Last Chapter

66.2K 1.6K 163
                                    

This is it loves! Last chapter of book 3. Enjoy! ☺

***

LAST CHAPTER

Keisha's POV

Napangiti ako ng maramdaman ko ang mga bisig niyang pumulupot sa bewang ko.

"Hmmm..."

"Napabangon ka hubby? Matulog ka na dun."

"You're not beside me." Napangiti ako ng tahimik tsaka ko hinawakan ang dalawang kamay niya. "What are you thinking?"

"Natutuwa lang ako. Tignan mo sila o." Tukoy ko doon sa mga taong nakapalibot sa bonfire. "Sinong mag-aakala na si Kane ay magiging tatay na?" Natawa kami pareho. "At buti naman at magkaka-baby na sila Pia. Alam kong matagal na nilang ipinagdadasal yun e." Masaya naming tinitigan ang mga tauhan ni Zach. "Si Jade alam kong torpe lang yan pero mahal niya ang kapatid ko." Napatingin naman ako sa dalawang tao na nakahiga sa buhangin. "At yang si Chris, masaya din akong may nahanap siyang babae na tanggap ang buong pagkatao niya."

"May kulang ata sa nabanggit mo wifey."

Napakunot ang noo ko. "Oo nga no. Asan na ba yung dalawa-"

"Ayun o." Tinuro niya ang kabilang dulo ng beach kung saan may dalawang tao na para bang nagtatalo. "Dog and cat."

"Buntis lang si Jessy kaya mainitin ang ulo."

"She's pregnant? How?"

Pinandilatan ko siya ng mata. "Seriously hubby? Tinatanong mo sakin kung paano? Para namang hindi natin ginawa yun kanina-" Sumibol ang nakakalokong ngiti niya kaya inirapan ko siya.

Namayani ang matagal-tagal na katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya nagsalita.

"Are you happy Keisha?" Inikot na niya ko paharap sa kanya.

"Oo naman hubby. You never fail to make me happy." I smiled as I snake my arms around his nape. "Thank you so much for always making me smile Zach. I love you."

Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. "Kung bibigyan ka ng pagkakataong magpakasal sa iba, ako pa din ba ang papakasalan mo?".

"Hmm.. Wait. Let me think about that."

Tinaasan niya ko ng kilay. "Really? You're really thinking about that?"

"Oo naman no!" Mapang-asar na sagot ko. "Siyempre paano kung may mas gwapo, may mas mabait, mas mapagmahal.." Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya sakin. "Mas maalaga, mas sweet, mas gentleman.." Tuluyan na niyang inalis ang braso niyang nakapulupot sakin. "Diba? Paano na lang kung ang option ko ay 'MAS' ng description mo?"

Tinalikuran na niya ko kaya mas napangisi pa ako.

"Iniisip ko pa nga din kung worth it ba lahat ng paghihirap ko. Lahat ng sacrifices ko.."

"Was it worth it?" Tumigil siya sa paglalakad pero hindi siya humarap sakin. "Hay. Siguro hindi. Siguro mas matimbang ang pain and heartaches na naranasan mo sakin kaya hindi worth it. Right?"

Nilapitan ko siya at ako naman ang yumakap mula sa likod niya. "Mahal kita Zach. Noong bata ako, I was dreaming that I'll be a princess of my own fairy tale but in reality, it's very different from what I've been reading before. Sa totoong buhay pala, marami ka munang pagdadaanan na hirap at struggles bago mo makuha ang inaasam mong happy ending."

Iniharap ko naman siya sakin at hinawakan sa pisngi. "Mahal na mahal kita Zach. At kung bibigyan man ako ng maraming pagkakataon para mamili ng taong papakasalan, ikaw pa din ang paulit-ulit kong pipiliin."

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon