34: Attack of the Turned

21.2K 780 34
                                    

Tahimik lang akong nanonood sa mga nangyayari sa labas. Sa totoo lang natatakot ako. Nakikita ko kasi kung paano naglalaban ang mga Purebloods ng Hellville at mga turned vampires. The Purebloods were using their strength and speed while the turned ones used the same abilities but also their foxglove-laced weapons.

"Bakit hindi kayo tumutulong?" naiinis kong tanong sa mga nagbabantay sa akin. Para kasi silang nanonood lang ng isang palabas habang nakasilip sa bintana.

"Ayaw ng Council ng bayan na 'to na makialam ang ISOP sa kanila kaya hindi kami pwedeng basta-basta na lang kumilos," sagot ng lalaking may mahabang buhok.

Tsk. Mga duwag. Kapag may nangangailangan ng tulong dapat handa kang tumulong no matter what. Ito ang downside ng politics eh.

Malakas na ang sigawan sa labas kaya nag-aalala na ako sa kaligtasan ng mga kapatid ko at ng pamilya Atwood.

Sana naman hindi madamay ang witches sa gulo na 'to.

Sina Titus kaya? Alam na kaya nila ang nangyayari dito sa bayan? Baka nakikipaglaban na sila ngayon. Sana naman hindi sila mapahamak. Naiisip ko pa lang na nasasaktan s'ya ay kinakapos na ako ng hangin.

Bumukas ang pinto kaya napatingin kami doon. Nag-init agad ang ulo ko nang makitang pumasok doon si Orpheus Gerhardt at si Yadira.

"It's about time that you show up," walang gana kong komento. "Bakit hindi kayo tumulong?"

"Kasama sa agreement namin ni Magnus Bloodworth na hindi kami makikialam sa bayan na 'to as long as wala silang sinusuway na patakaran ng ISOP. Kaya hanggang spectators lang tayo, Ms. Fitzgerald."

Walang galang na kung walang galang pero inirapan ko na talaga ang matandang 'to.

"Maghanda ka na, Savannah," sabad naman ni Yadira.

"For what?"

"I convinced Mr. President na bigyan ka ng time na magpaalam sa mga kapatid mo bago tayo tumulak papuntang Graviville ngayong gabi."

Graviville? Ngayong gabi? Agad akong binalot ng galit at tila nagdilim ang paningin ko.

"Wala kayong karapatan na magdesisyon para sa buhay ko!" malakas kong sigaw. Naramdaman kong lumamig ang paligid na tila may malakas na hangin na biglang pumasok sa silid.

"Savannah, calm down!" dinig kong tawag ni Yadira sa akin kaya mas nainis ako.

Calm down? So, uutusan na rin nila ako ngayon?

"Savannah, ano ba?"

Wala na akong pakialam. Wala rin akong alam kung ano ang ginagawa ko ngayon. Nakikita ko lang sila na parang tinatangay ng malakas na hangin kaya panay ang kapit nila sa kung anong mahawakan nila tulad ng pinto, door frame at dresser.

Yes, I learned this spell with Faizah. It was supposed to let small things fly, not big people.

"Hindi n'yo ako pwedeng ilayo sa mga kapatid ko."

"Yadira, tranquilizer!" dinig kong sigaw ni Orpheus at bago ko pa man maintindihan 'yun ay may tumama ng kung anong maliit na tila karayom sa leeg ko.

Anong...?

Napaluhod ako sa sahig nang bigla akong nanghina. Dahan-dahan namang kumalma ang pakiramdam ko at nawala ang malakas na hangin dito sa loob ng silid.

"Dalhin na s'ya sa bahay ng mga Atwood para makaalis na tayo."

"Opo, President," sabay-sabay nilang sagot.

Wala na akong lakas pa para lumaban. Medyo nahihilo ako kaya madali sa kanila na bitbitin ako palabas ng kwarto.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon