27: Channeling

23.4K 1K 144
                                    

Tahimik akong nakaupo sa driver's seat ng truck namin dito sa school's parking area. Medyo inaantok pa ako dahil late na nang nakatulog ako kagabi at maaga naman akong nagising kanina. Kaya heto ako ngayon, most punctual.

At bakit ako nagkakaganito?

I felt bothered. Yadira had been staying at the Bloodworth mansion for three days now sa kagustuhan na rin ni Magnus. Tutal naman ay Pureblood naman daw si Yadira kaya hindi ito mag-aatubiling patuluyin ito sa pamamahay nito.

Alam ko kung bakit ito ginagawa ni Magnus. He wanted Yadira to be with Titus because they're both Pureblood.

And why was I feeling bothered?

'Yun ang hindi ko alam. Kahit na anong gawin kong pambabalewala sa bumabangong inis sa puso ko ay hindi ko magawa.

Teka. Nagseselos ba ako?

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip.

Hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng nagseselos.

Ito na ba 'yun? Parang masakit na nakakainis?

I bumped my head on the steering wheel. Why, oh, why?

Nanatili ako sa ganoong ayos sa loob ng ilang minute hanggang sa may narinig ako kaya agad akong umayos ng upo.

Napatingin ako sa itim na kotse na nag-park sa tabi ko. Kay Titus iyun. Bababa na sana ako para sumabay sa pagpasok n'ya sa building nang biglang bumukas ang pinto ng shotgun ng kotse n'ya.

Hindi ako nakagalaw nang bumaba mula doon si Yadira na malaki ang ngiti at higit sa lahat, magandang maganda at super sexy sa suot na white tank top, black leather jacket and pants at knee-high high-heeled boots.

So, sabay na rin silang pumapasok ngayon? Hindi naman siya nag-aaral dito pero ang alam ko ay may business siya with the administrators ng campus.

Agad akong yumuko upang magtago. Ayokong makita nila ako dito. I didn't want to appear pathetic.

Ilang minuto ang lumipas bago ako umayos sa pagkakaupo. Sigurado namang nakaalis na sila. Pero nagulat na lang ako nang biglang may mukhang sumulpot sa bintana ng driver's seat.

"Titus! What the hell?" napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Why are you hiding?" seryosong tanong nito.

"H-Huh? Hindi naman ah," deny ko saka tumingin sa may likuran n'ya.

"She's gone now. Pumasok na sa building."

Muli akong tumingin sa kanya. "Sino? Wala naman akong sinasabi ah."

"You don't need to say anything, Nichola," aniya saka umikot sa kabilang side at sumakay na rin dito sa truck ko.

"What are you doing?" kunut-noo kong tanong sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na sumakay s'ya dito sa truck namin. Hindi s'ya bagay dito sa lumang sasakyan na 'to. Masyado siyang mayaman tingnan kumpara sa faded na interior ng truck.

"Did you know that I am so pissed right now? That friend of yours won't stop bugging me. If I didn't lock my room, I'm sure, she would have followed me there too," aniyang nakasimangot na nakatingin sa akin habang nakasandal sa headrest ang ulo.

"So, hindi mo s'ya pinapapasok sa kwarto mo?"

"Why would I? Hindi ako basta-bastang nagpapapasok sa kwarto ko, Nichola. The only ones who are allowed there are my parents, the maids who are cleaning it, Nadine, Matteo and you. I'd kill that Kirkpatrick if she entered my room."

Lihim naman akong napangiti sa sinabi n'ya. Gumaan na uli ang pakiramdam ko.

"By the way, we will be gone for a week. Nadine, Matteo and I are going to meet the Council of Graviville."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon