Chapter 57

1M 41.4K 31.8K
                                    

Author's Note: Baka po tuesday na ang next update. Picture ni Kiko sa Chapter 56. Picture ni David sa dulo ⬇⬇⬇!

Serve

Jay-jay's POV

Two weeks! Two weeks na kami'ng tumutulong dito sa resto ni Eman. Nakakapagod pero parang banding narin namin to.

Tsaka sulit naman yung binabayad nya samin. Pinagluluto nya kami ng pagkain. Pagkain!!

Alam na din ni Kuya to. Pinagpa-alam ko na sa kanya para hindi nya ko kagalitan. Okay lang naman sa kanya except lang sa oras ng uwi. Inaabot kasi kami ng madaling araw.

"Jay! Palinis ng table two!" Utos ni Yuri.

Oh daba? Sanay na kami!

Sumunod naman ako at lumapit sa table two na malapit sa pinto. Habang nagpupunas ng lamesa, nakita ko sa labas na may dumating na kotse.

Kotse ni Aries!

At kasama nya yung mga classmate nya. Kung suswertihin ka nga naman talaga.

Agad kong dinala yung tray na may plato at baso sa kusina at tinawag sila.

"Guys! Andyan yung grupo ni Aries!" Sigaw ko.

Pare-pareho sila'ng napahinto. Naghihintay ng sasabihin ni Keifer. Pero si Eman ang una'ng nagsalita.

"Wag naman sana kayo'ng mang-gulo dito!" Paki-usap nya.

Muli sila'ng tumingin kay Keifer na tahimik lang na nakatingin sakin.

"Tama si Eman! Wala muna'ng magsisimula ng away!" Sigaw nya.

Agad ako'ng lumabas para asikasuhin yung ibang customer pero muka'ng sila lang yung nangangailangan ng asikaso.

No choice!

Lahat ng crew busy. Huminga muna ko ng malalim at kumuha ng menu. Lumapit ako sa kanila pero hindi ko pa nasasabi yung greetings namin, lumapad na ang ngiti ni Freya.

"O.M.G! So it's true! Nag-waitress ka nalang talaga!" Ngiti'ng ngiti na sabi ni Freya.

Ngumiti din ako sa kanya yung plastik. Plastik naman tong kaharap ko eh! May nagbaba ng tray ng tubig sa table nila. Akala ko si Yuri, dahil sya lagi ang gumagawa nun.

Pero si Keifer tong nasa harap ko.

"Hahahaha... Keifer Watson? What the hell?!" Sabi ni Mykel habang may pahampas-hampas sa lamesa.

Tumitingin na samin yung ibang customer. Muka kasi sya'ng tanga sa ginagawa nya. Napansin ko si Kiko na nagpilit lang ng ngiti sakin.

Para bang may gusto sya'ng sabihin.

Poker face lang si Keifer habang nakatingin sa kanila. Halata'ng naiilang si Ella kaya inakbayan sya ni Aries.

"Keifer... Seriously? Naghihirap naba kayo?" Tanung ni Mykel.

"I don't know..." Inosenteng sagot ni Keifer. "..Why don't you ask my friend?" Bigla sya'ng lumingon at sinenyasan ang kung sino na lumapit sa kanya.

"B-bakit?"

Si Mica? Adik ata tong si Keifer.

Naging seryoso yung muka ni Mykel. Hindi na maipinta at para'ng gusto ng manapak.

"Andito ka din Mica?" Sabi ni Freya.

Bobita!

"Hindi! Wala sya! Picture lang yan! Hologram minsan!" Pamimilosopo ko.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon