Umbrella friend (Bridge always win)

54 3 0
                                    

Wala pa ako sa legal age, I am considered as one of the innocent teens nowadays. But that is before you came.
Taong bahay ako aaminin ko, madalang lang akong lumabas sa bahay dahil mas gusto kong nasa comfort zone lang ako pero hindi ko akalain na ng makilala kita ay magbabago ako.
Pinakilala sakin ng mga pinsan ko ang mga kaibigan nya at kasama ka dun. Naging close ko kayo hanggang sa sumating yung araw na nagsabi kang liligawan mo ako. I easily said yes dahil ito yung unang beses na may nanligaw sakin. I am 14 and you are 16. I experienced a lot because of you.You are my first kiss and second kiss, hindi nga lang romantic dahil sa eskinita naganap yun but it feels so magical.
Natuto rin akong uminom at manigarilyo. Nung 15th birthday ko, eksaktong 1 month ng panliligaw mo. Niregaluhan mo pa ko ng pink teddy bear na may hawak na heart at May nakasulat na I love you sa gitna. Pormal ka na ring nagpakilala sa family ko. Natuwa pa nga sila dahil ang bait mo daw.

3 Days after, plano na kitang sagutin pero bakit bigla kang nagbago? Bago ko pa masabing pumapayag na akong maging girlfriend mo bigla mong sinabing titigil ka na sa panliligaw! I was damn hurt! You are my first heartbreak! Gusto kitang kausapin pero umiiwas ka, isang araw nagulat nalang ako kayo na nung kaibigan kong nagsilbing tulay natin. Bakit ganun? Anong nangyari sa mga pangako mong mamahalin mo ko? Sa isang iglap nalipat lahat sa kanya! Dahil ba pinag-intay kita ng isang buwan? Dahil narealize mong sya pala ang gusto mo? O dahil sa tingin mo boring ako? Gulong gulo pa rin ako at nasasaktan pa rin ako!

Totoo nga siguro na you will never forget your first love. Magtutwo years na kayo ngayon pero ako ay nananatiling naghahanap ng kasagutan. Paano ba ko makakamove forward kung sa bawat sandali na naririnig ko ang salitang love ay pangalan mo ang naaalala ko. Yung pighating dinulot mo, yung mga pagkakataong pinanghihinayangan ko? Paano ko ba tatanggapin na pinagpalit mo ako sa kaibigan ko? Sabihin mo? Paano?

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now