Chapter 58

1M 40K 32K
                                    

Author's Note: ⬇⬇⬇⬇⬇!

Good Morning

Jay-jay's POV

Ang sakit ng katawan ko. Parang gusto ko ng magsisi na tumulong ako sa resto nila Eman. Pero sila Freya talaga ang may kasalanan nito.

Pinahirapan nila ako. Oo... Ako lang! Inalayo na namin si Keifer dahil mukang napikon sya ng pabalik-balikin sya ni Aries sa table nila.

Kaya ako lahat ang sumalo ng pahirap ng mga Animal.

Inihinto ni Yuri ang kotse nya sa tapat ng bahay namin. Halatang pagod na rin sya, buti nalang at hindi sya inaantok habang nagmamaneho.

"Salamat Yuri... Sorry kung ikaw pa yung kinailangang maghatid sakin." Sabi ko.

"Okay lang... Atleast alam kong safe kang nakauwi." Sabi nya at nag-smile.

"Sige. Good nig----morning na pala."

Past 2am na kasi nakapag-sara ng resto. Sa dami narin kasi ng customer. Mabuti na din yun para mabilis makabawi si Eman at makakuha na ng crew.

"Good morning din." Sabi ni Yuri.

Bumaba na ko at hinintay na maka-alis yung kotse nya bago pumasok. Nakabukas pa yung gate, alam kasi nila Tita na aabutin ako ng madaling araw.

Papasok na ko ng may humawak sa braso ko. Nagulat ako, baka kasi masamang tao pero si Kiko lang pala.

"Sorry... Natakot ba kita?" Tanung nya.

"O-oo... Kala ko rapist ka na eh." Sabi ko at ngumiti. "..Bakit nga pala andito ka?"

"Gusto ko kasing masiguro na nakauwi kana. Hindi kita matext, wala ka naman kasing number sakin. Ayaw ibigay ni Aries." Paliwanag nya.

"Ahh... Baka naaaning lang si Aries."

Hindi baka, talagang aning yun.

"Jay... Yung tinatanung ko sayo."

"Ahmmm.. Hindi ko pa kasi napag-iisipan."

"Okay lang... Maghihintay ako." Sabi nya at ngumiti.

Yun lang ata talaga yung dahilan nya kaya sya andito eh. Hindi makapaghintay, atat lang?

"Anung hihintayin mo Kiko?"

Pareho kaming natigilan. Mula sa likod ko at alam kong si Aries yun. Bakit gising pa sya?

"Bakit hindi ka makasagot?" Tanung ulit nya kay Kiko.

Umiwas ng tingin si Kiko. "Dude kasi..."

"Tutal andito kana. Let's clear things right here, right now." Sabi ni Aries at bahagyang lumapit kay Kiko. "..Do you really like Jay-jay?"

Huminga ng malalim si Kiko bago mag-nod. "Actually, i'm planning to court Jay." Pag-amin nya.

Aries chuckled. "Not gonna happen." He turns to me. "..Get inside."

Ayoko sana, kayalang galit na yung tingin sakin ni Aries. Tumingin ako kay Kiko at nagpilit ng ngiti. Pumasok ako sa gate pero hindi ako lumayo, gusto ko pa rin kasing marinig pag-uusapan nila.

"Wala namang masama kung ligawan ko sya. Diba?"

"Jay-jay is not allowed to have a boyfriend. End of the story. You can go now." Pagtataboy ni Aries.

"Hindi ikaw ang magdi-disisyon tungkol dyan."

"Yes, I am. Leave!"

"Pare... Anu bang problema? Kilala mo naman ako."

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon