CHAPTER 169

3.9M 73.2K 123K
                                    

MAX'S POV

Ilang beses na akong hinalikan ni Sensui pero kakaiba ang isang 'to. Pakiramdam ko ay unti-unti akong natutunaw at humahawa sa tubig ang bawat mantika na nagmumula sa katawan ko. Hindi ko maipaliwanag kung dahil ba iyon sa tubig-dagat o dahil mas espesiyal ang paraan niya ng paghalik ngayon.

Hindi basta basta dampi pero hindi mapusok.

Natural pero espesiyal.

Hindi ko maitatanggi sa sarili kong hindi lang ako nalilibang sa ginagawa niya. Unti-unti ay nagugustohan ko na rin ito at ayaw ko ng matapos pa.

Marahan ang pagkakahawak ng mga kamay niya sa pisngi at batok ko. Ultimong paghawi niya ng inaanod na buhok ko ay mas marahan pa. Sa t'wing hihigpit ang pagkapit niya sa pisngi ko ay kinakabahan ako, pero unti-unti ring nawawala ang kaba sa t'wing ngingiti siya. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya dahil ang likod ng palad ko ay nakaharang sa dibdib niya sapagkat hindi ko na malaman kung saan ko ihahawak ang mga ito.

Nangingibabaw ang hiya sa nararamdaman ko kanina pero natatakpan 'yun sa t'wing mararamdaman ko ang pananabik sa bawat dampi ng labi niya sa labi ko. Wala akong ginagawang kilos at hinahayaan ko lang siyang kusang gumalaw.

Nang bumitiw siya ay muling nangibabaw ang hiya sa'kin ngunit nawala 'yun nang makita ko ang ngiti sa mga mata at kabuuan ng mukha niya. Mula sa liwanag ng buwan ay kitang kita ko ang kislap sa mga mata niya. Tsaka ko naramdaman ang pagbihag niya sa bewang ko at saka ako nito iniangat sa tubig.

Pareho kaming tahimik na naghabol ng hininga pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha niya.

"Gusto mo pa, Ba--"

"Ayoko na," pigil ko sa kaniya at ngumuso naman siya. Nahihiya ako sa t'wing magtatanong siya patungkol don. "N-Nakakapagod."

"Tch! Wala ka namang ginagawa bakit ka mapapagod!" sigaw niya na naman sa'kin!

Damn it, this is embarrassing!

Luminga pa ako sa paligid at nakita kong wala na ang mga kasama namin.

"Nasaan na sila?" tanong ko pa.

"Iniwan na nila tayo para masolo kita. Tonight is Deib Lohr's night." matamis ang ngiting aniya at saka hinapit ako papalapit sa kaniya. "I love you, Maxpein."

"Tss--!"

"Sumagot ka!"

"I love you!"

"Tch, ang sweet sweet mo talaga, 'no?" mapaklang tanong niya.

"Umakyat na tayo, malamig na." anyaya ko sa kaniya. "Baka sipunin tayo--OH!" napasigaw ako ng buhatin ako nito! "A-Ano ba! Ibaba mo ako!"

"Tch! Mas maganda sana kung nakapalda ka man lang, tsk! Bukas, pangbabae ang isuot mo, ah? 'Wag naman 'yung sobrang ganda para hindi ka mapansin ng iba. Hehehe." aniya tsaka binuhat ako papunta sa pangpang at doon ako ibinaba. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko kaya hindi ako nakatingin sa kaniya ng deretso. Sinalubong niya naman ang tingin ko at nanunuksong tiningnan ako. "Pwede kitang buhatin hanggang sa taas kung kinikilig ka ron sa ginawa ko. Haha!"

"Tss."

"Simple pa 'yun. Pwede rin kitang bigyan ng lahat ng klase ng halik kung gusto mo, Taguro?" nanunukso ang tinging aniya pa.

"Tss, saan mo ba n-napagkukuha 'yang mga s-sinasabi mo?" tugon ko sabay iwas ng tingin.

"Sa puso ko! Hahaha! Lahat 'yon ay idinidikta ng isip ko at sinasabi sa'yo ng puso ko!" tugon niya at suminghal naman ako. "Nahihiya ka ba sa'kin?" pigil ang tawang aniya pa ang kumunot naman ang noo ko.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon