andito po ba si Eman?" Tanung ko.

Hinanap ko na agad yung kailangan namin, baka kasi maisapan pang umorder ng mga to. Wala naman kaya kaming pambayad.

"Nasa loob po sya... May kailangan po ba kayo sa kanya?"

"Sabihin mo andito yung mga classmate nya. Lumabas na kamo sya agad, we don't like to wait. Utos ni Keifer.

Sumunod naman agad yung isa sa crew. Mukang natakot sa itsura ni Keifer.

Habang naghihintay, tinignan ko muna yung paligid. Mga eksena sa comics yung design sa pader. Gawa naman sa kahoy yung lamesa at bangko.

Meron ding naka-design na ulo at kamay ng superhero. Para bang lumusot sila sa pader. Meron ding shield ni Captain America.

May symbol pa ng Avengers sa pinto papuntang kusina. Yung counter naman nagmukang Control room.

Astig!

Lumabas sa pintong may symbol na Avengers yung isa sa Crew, kasunod nya si Eman.

"Kailangan nyo?" Bungad nya samin.

"Kinakamusta ka." Sagot ni Calix habang may hawak na menu.

"Tapos pakainin mo na rin kami." Dagdag ni Ci-N.

"Yun lang pinunta nyo?" Iritang tanung ni Eman.

"H-hindi... Kasi gusto ko lang sanang ipagpa-alam yung mga gamit dun sa room. Baka pwedeng hiramin." Sabi ko.

"Gamitin mo. Bahala kayo. Hindi naman na ko papasok kaya sa inyo na yun." Walang gana nyang sagot.

"Totoo? Hindi kana talaga papasok?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Nakita nyo naman... Kailangan ako ng restaurant namin. Tatlo na nga lang natitira sa crew nito eh."

Ahh kaya pala parang ang unti ng crew nila sa laki nitong restaurant.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon