29: Fitzgerald Vampires

24K 918 85
                                    

"Savannah!"

Mabilis akong napalingon kay Yadira dahil sa lakas ng boses n'ya. Mukhang galing siya sa loob ng mansyon at sinundan ako dito sa labas. Gusto ko kasing magpahangin dahil parang nasu- suffocate na ako sa loob.

Titus was extreme to the point of being over protective. Magnus was as cold as ice and Rosamund seemed really busy about something. Titus said she was taking care of the problem regarding Alistair Bishop.

At miss na miss ko na ang mga kapatid ko. Isang linggo na ako dito sa Bloodworth mansion at sa loob ng isang linggong 'yun ay hindi ko man lang sila nakausap.

Isang linggo na rin akong tinuturuan nina Titus kung paano maging isang bampira. My body seemed stronger and faster now. All my senses were heightened and I hated it.

And my source of blood? Walang iba kundi ang aking willing victim na si Titus Thaddeus Bloodworth. Minsan nauuwi pa sa...konting yakapan.

At halikan.

Ipinilig ko ang ulo ko lalo na at naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

Ayoko man kasing aminin eh nagugustuhan ko naman. Habang mas tumatagal kasi ay mas lumalalim ang nararamdaman ko para kay Titus. Ni hindi ko mapangalanan 'yun. Ang alam ko lang ay napapasaya ako ng presence n'ya. Nakokontento ako.

Sobrang thankful ko sa kanya. Maging sina Nadine at Matteo ay palaging nand'yan para bigyan ako ng guidance.

At pumupunta naman sina Faizah at Lorenzo dito para tulungan ako sa pagiging witch ko.

They already started teaching me simple spells. Sa ngayon ay personal spells ang pinag-aaralan ko.

One is a calming spell. My emotions were not stable these days. I use this spell to stay grounded. To stay... me.

"Savannah."

"What is it, Yaddie?"

Ngumiti siya. "Guess what? May surprise ako sa'yo."

"Ano naman 'yun?" naupo ako sa grass at in-enjoy ang sinag ng araw ng umagang 'yun.

"You'll see. Kaya tumayo ka na. Let's go."

Tiningala ko s'ya. "Tell me para makapaghanda ako."

"Basta," aniya saka hinila na ako patayo kaya wala akong nagawa nang papunta na kami sa kanyang sasakyan. Mabilis naming nilisan ang Bloodworth property at tinahak ang daan pababa sa bayan.

Isang linggo lang akong nakulong sa mansion pero pakiramdam ko ay umabot iyun ng isang taon.

Sa tapat ng mamahaling coffeshop ipinarada ni Yadira ang sasakyan at agad akong nag-alala.

Paano kung mawalan ako ng control dito? Paano kung bigla akong makaamoy ng baby na hindi pa na-activate ang vampire blood?

Paano kung bigla akong makapanakit?

"Don't worry. Hindi kita pababayaan," ani Yadira saka mabilis kaming pumasok sa coffeeshop habang hila-hila n'ya pa rin ako.

"Surprise!" nakangiti niyang palatak at agad namang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dalawa kong mga kapatid na nasa may sulok.

"Rianah! Max!" mabilis ko silang tinakbo at niyakap ngunit agad akong napaatras nang tila ako nakuryente sa balat nila.

I hissed. Nag-init ang ulo ko.

Nakita kong nanlaki ang mga mata ng mga kapatid ko dahil sa takot pero hindi ko 'yun pinansin.

How dare them! Bakit sinaktan nila ako?

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon