Chapter 65

1M 40.3K 22.9K
                                    

Author's Note: Please Read!!!!!!!!!!!!!

Explain ko na rin kung bakit sya ang napili kong Keifer. Naaalala ko kasi sa The Innocent Man. Napaka-serious nya dun kaya nag-mark sakin and somehow i saw my Keifer boy!

Okay lang din kung ayaw nyo sa kanya. You can still imagine a different actor/actress.

Sa dulo po yung picture⬇⬇⬇

++++++++++++++++++++++++++++

Assembly

Jay-jay's POV

"Hahahaha.. Ginawa talaga ni Keifer yun?" Tanung ni Ci-N habang walang tigil sa pagtawa.

Nakarating na kasi sa kanila yung ginawang kagaguhan ng walang hiya. Nakita din nila yung black eye nya. Proud ako dyan! Ako nagbigay nun eh!

Deserve nya yung hayop sya!

"Saan mo naman nakuha yung PT?" Tanung ni David.

Napatingin ako kay Denzel na nakatanga sa kawalan. Pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanila yun.

"Napulot ko lang dyan sa labas. Na-curious ako kaya kinuha ko."

"Wag kana kasing kukuha ng basura." Sabi ni Calix na nakikinig din pala samin.

"Baka naman sayo yun. Tinapon mo lang." Bintang ni Ci-N.

"May matres ba ko para gumamit nun?!" Iritang tanung ni Calix.

"Wala... Pero si Mica meron." sagot ni Ci-N dahilan para makakuha sya ng palatok. "..Aray."

"May usapan kami ng Tatay ni Mica. Hindi ko gagawin yun." Paliwanag nya.

"Pinakilala ka na nya sa parents nya?" Tanung ni David.

Bahagyang namula si Calix at nag-nod.

"..Ng ganyan ang itsura mo?" Tanung ko.

Muka pa rin kasi syang gusgusin. Okay naman na sila ni Mica pero ganun pa rin ang itsura nya.

"May masama ba sa itsura ko?" Balik nyang tanung.

Sabay-sabay kaming tumango nila David at Ci-N.

"Sabi ni Mica okay na daw to." Sabi nya at kinuha ang cellphone para manalamin.

"Sabi lang nya yun... Pero natatakot yun na kapag nag-ahit at naghilod ka maraming maghahabol sayo." Pang-aasar ni Ci-N.

Tinignan sya ng masama ni Calix. Pero kung tutuusin posible nga yon. Nung nasa resto pa kami ni Eman, laging tinitignan ni Mica si Calix kapag may kausap na babaeng customer.

Hindi naman namin sya masisisi. Buti na nga lang at hindi pa namin nababalitaan na nag-aaway sila.

"Guys! Assembly at 9 am!" Announce ni Yuri.

Tinignan ko yung cellphone ko para sa oras. 8:45am na, maiiwan na naman ba ko dito? Kagaya dati nung puntiryahin ako ng Section D.

Maya-maya tumayo na sila at lumakad papunta sa labas pero ako naka-upo pa rin.

"Tara na Jay! Umaano ka pa dyan?!" Tawag sakin ni Ci-N.

Huminto sila at tinignan ako. Hindi ko alam pero parang meron akong hinihintay sa kanila.

May humawak sa ulo ko. Tinignan ko kung sino yun.

Si Yuri.

"Tara na... Kabilang ka samin kaya dapat kasama ka." Sabi nya at ngumiti.

Ang Mutya Ng Section E (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon