Birthday

1.2M 14.8K 3.5K
                                    

Jd's POV

"Sir, taon taon na lang ba tayong mag iisip ng ireregalo kay Ma'am Asha?" reklamo ni Ivan sa akin.

Nagbe-brainstorming kasi kami kung anong magandang surprise sa darating na birthday ni Asha.

"Sir lahat na ng kalokohan ginawa na natin, nagbigay ka na ng bank accounts, nabigay mo na yung bahay, tapos nagpakasal na kayo, ano pa bang surpresa ang gusto mo? Try mo kayang mag annul naman kayo." tiningnan ko sya ng masama at naghanap ng pambabato sa kanya.

"Hep .. no no no .." saka inimis ni Ivan lahat ng nakakalat sa table ko.

"Manahimik at mag isip ka na lang jan ah!" inis na sabi ko at humarap sa laptop ko kung saan nag se-search ako ng mga surprise idea for birthdays.

One week na lang kasi birthday na nya, naghahanda na nga sila ni Ella sa party nila, mga friends and families nga lang ang invited nila. At nakikita ko kay Asha na nag eenjoy sila ng Ate nya sa bonding nila.

Sana lang talaga maayos na ito, si Ella ay puro kabutihan ang pinapakita sakin, samin ni Asha at sa kambal, ang kambal naman ay ganun pa din, syempre kambal pa din, gwapo at mana sakin.

"Sir ano pa lang lagay ni Ella?" pangangamusta ni Ivan.

"So far so good." base sa pagmamasid ko sa kanya ay wala naman akong napupunang masamang mangyayari.

"What about sa motherhood thing nya?" except sa pagiging pakielamaera nya pala.

Oo dati natutuwa ako sa pagiging generous nya sa mga anak ko, at sa pagtulong nya sa pagpapalaki namin sa kanila.

Pero habang tumatagal sumosobra na, ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung nililimitahan nya ang gagawin ng mga anak ko. Bawal nyan bawal nito, tapos lagi pa syang hands on na sobra ng sumbobra dahil pati kami ni Asha ay hindi makasingit sa kanya.

"No. Di ko pa din na o-open kay Asha. Masyado pa kasi syang masaya sa bonding nila ni Ella."

"I guess you need to talk either Asha or Ella, para malaman ni Ella yung ayaw mo, hindi naman.pwedeng lagi na lang ganoon."

Napapatango na lang ako sa sinabi ni Ivan. Ayaw ko kasi yung ugali ni Ella na nawawalan na kami ng oras sa kambal, and she is so over protective, hindi naman sa hinuhusgahan ko si Ella pero sa pakiramdam ko binubuhay nya ang anak nya sa katawan ng mga anak ko.

And I won't allow that.

"Sir di ko na talaga kaya, nasasayang ang oras natin dito, uuwi na ko at may lagnat si Dara, dahil dun vaccine nya kahapon, mauuna na ko Sir pero promise mag iisip talaga ako." nag fist to fist kami at nauna na sya.

Inayos ko na din ang gamit ko para makauwi na, duamaan muna ako sa bakeshop para bumili ng pasalubong sa kambal. Pagdating sa bahay ay wala yung usual na madadatnan ko, ang makalat na laruan ng kambal sa sofa, at ang maingay nilang paglalaro kasabay ng malakas na tv.

"Nasaan ang kambal at si Asha?" tanong ko sa kasambahay na pababa.

"Si Ma'am Asha po nasa kwarto nyo nagpapahinga, yung kambal po nasa kwarto nila kasama si Ma'am Ella."

"Anong nangyari kay Asha?" tanong ko.

"Nahilo pa si Ma'am Asha kanina pagkatapos nilang magfree taste dun sa catering." 

Nagmamadali akong umakyat at pinuntahan si Asha. She's sleeping. Chinek ko ang temperature nya, di naman sya mainit. Ayos lang. After i kiss her ay lumipat ako sa kwarto ng kambal.

Malayo pa lang ay narinig ko na ang tawanan at sigawan ng kambal mula sa kwarto nila, I guess they're having fun with Ella. Pagsilip ko ay naghahabulan sila Iko at Elo habang naka costume sila ng spider man at bat man. Si Ela naman ay naka witch hat, they are playing.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon