Malapit na ang recital namin sa Dance Club. We were grouped into 4 groups depending on our forte: Contemporary, Interpretative, Free Style and Hiphop which I belong. We belong. Si Jessa naman ay nag-interpretative since dito siya magaling.
I kennot naman talaga sa dalawa kong group mates! Si Jan Wary at Jasper John lang naman. Hays. Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako o maiiyak na ewan. Syempre, sa unang banda, I should be happy. Ikaw ba naman kasama mo ang pinakapoging tao sa campus niyo tuwing nagpapractice kayo. Pero, sa kabilang banda naman eh yung kasama mo ang taong hindi mo na alam at kilala kung sino. Kahit pa magkaibigan kayo halos pitong taon.
In six months, a lot of things happened. In six months, a lot of things had changed.
We decided to rehearse earlier before our session time. May gagawin daw si Jasper, obviously magdedate. Ugh. Si Jan Wary naman ay may dinner daw with his parents. Pumayag na rin ako para maspend ko din yung time ko kasama si Celeste. Pupunta kasi siya dito mamaya. So excited!
"One, two and side, one, two and side. Then, grab and drop, grab and drop." Paglelead ko sa kanila. "Tapos ikaw Wary," I was hold his arms. Goodness! Perks na kasama ko siya. "You backward a little then get your cap off your head and throw it to the crowd. Astigan mo ng konti." I smiled at him.
Nagulat ako noong kinuha niya bigla ang kamay ko. But I turned around and it is as if we're dancing waltz. Hindi ko gaanong alam ang ganitong uri ng sayaw dahil kulang daw ako sa grace pero I know si Jan Wary ang nagdala. Parang lumulutang ako sa ulap. Kay bagal ng galaw amin at ninais ko na sana wala nang hangganan yun.
Tumawa naman kami pareho sa ginawa namin. One good thing rin sa pagsali ko dito sa dance club ay hindi lang nabubuhos ko ang lahat sa pagsasayaw kung hindi ay pati na rin yung pagiging malapit namin ni Jan Wary. Mas nakikilala ko siya sa araw araw na pag-iinsayo kami. At mas gumagwapo yata!
Ang ganda na sana ng moment ng biglang narinig namin ang isang malakas na BANG mula sa pintuan kaya bumalik ako sa realidad. Realidad na hindi mo na maiintindihan.
Ano ba talaga ang problema mo Jasper John? Why do you keep on making things hard for me?
"He is your best friend, right?" Tanong agad ni Jan Wary matapos niyang bitawan ang kamay ko at kumuha muna ng tubig. He handed one to me.
"Thanks. Yup, he is." Sagot ko at umupo muna saglit.
"Ano'ng problema niya? Parang wala naman yatang ganang magpractice eh."
Napabuntong hininga ako. "Yun ang hindi ko na alam. These days kasi parang ang layo namin sa isa't isa kahit pa kasama ko siya. Kita mo naman, mas nakakausap pa nga kita ngayon."
"Maybe he's jealous."
Naibuga ko yung tubig. Nabilaukan yata ako.
"Uy. Are you okay?" Mabilis niya akong nilapitan at hinimas ang likod ko. Okay lang naman siguro ako pero ang heart ko hindi! Sobrang concern siya sa akin at ang lapit namin sa isa't isa. "May nasabi ba akong mali?"
Nang naging maayos na ang kalagayan ko, nagsimula na akong magsalita. "What you've said was not wrong. It's insane! Hahaha. Saan naman nanggaling yun?"
"I don't know. First thing that popped out my mind."
"Bakit naman siya magseselos? Duh. So impossible. Wag ka na ngang magbiro ng ganun." Uminom ulit ako ng tubig. Natetense na kasi ako sa closeness namin.
"Bakit ba nagseselos ang tao? Syempre dahil mahal ka. Duh." Hahaha. Ang cute-cute ni Wary! Parang bading. Nako, wag po Lord. Konti na lang ho silang straight!
I looked at him with confusion. Nagpout lang siya. So I looked away. Hindi ko na kasi kaya ang kilig bes! Handsomeness overload.
"Hindi ka naman mahirap mahalin eh." Mabilis niyang sinabi.
YOU ARE READING
Trouble With Johns
RandomThey say, "In love nothing matters but your feelings for each other." Even numbers like distance and age have nothing to do with it. Or even one's status in life. Just like Romeo and Juliet's love story. Kapag in love ka daw, hahamakin mo ang lahat...
