Chapter 60

54.8K 1.4K 103
                                    

C60

Nagulat ako ng kinagat niya ang balikat ko.

"Hubby kanina ka pa ha. May mga bata. Umayos ka diyan." Ngumuso siya. "Stop it. You're not cute. What do you want?"

"Quality time." He said.

"Zach naman halos buong araw na tayong nakakulong sa nipa. Quality time pa din? Hindi ka ba nagsasawa?"

"Hinding-hindi ako magsasawa pagdating sayo."

"Alam niyo nakakainis kayong dalawa! Ang tanda niyo na pareho pero kung kumilos kayo akala niyo kayo mga teenager!" Himutok ni Jl sa tapat namin.

"Inggit ka lang." Panga-asar ko.

"Whatever ate!" Umirap pa siya kaya tinawanan ko na lang.

Nakita kong lumuhod na si Jade sa likod niya pero wala pa din siyang kaalam-alam. Jade asked for her hand earlier kaya nandito si tita Mean. Wala namang tutol para sa kanilang dalawa dahil alam namin kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Napasandal na lang ako kay Zach. I'm happy to see that everyone is now happy with their lives. Sana lang lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay namin ay sabay-sabay naming malagpasan.

"Jl can you get a drink for us?"

"What? Porket ako ang loveless dito, ako na ang kakawawain niyo?"

"Loveless your face Jl. Dalian mo na." We were waiting for her to move. Paniguradong kapag tumayo siya ay makikita niya na si Jade na nakaluhod. Waaaah! I want to see her reaction.

"Oo na! Hmp!" Inis siyang tumayo at talagang nganga kung nganga when she saw Jade kneeling down while holding a red box. "W-what is this for?"

"Talaga ba Jl? What is this for? Baka bebentahan ka lang ni Jade ng singsing."

"Shut up Kane!" Hinampas naman siya ni Karen sa braso. "Wala ka talagang ka-sweetan sa katawan. Hmp!" Hindi naman na pumalag si Kane kaya niyakap na lang niya ang kanyang asawa.

"Jl. Ang arte mo. Napakaingay mo. Gusto mo ikaw palagi ang nasusunod. Ayaw mong magpatalo. Kung kumain ka ay akala mo ka construction worker."

"What the heck?" Jl said bago niya tinalikuran si Jade. Wow. Para kaming nanunuod ng movie.

"Woooh! Popcorn please!" Sigaw ni Val kaya nakatanggap siya ng matatalim na tingin mula kay Jessy.

"Manahimik ka diyan."

"Woooh! Chill lang bunny. Para nagbibiro lang-"

"Bakit nakakatawa ka?"

"Edi hindi na. Sorry na." Akmang yayakapin sana siya ni Val ng umiwas siya. "Is that your new perfume? Ang baho!"

"Anong mabaho? Sabi mo pa nga kagabi sakin na ito palagi ang gamitin ko when we are making love-"

"Waaaaah! Shut up Val!" Inis na inis ang mukha ni Jessy at hindi siya makatingin sa amin.

"Ano bang problema bunny? Kanina pa mainit ang ulo mo sakin. May nagawa ba kong mali?"

"WALA!"

"Eh ano nga?"

"Manahimik ka na lang diyan." Tumahimik na si Val.

Napangiti ako ng may ibinulong sakin si Zach. "She's pregnant."

"Yea. I was about to tell you that."

"Nakadali din si Val. Tsk. Ako kaya kelan ulit?" Pinamulahan ako ng mukha dahil sa tanong niya. Why are you always putting me on the hot seat?

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon