Umbrella Friend(I'm inlove with my bestfriend)

53 3 0
                                    

Dear Readers,
Si Jb, kababata ko sya na naging bestfriend ko. Alam kong hindi ko pa sya mahal noon dahil may boyfriend ako na kaibigan namin. Lagi syang nandyan pag kailangan ko sya. Malungkot man yan o masaya, lagi syang nandyan at nakasuporta.

Hanggang dumating yung araw na nagbreak kami ng boyfriend ko. I was deeply hurt that time, nag-inom kami ng mga kaibigan ko kasama ang bestfriend ko. Hangang yung pinsan kong lalaki ay sinimulan na akong bigyan ng advice pero ang hindi ko inaasahang isa sa suggestion nya ay ang maging kami ng bestfriend ko.

Simula nun, naging bestfriend with benefits na kami, naghoholding hands, nag kikiss at nagyayakapan. Hanggang sa narealize ko na nahulog na ako sa kanya. Inamin ko sa kanya yung nararamdaman ko pero sabi nya hindi nya kayang suklian yung nararamdaman ko. Sobrang sakit nun pero nagbulag bulagan ako, nagbingi bingihan ako, nagpakatanga ko!

Nagkaroon sya ng mga girlfriend samantalang ako nananatiling nagmamahal sa kanya. Ako yung naging Taga basa ng labi nya sa tuwing wala yung girlfriend nya. Sa tuwing naghahalikan kami ay ramdam ko na gusto nya yung nangyayari, na parang mahal nya ko! Assuming lang pala ko! Kasi muntik nya ng makuha ang virginity ko pero hindi man lang sya nagsisi!

One time, I tried to kissed him pero umiwas sya. I ask him why? Sabi nya gusto nyang makipagsex. I disagreed but he start kissing me. Para kong nawala sa ulirat at sinuklian ang mga halik nya, namalayan ko nalang ay wala na akong pang ibaba at ipapasok nya na ang pagkalalaki nya sa pagkababae ko. Parang dun lang ako natauhan, sabi ko mahal ko sya pero hindi pa ako handa sa ganung bagay pero pinipilit nya ako. Patuloy akong tumanggi hanggang mainis sya. Nagbihis sya at iniwan ako sa kwarto nya. Umuwi ako samin at sinubukan syang kontakin pero hindi na nya sinasagot yung tawag ko.

Ilang araw yung lumipas. Nakikita nya ako pero hindi nya ako pinapansin! Parang hindi nya ako kilala. Kahit alam kong sex lang yung habol nya, mahal ko pa rin sya! I want to be with him, I want him to be mine. I want us to be together coz I am sure that I'm really inlove with my bestfriend. Ano ba dapat kong gawin? Dapat bang kalimutan ko na sya kahit ang hirap? O ibigay na ang gusto nya dahil yun ang paraan para magugustuhan nya ako?

Sincerely,
Isay

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now