Part 14

18 1 1
                                        

Nasa library ako kasama si Jhon Mark na walang humpay ang pangungulit. I think he's back. Yung makulit, nakakaiinis at nakakairitang Jhon Mark ay nagbalik na. Bilib din naman ako dito. Total transformation talaga tuwing nagdadrama.

"Wag ka nga. Nag-aaral ako eh!" Saway ko sa kanya. "Try mo din kayang mag-aral no?"

"Tsk. Kung mag-aaral pa ako, ano nalang ang magiging mali sa akin? Gwapo na, mabait pa tapos magiging matalino? Nako! Maawa ka naman sa iba!" Sabi niya with matching hand gestures pa.

"Diwaw!" Inirapan ko siya at nagsimulang magsulat muli. Nang mapansin kong tumahimik na siya, tumigil muna ako sandali at tinignan siya.

"Mabilis nating nakamove on ha?" Patawa kong sabi. Tumingin siya sa akin saka nagbuntong hininga.

"Hindi porket tumatawa na, totoong masaya. At saka, what do you want me to do? Magmokmok?" He smiled. "Knowing that everything happens for a reason and what will be, will be makes me feel at ease. Moving on will always be difficult but we still have choices on how to handle it."

Sobrang bilib na talaga ako sa taong to. No wonder kung bakit mahal na mahal siya ng pinsan ko. He knows how to say the right words.

"Bakit ba nakapositive mo, ha?" Kunot noo kong tanong. Bago pa man siya makasagot ay may dumating na isang lalaking kulot na kulot ang buhok na mukhang antok kaya tumayo si Jhon Mark para makapag-fist bump sa kanya.

Ilang sandali pa ay humarap sila sa akin at ipinakilala ako ni Jhon Mark sa kanya.

"Tol, si Trisha nga pala." Tinignan niya ako ng lalaki at tumingin siyang muli kay Jhon Mark.

"Bago mo Tol?" Tanong niya sabay tawa.

"Sana." Sagot naman ng isa.

"Sira! Kaibigan niya lang ako. Este, cousin." Mabilis ko namang tugon.

"Baka, cousintahan?" Tanong ng lalaki. Ito kay bago palang naming magkakilala kung makaasta parang close kami. Hays. "Biro lang Miss Trisha. By the way, I'm Rafael. Nice to meet you." Inaabot niya ang kamay niya sa akin at ngumiti. Tumayo naman ako at nakipaghand shake. Ah, siya pala si Rafael. Totoo nga talaga ang pinagsasabi niyang siya ang umaako sa responsibilidad ni Rafael dito sa library.

Syempre, kahit sinabi na noong sa akin 'yun ni Jhon Mark, mahirap pa ring paniwalaan. Duh? Sa panahon ngayon, mas inaalala na lang kasi ng mga tao ang mga sarili nila at hindi mo naman sila masisisi. Buhay nila 'yun eh. Pero ang katulad ni Mark, konting konti nalang sila.

"Sige Tol. May ipinabalik lang si Ma'am Jo sa aking libro dito sa second floor kaya ako nandito. Duty muna ako. Salamat sa pagduty noong isang araw." Nagfist bump sila ulit. Nginitian niya naman ako. Pagkatapos ay umalis na si Rafael.

"Hoy. Okay ka lang? Bakit tulaley ka jan? In love ka kay Rafael!?" Sunod sunod niyang tanong.

"Ano ka ba? Hindi no." Iniisip ko pa rin kasi ang katangiang taglay ng lalaking to. Busilak ang puso eh!

Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "Good. Ayoko kasing may kahati."

"Layo ka nga! Nakakakilabot ka, Mark!" Bumalik na ako sa pagkakaupo at ganon din ang ginawa niya.

Few minutes after kong matapos ang sinusulat ko ay nagpa-alam na ako sa kanya.

"I think I should go. 15 minuntes nalang, class ko na." Sabi ko sa kanya.

"Okay. Ingat ka ha?" Sabi niya naman. 'Yun lang? Hindi ba siya susunod?

"Ikaw ba? Hindi ka aalis?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Dito na muna ako." Malumanay niyang sagot. Sumisenti na naman siya. Hays

Tumayo na ako at nagpaalam. "Sige, ikaw din." Nang pahakbang na ako upang makalayo, bigla siyang tumayo at hinawakan ang braso ko. Nagulat ako dahil don.

Trouble With JohnsWhere stories live. Discover now