28- Pinakuluang Sabaw

29.8K 873 54
                                    

The title says it all.. Sabaw tongbud nato haha. Pagtyagaan nyo nalang po hahaha enjoy
---------------------------------------

King James' POV

"Hey lead. Sino ba ang lumabag sa batas ngayon at pinatawag tayo?" White Cheetah na naghihikab pa.

" Guys 2:45 palang oh! Ang sarap ng tulog ko " nakanguso naman na sabi ni Venom

I was currently driving kayat hindi ko sila masagot. Papunta kami ngayon sa isang abandoned warehouse. May kailangan daw kasing turuan ng leksyon.

" Sino daw ba King ang nagpatawag? Kaasar naman eh" kenichie. Kung ako man eh naasar pero wala akong magagawa dahil utos ito ni Queen Black. Nagsend ang website nya sa ROYAL ONES ng isang link about this couple of gangs na nagsanib pwersa para daw mapatumba ang CHROLOS. At ang kinalabasan, syempre nagalit si Queen. Aware ako na ayaw na ayaw nya sa lahat at yung mga cheater at makasarili.

" When we get there, go find Queen Black and ask her your question" sagot ko kay kenichie. Narinig ko namang tumawa sina Zymeth at Tetsu. And si Daisuke na tahimik as usual.

Saktong 3 ng makarating kami sa building na sinasabi sa gps. Malaki ito at medyo nasa liblib na lugar. Bumaba kami ng sasakyan bitbit ang kanya kanya naming armas. Alam nyo na. Para sa kaligtasan din namin.

Pumasok kami sa loob at nakita namin doon ang mga gang na kasali sa top ten. Kung pagsasamahin ang total namin, nasa 60+ kami.

" What gangs are involved?" Tanong ko kay Shie. Gang leader ng Shikura na nasa ika apat na pwesto.

" Gang ni shou at cleo. Rank 13&16. Sagot naman nya na nakatingin sa dalawang grupo na nasa gitna naming top ten. Bali pinapalibutan namin sila habang nakaupo silang lahat sa sahig at mga duguan.

"Andyan na si Queen!" Sigaw ng isang member ng rank 10. Napatingin naman kaming lahat kala Queen. Mukhang galit na galit sya base narin sa kamao nyang nakasara. Kawawa tong mga to tsk tsk tsk

Nagbigay daan naman ang ilang gangster na nakaharang sa daan nila. Nakayuko ang mga ulo upang magbigay galang sa pinakamalakas na grupo sa buong mundo.

" Rank 13 and 16... It was nice to see all of you here" Malamig at nakakakilabot nyang sabi habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanila.

" Just kill us! Ang dami mo pang satsat!" Sigaw ni shou. Yabang nito rank 13 lang naman!

" hahaha! Excited?? I'll do it later but for now, i wanna play first" tssss this queen really love games. Hindi nako magtataka kung bakit binansagan syang Ms.Player.

" I want you to kill me. But that is if you could find me. 5 minutes is enough for you to look for me and if you failed, all of you will die." Napangisi naman ang apat pang kagrupo ni Queen sa sinabi nito. Umatras naman sila at lumabas ng lumang warehouse nato. Sumunod naman ang iba pang gang na mga nakangiting aso.

" King tara na. Sa labas daw lahat" aya sakin ni black rabbit.

Wala akong nagawa dahil lahat sila ay kusa ring lumalabas. Nakanunot ang aking noo habang naglalakad palabas. Naka labas nako sa malaking gate ng warehouse ng bigla akong inakbayan ni white cheetah.

" Dude, alam mo ba, na ang Tao ay nabubuhay lamang sa earth" akala ko kung anong matinong sasabihin ng gagong to. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Aga aga siraulo

" Chill kalang! Serious na serious ka kasi!" Sagot nya agad di pa mandin ako nagsasalita.

Nakatayo lang kaming lahat sa labas ng warehouse. Naghihintay na matapos ang laro ni Queen. Nagaabang sa kung anong maaaring mangyari. Yung iba halatang kinakabahan samantalang ang mga kagang mismo ni Queen ah prenteng nakatayo lang at mukang mga inip na inip na.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon