33

12.2K 300 3
                                    


Yazzy's Pov

Nakangiti akong bumaba ng hagdan habang kinakalikot ang bag ko.Ipapasyal ko kasi si Tatay dahil birthday niya ngayon.

"Tay?Tara na po!"nakangiti kong sabi.Inilibot ko ang tingin ko sa tahimik naming sala.

Asan yun?

"Tay?"tawag ko pa at tinignan siya sa kabuuan ng sala pero wala siya pumunta ako ng kusina at wala din siya.

"Tay?"tawag ko ulit.This time sa kwarto na niya ako pumunta.Pagbukas ko nun..

Ang nakangiti at masaya kong mukha ay bigla na lang nawala.Nabitawan ko ang bag ko at agad na tumakbo kay Tatay na ngayon ay nakahiga sa sahig at wala malay.

"T-Tay?"naiiyak kong tawag.

"Tay naman,huwag ka namang magbiro birthday mo ngayon diba?"umiiyak kong tanong.

Nang wala akong nakuhang response sa kanya ay agad kong tinignan ang heartbeat niya,it's beating!Thanks God!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang ambulansya.

Kahit na may narinig akong heartbeat kay Tatay ay hindi parin ako kampante.

Umiiyak akong sumama sa ambulansya hanggang sa makarating kami sa hospital kung nasan nandun din si Thunder.

Agad na dinala si Tatay sa ICU.

Napahilamos ako ng mukha at umupo sa isang upuan.

Hinihintay kong lumabas ang doctor sa pintuan ng ICU at sabihin na ligtas ang Tatay ko.Umaasa ako kasi pag nawala na siya hindi ko na alam mangyayari sakin.

"Ms.Fortez."agad akong napatayo at nilapitan ang doctor.

"Kamusta po ang Tatay?Ligtas po ba siya?"tanong ko.

She pat my shoulder.

"I'm sorry Iha,alam kong masakit pero dederetsuhin na kita,your father suffered a heart attack that's why you see him in his floor unconcious.I'm sorry but we did everything na makakaya namin..I'm sorry time of death 10:30 am."with that parang nagslow mo ang lahat.Parang pati ang tibok ng puso ko tumigil.

Nanghina ang mga tuhod ko kaya bigla akong napaupo upuan at doon humagulgol.

"Yazzy?"napalingon ako kay Sara na pumunta dito.I called her a while ago while my father is in operating room.

Nginitian ko siya ng malungkot.

"He's.....gone."nanlaki ang mga mata niya at napahawak sa bibig.

Mas lalo akong napahagulgol ng yakapin niya ako at ikomfort.

"Hush Yazzy,i'm here,we're."sabi niya habang patuloy ang pagcomfort sakin.

"Nakikiramay kami."sabi ni Rence sakin.Tumango lamang ako at humiwalay sa yakap ni Sara.

"Sara,salamat sa comfort.Pero magpahinga ka na lang you're pregnant."sabi ko.

"But.."ngumiti ako at umiling.

"I want to be alone too Sara.Rence ikaw nang bahala kay Sara,iuwi mo siya ng maayos.Gusto kong malaki na malusog si Baby."sabi ko sa kanila.Walang nagawa si Sara kundi ang umuwi na lamang at iwan ako.

Binisita ko ang Tatay na nakalagay sa isang room at nakataklob ng kumot ang buong katawan.

Seeing him in this situation is so hard.

"T-Tay?Bakit ngayon pa?Kung kelan kaarawan mo na dapat nagcecelebrate tayong dalawa at  masaya.Bakit nauwi sa ganto Tay?Bakit iniwan mo na ako?Sorry kung lagi akong busy kaya hindi na kita maasikaso.Sorry sa lahat Tay.Salamat kasi andyan ka palagi sinusuportahan ako sa mga ginagawa ko.Siguro kaya ka sumuko kasi hindi mo na kaya yung sakit?Mabuti na rin iyon Tay,ayokong nahihirapan ka.Ayokong nakikitang nasasaktan ka.Hahayaan ko na lang na sumuko ka.Tay,mahal na mahal po kita.Sobra.Paalam Tay.Hanggang sa muli."

**********

My Boss Is My Ex-boyfriendWhere stories live. Discover now