S.C [8]

89.2K 1K 12
                                    

Special Chapter 8 <Xavia and Chris' Special Chap>

Author's POV

Malungkot na nakatanaw si Xavia sa dalawang magkasintahan na naglalakad, magkahawak ang kamay at nagtatawanan.

Iniisip niya na naman 'siya'. Ang lalakeng nagturo sa kanyang magmahal. Ang lalakeng 'first love' at 'first heartbreak' niya.

.Flashback.

Bagong estudyante lang ako sa bagong eskwelahan.

Kakagraduate ko lang kasi at first year high na ako ngayon. Wala pa akong kakilala sa eskwelahan na to, bukod kay..

"Hoy Xavia!"

..Chris, ang bestfriend ko.

"Oh Chris! Ambagal mo naman oh! Bilisan mo, malelate na tayo!"pag-angal ko.

Ngumiti siya sa akin at inilahad ang kamay niya. Nginitian ko muna siya pabalik bago kunin ang kamay niya at hawak-kamay kaming pumasok sa loob ng eskwelahan.

Holding hands? Sa bespren mo? Sanay na kami dyan. Napag-usapan na namin na walang malisya kapag may sweet gestures na ginagawa namin sa isa't isa.

Unang subject, hindi kami magkaklase ni Chris kaya sobrang kabado ako ng pumasok akong mag-isa sa classroom.

Maingay at magulo dahil wala pa ang teacher. Umupo ako sa bakanteng upuan sa pinakalikod ng klase. Pagkaupong-pagkaupo ko ay tumahimik din ang buong klase. Pumasok na kasi ang guro.

"Morning class. I'm Sir Mendoza. Now let's start with the lesson" seryosong sabi ng teacher at nagsimulang magsulat ng kung ano sa board.

Napabuntong-hininga ako. Wala man lang bang introductions? Lesson agad?

Kinuha ko ang extra notebook ko at sinimulang magsulat.

Natigilan ako sa pagsusulat nang may isang lalakeng dire-diretsong pumasok sa loob ng classroom. Pagsasabihan ata siya ng teacher ngunit nang nakita siya ay itunuon niya ulit ang pansin sa board.

Napatingin ako sa lalaking papalapit sa akin. Typical rebellious bad boy. Seryoso. At siguradong masungit.

Hindi ko na lang siya pinansin at binalik ang sarili ko sa pagsusulat.

***

"Xavia! Sabay na tayong kumain!"sabi ni Chris at hinila ako papuntang cafeteria.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon